Chapter 3: Section One

10 1 0
                                    

Chapter 3: Section One

[Mitch]

Kriiiingggg! (tunog ng bell)

Hay salamat Lunch na at natapos na yung time ni Sir Saimon at makapagpahinga na yung kamay ko. Tsaka gutom na din ako huhu.

*kruuuuuuu*

Kyaaaah. Nakakahiya tumunog yung tiyan ko. Mukhang gutom na talaga siya kasi kaninang recess pako hindi kumakain.

"HAHAHAHAHAHA!" tawang tawa si Luigi. Tsk. Huhu.

"Wag ka nga tumawa diyan! Huhu kitang gutom yung tao eh! *pout*" ako sabay pout tapos haplos sa tiyan ko at ayos ng mga gamit ko.

"Haha! Nakakatawa ka talaga payatot! Wag ka nga magpout. Halika na. Libre kita. Ang huli kulelat" nagmake face pa siya sabay takbo sa labas.

Yung lalaki talaga yun.

"Hoy hintayin mo nga ako. Kitang ang liit ng paa ko eh!" pagmamaktol ko sabay habol sa kanya.

Buti na lang naabotan ko siya at binatokan ko pa. Amazona ako eh hahaha.

Nag-asaran pa kami habang naglalakad sa corridor. Tapos tinakbo ko na talaga yung cafeteria dahil sobrang gutom na talaga ako eh.

Humanap agad ako ng upuan. Dun ko nalang hihintayin si Luigi total libre din naman niya tsaka minsanan lang kaya niya ako ilibre.

Buti nakahanap ako sa medyo malayo sa crowd. Umupo agad ako.

Tumakbo agad ako para hindi ako maunahan. Ang ganda kaya ng place na yun. Malayo sa crowd. Kaya nga lang natapilok ako.

Teka. Parang sinadya yun ah.

"Ayan bagay sayo. Malandi na nga Lampa pa." sabi nung si Irish Delavin. Bratinella ng school. Isa din sa pinakamayaman dito. Section one din siya at head turners din kaya maraming napapatingin samin.

Hindi ako lumaban. Ayoko nga. Gutom ako eh. Tsaka wala akong panama. Mayaman siya samantalang ako hindi.

"Alam niyo ba guys? Itong babaeng to nilalandi si Zionne kaya naparusahan siya at nadisappoint ang teacher sa kanya at dahil yun sa malanding babaeng to." sigaw nung isang alipores ni Irish Si Yanna. Isa din sa bratinella at mayaman din siya. Section one din siya.

Nagbubulungan naman yung tao at ang sasama ng tingin sakin. Ang sasakit ng pinagsasabi nila pero wapakels ako kasi gutom ako. Nagsimula na akong maglakad ng hilahin ni Irish yung braso ko at tinapunan ako ng juice.

"You bitch. Ang lakas ng loob mong talikuran ang isang katulad ko. Pasalamat ka nga, nakakausap mo ang isang katulad ko. Isang katulad ko na malayo sa level mo." siya na akmang sasampalin ako kaya pumikit ako at naghintay na dumapi ang kamay niya sa mukha ko ngunit ilang segundo na ang lumipas ng wala parin. Kaya binuksan ko ang mata ko at napatulala ako ng may isang kamay na pumigil sa kanya sa pagsampal sakin.

"Hindi naman niya sinabi na kausapin mo siya. At lalong lalo na sa lahat hindi ka talaga niya kalevel. Maganda ka nga sana. Pero kabaliktaran naman yang pagkaitim ng budhi mo. Eh siya? Di nga siya kasingganda at kasingyaman mo. May mabuti naman siyang puso." maangas na sabi ng babaeng pumigil sa kamay ni Irish na sampalin ako. Siya si Venice Delavin. Isa din siyang head turner at mayaman din. Siga siya at siya ang pinakamabait sa mga head turners. Kasi pinagtatanggol niya ang inaapi. Section one din siya at kapatid niya si Irish. Opposite na opposite sila ng ugali dalawa. Kaya minsan mapapatanong ka talaga kung magkapatid ba talaga sila.

"Tsk. Ang best in panira ng mood. My heroine sis. Tsk. At ikaw babae ka *sabay turo sakin* may araw ka rin" umalis siya kasama ang mga alipores niya pagkatapos niya akong bantaan. Wow. Hehe di man lang ako natinag.

"Ahh ehh thank you Ms. Venice" ako sabay bow sa kanya at binigyan siya ng malapad na ngiti.

"Wala yun, halika na sabay nako kumain sa inyo" sabay akbay niya sakin papunta sa place na gusto kung kainan huhu.

*krrruuuuuuuuu*

Waaah kahiya galit na galit na talaga tiyan ko. Gutom na gutom na.

"Wahahaha iba ka talaga. Nakakatuwa." sabay ngiti niya sakin.

Timing naman na dumating na din si Luigi. At nashock talaga ako dahil hindi pagkain ng cafeteria ang inoorder niya kundi pagkain sa jollibee. Omooo. Nagspark yung mga mata ko sa rami ng pagkain na inoorder niya.

Kaya pala di niya narinig yung sagutan namin ni Irish kanina dahil lumabas pala siya ng school para umoorder ng Jollibee. Hays iba talaga pagmay-ari ng school. Unfair! Hmmp >_<

Napatingin naman siya kay Venice. Nagulat siya pero umupo siya.

"Ahh ehh kilala niyo na yung isa isa kaya okay na yun haha! Tara kain na tayo. Jollibeeeee~" ako sabay kuha sa spaghetti at burger steak tapos kuha ng chicken tapos kuha ng sundae at fries syempre. May burger din pala whahaha.

Lamon lang ako ng lamon. Gutom ako eh. Tapos tumingin sila sakin. Huhu mukha talaga akong PG nito kahit PG talaga ako.

"Hehe sorry ha, gutom talaga ako eh huhu sorry kung PG tingnan" ako sabay nguya ng nasa baba ko. Tapos subo ulit hehe. Sarap talaga eh huhu.

"Mauubos mo talaga yan?" sabay pa nilang sabi.

Tumango lang ako sabay senyas sa kanila na kumain na kundi uubusin ko lahat. Buti kumain sila. Takot ata maubusan ko ng pagkain whahaha. Wait napatingin ako kay venice at napaisip ako kung nakakain na ba si Venice ng jollibee, diba mayaman sila kaya puro 5 star restaurants sila kumakain. Tsaka si Luigi, kumakain naman yan ng fast foods eh. Kahit naman kasi ano kinakain niyan.

Parang nakita niya ata na tumitig ako sa kanya at parang alam niya kung ano ang pinahihiwatig ko.

"Kumakain din naman ako ng fast food noh. Kakaumay kaya yung mamahalin. Kuripot pa naman ako hahaha. Minsan nga lang, tumatakas lang kasi ako kasi patay ako kay daddy pagnalaman niya yun hehe." pagliliwanag niya sabay subo ng fries. Ang angas niya parin kahit kumakain huhu. Ang cool niya. Siga.

Sinawsaw ko naman yung fries at burger ko sa sundae kaya natigilan sila. Haha. Ang kyut nila nakanganga.

"What? Hehe hindi niyo bato natry? Masarap kaya, itry niyo dali isawsaw niyo yung froes at burger sa sundae. Masarap yun!" sabi ko sabay subo ng burger.

Tiningnan ko naman sila na pinahihiwatigan na itry nila. Nag-aalinlangan pa sila pero ginawa parin nila. At base sa reaction nila mukhang nasarapan nga yung dalawa. Natuwa naman ako at pinagpatuloy ang pagkain.

---

After nung kainan namin bumalik na kami sa classroom. Binigyan din ako ng konting information ni Venice about sa nga tao at personalities ng section one at mga rules nila para maging aware ako.

Pagkatapos nung mga kwentohan namin. Nagring yung bell meaning tapos na ang lunch at magsisimula na ang klase.

Kaya umayos na kami ng upo lahat. At as usual focus parin si Zizimylabs at nakaserious mode pa. Sinubukan ko pa nga siyang kulitin ngunit di talaga natinag eh. Medyo inis na nga siya eh. Hindi nga medyo. Inis na inis talaga wahahah.

Natapos nga yung araw ko sa pangungulit kay Zionne at pagkuha ng pictures sa kanya. Ginawa ko pa yung wallpaper hehe. Ang saya ng araw nato nakilala ko na kasi yung lahat sa section one. Naging kaibigan ko din yung iba. Mabait naman kasi yung iba sa kanila kahit mayaman at syempre masaya din ako na nadagdagan ako ng kaibigan na si Venice. Pinalipat niya pa nga yung isa kung katabi sa kanan para siya yung umupo dun. Nasa kaliwa ko kasi zizimylabs tas si venice ang sa kanan ko. Alam na din niya na super duper crush ko si Zionne. Kyaaah ang bait niya talaga. Ibang iba siya kay Irish. Sana nga lang bukas medyo hindi na ako susungitan ni Zizimylabs hihi. Aja lang!

---

Chapter 3 is done. I just updated 2 chapters in one day! Wow.

The Imperfect CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon