Prologue

12 2 0
                                    

Ilang sandali lang ay dumating na ang resulta ng kompetisyon.

"Ang may pinaka mataas na markang nakuha at ang nanalo sa competition na ito ay ang painting na may pamagat na "Nijel" walang iba kundi si Ms Lianne Alday!" At sa kasamaang palad ako nga ang nanalo.
"Maari mo nang paakyatin ang iyong boyfriend na siyang nakapinta sa iyong winning artwork." Dagdag niya.

Tinanggal na nila ang ibang paintings at sa akin na lamang ang naiwan sa stage katabi ko. Nagsigawan nang malakas ang mga tao lalo na ang mga kababaihan dahil sa sobrang gwapo nang ipininta kong lalaki na akala nila nag e-exist sa mundo at totoong boyfriend ko.

Nararamdaman ko na may unti-unting pumapatak na likido sa aking underwear, naiihi na pala ako sa sobrang kaba. Katulad nga ng plano ay aamin akong hindi totoo ang lalaki na aking ipininta, na hindi ko talaga siya boyfriend at isa lamang siyang kathang isip.

Dahan-dahan akong lumalapit sa nakatayong microphone para aminin ang katotohanan. Hindi ko maihakbang ang aking paa dahil bukod sa nerbyos ay feeling ko sisirit na nang malakas ang ihi ko. Hindi ko na talaga mapigilan.

Lahat ng tao ay nag aabang sa paglitaw ng lalaking ipininta ko.

"Nasaan na si Nijel?"
"Nasaan na yung boyfriend mo?"
"Excited na kami."
"Baka niloloko mo lang kami?"
-ilan sa mga sigaw na narinig ko.

Kahit hirap ako ay pinilit kong makalapit sa microphone. Bahala na kung anong mangyari after nito. Bahala na kung kasuklaman ako ng lahat ng estudyante rito ang mahalaga masabi ko ang katotohanan.

"G-gusto ko lang po sabihin sa inyo na h..." Hindi pa ako tapos magsalita ay biglang may umagaw sa atensiyon naming lahat. Kasalukuyang may helicopter na bumababa sa gitna ng field na kinaroroonan namin.

Kitang kita sa mukha ng lahat ang pagtataka kung sino ang nakasakay sa helicopter. Pag landing nito ay laking gulat ko sa aking nakita.

"N-nanaginip ba ako?" Nakita ko si Nijel, ang lalaki sa aking painting na akin ding imaginary boyfriend ay kasalukuyang bumababa sa helicopter.

Sa sobrang gulat ko ay tuluyan nang bumigay ang aking pantog at sumirit na nang malakas ang aking ihi. Mabuti na lamang at nakapantalon ako dahil hindi masyadong makikita ang pag agos nito.

Tahimik ang lahat habang kasalukuyan siyang naglalakad paakyat sa stage na kinatatayuan ko. Hindi ko na rin nagawang gumalaw.

Pag akyat niya ay ingaw niya sa akin ang microphone.

"Thank you for the warm welcome. I really appreciated this. Ipininta niyo pa talaga ako? Hehe" Malakas niyang sabi habang nakatingin sa aking artwork dahilan para mas lalo pang umingay ang paligid.

Lumapit sa akin si Sir Rolando para iabot ang premyo na nakalagay sa sobre. I guess pera ito.

Natapos na ang patimpalak. Unti-unti nang umaalis ang mga estudyante. Kinuha na rin ni Sir Rolando yung artwork ko.

"N-nijel? Nagkabuhay ka?" Sabi ko sa kanya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa mukha.

Agad naman niyang inalis ang kamay ko sa mukha niya."Ha? Sinong Nijel? At anong nagkabuhay ako. Isa pa bakit nasa stage ka? Special guest ka ba sa welcome party para sa akin?". Hindi naman ako kumibo at nakatitig pa rin sa kanya. "Bahala ka na nga diyan, ang panghi mo!" Sabi niya at biglang umalis.

Hahabulin ko sana siya kaso naalala kong naihi nga pala ako sa pants ko. Kailangan ko munang maglinis.

"Nag mamaang-maangan ka pa Nijel ha? Mamaya ka sakin." Pabulong kong sabi habang tinitignan siyang papalayo.

______________________________________

Sino ang mag-aakala na ang fictional boyfriend ni Lianne na palagi niyang ipinipinta ay makikita niya sa totoong buhay?

Reminder: this is not a fairytale or fantasy.

Ang Paintings ni LianneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon