Chapter 1 : I like you
[Mitch]
"Zionne!" sigaw ko sa lalaking nakatalikod at naglalakad sa corridor dito sa building namin.
"Zionne naman eh pansinin mo na ako! *pout*" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala paring effect. Nagtatantrums na yung tao, ayaw parin akong pansinin.
Hindi siya lumingon at hindi man lang siya natinag sa lakas ng pagtawag ko sa kanya. Kaya tinawag ko ng paulit-ulit ang pangalan niya kahit na pinagtitinginan na ako ng mga fans niya na ang sasama ng tingin sakin at mga teachers na nabibingi sa matinis kong boses hehe. Buti recess ngayon.
Hindi ko napansin na nandito pala kami sa library ng school sa kakasunod ko sa kanya. Nakita ko nalang siya na nakaupo sa pinakadulo habang nagbabasa. Umupo ako sa harapan niya.
"Zionne Davies Brosque." mahinang bulong ko sa kanya. Tinawag ko talaga siya sa buong pangalan niya pero syempre bulong lang, mahirap na pagsumigaw, mapapaalis pako ng di oras dito sa library. Tsaka di ko na makakasama si Zionnemylabs huhu.
"Hoy Brosque! Ito oh snacks mo, ginawa ko yan" lapad na ngiti kong sabi sabay abot sa kanya ng sandwich na ginawa ko. Tiningnan lang niya yun ng nakataas kilay tsaka balik sa pagbasa niya.
Hmmp, di man lang ako tinapunan ng tingin. Aha! Baka akala niya may gayuma yun o lason.
"Walang gayuma o lason yan kaya safe na safe yan noh. Wala din yang hipon. Alam ko kasing allergic ka sa hipon." pag-eexplain ko sa kanya tapos binigyan ko siya ng super duper cute smile ko. Pero di parin siya natinag. Hmmm.
"Aha! Walang tubig? Kaya di mo kinakaon baka kasi mabulunan ka. Hindi ko kasi afford yung favorite mong starbucks eh hehe. Teka bili nalang kita tubig ha? Hintayin moko diyan. Wag kang aalis." ako sabay karipas ng takbo papuntang cafeteria.
Pagbalik ko, hindi parin niya kinakain yung binigay kung sandwich. Siguro hindi siya kumakain ng mumurahin na sliced bread, eh kasi conching lang kaya namin bilhin eh. Mahal kasi yung gardenia eh pareha lang naman yung sliced bread. Tsaka masarap naman yung palaman eh. Omelette. Yum yum.
"Ahh ito oh tubig pangtulak diyan sa sandwich na binigay ko" ako sabay lagay sa gilid niya ng tubig.
Pero di parin siya natinag at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro ng pinakasikat na si Nicholas Spark. Ganda talaga ng taste ng lalaking ito kaya nainlab ako dito eh. Hehe.
Hmmp. Aha! Alam kona. Kinuha ko yung libro niya at tinago. Napalingon naman siya ng mukhang galit. Hindi mukhang. Talagang galit. Waaah. Tinakot ko yung dragon huhu.
Mission successful sana kaso nakakatakot talaga yung tingin niya. Kaya pala natatakot yung ibang lumapit sa kanya. Sus kung di ko lang crush to hehe.
"What?" calm niyang sabi habang tinitigan ako hihi. Wag ganyan mylabs naiinlab ako ng todo eh hihi.
"A-ahh ehh i like you!" diretsahang sabi ko sakanya sabay ngiti at blush hehe. Nakakahiya pero go parin noh!
"I don't like you." sabi niya na nakapoker face at sabay agaw niya ngvlibro sakin. Nagbasa ulit siya.
Hmmp. Bala siya. Basta crush ko siya. Yun na yun. Kinuha ko ulit yung librong binabasa niya. At kung kanina galit siya. Ngayon galit na galit na talaga siya.
"What is your problem?! Pede ba umalis ka! Nakakasira ka ng araw! Panget" sigaw niya sabay titig ng napakasama sakin. Awtch ha, ang sakit nun pero kerri parin naman. Kinuha niya ulit yung libro sakin at magbabasa sana ulit. Kaso pinagalitan kami ng librarian.
"YOU TWO! GET OUT! NOW!" Sus sungit nitong librarian namin huhu. Menopausal ata. Di man lang kami binigyan ng warning huhu.