Natapos na ang klase ni maam. Lumabas na kami.
"Tara na sumabay kana sa akin bumaba?" Pag aalok sa akin ni Julia na hinintay pa ako sa pintuan.
"Ah nako 'wag na, maghahagdan na lang ako para excercise na rin." Sabi ko habang nag j-jog in place.
Natawa siya nang konti. "Sigurado ka ba diyan? " tumango naman ako. "Sige mauna na ako." Umalis na siya at nag b-bye naman ako.
Sa totoo lang gusto ko sanang sumama sa kanya kaso minamalas talaga ako sa tuwing sumasakay ako doon kaya 'wag na lang. Kakayanin ko namang maghagdan hanggang matapos ang klase buong taon. Sanay naman ako sa hirap.
Pumunta ako sa Sweet Pastries para doon ulit mag lunch.
"Welcome back po." Bati sa akin nung lumapit na waiter.
"Natatandaan mo ako?"
Ngumiti siya. "Sa sobrang konti ng mga kumakain dito madali lang tandaan ang mukha niyo."
Natawa na lang ako. Um-order ako ng iba pang putahe bukod sa kinain ko noon. At sa uulitin, masarap parin ito. Kung pwede ko lang ipag sigawan sa buong campus na masarap ang pagkain nila ay gagawin ko.
Bibilisan ko talagang kumain dahil excited na akong tapusin yung painting ko kay Nijel. Umalis na ako. Pag dating ko sa painting class ay umupo agad ako sa aking upuan. Tinakpan ko na rin ang vacant seat na katabi ko. Hays, siguro yung anak din ni sir Rodney yung uupo dito. Nako lagot lang talaga siya sa akin.
"Today is the continuation ng first painting niyo. So kailangan matapos 'yan ngayong araw din mismo dahil wala nang extension 'yan. By the way ako nga pala si Sir Rolando Osias, tatlong araw na tayong nag m-meeting hindi pa rin ako nakakapag pakilla sa inyo." Nagtawanan naman ang mga kaklase ko siyempre pati ako.
Nag umpisa na kaming mag painting. Mabuti na lamang at matagal ko nang ipinipinta si Nijel kaya kahit malaki pa ang canvas ay kaya ko itong tapusin ngayong araw. Nakita kong tinitignan ng katabi kong babae yung painting ko.
"Are you sure boyfriend mo 'yan?" Halata sa mukha niya ang pagtataka.
Tumango lang ako at ngumiti. Hindi ko alam bkit pero kita ko sa kanyang mukha ang bakas ng lungkot. Siguro dahil mas gwapo ang boyfriend ko kesa sa boyfriend niya. Hakhak.
"Time is up!" Mabuti na lamang at tapos na ako. "Paki ligpit na ang inyong mga paintbrush at mga pintura dahil meron akong ia-announce." Itinabi naman namin ang mga ito at nakinig. "May good news ako sa inyo, ang lahat ng gawa niyo ay ii-exhibit bukas. Magiging painting contest na ito at ang may pinaka magandang gawa ay may makukuhang premyo." Sabi ni sir Rolando.
OMG! May premyo? Yiiiiii! Sana ako ang manalo.
"At isa pa, kasama sa criteria ay kailangan kasama niyo kung sino man ang mga nasa subjects niyo. Since walang nag drawing ng bulaklak at lahat naman kayo ay mga jowa ang subject, I am expecting na kasama niyo sila bukas ha?" Biglang lumamig ang buong katawan ko at parang tumigil sa pag tibok ang puso ko sa sinabi ni sir.
H-hindi nga? Kailangan talaga kasama yung subject namin sa painting? Paano 'yan eh hindi naman nag e-exist si Nijel sa totoong buhay? Huhuhuhuhu. Gusto ko sanang dumihan o guluhin yung gawa ko kaso nakatabi na ang mga painting materials eh. Paano 'yan nakakahiya baka malaman nila na hindi totoo si Nijel.
"Hihintayin ko yung boyfriend mo bukas ha?" Halatang nang iinis iting katabi ko.
Naglabasan na silang lahat at ako nandito pa rin. Na stroke na yata ako. Ewan basta hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.
"Ms. Lianne, bakit hindi ka pa lumalabas?" Nagulat ako sa tanong ni sir.
"W-wa-wala po. Sige alis na po ako. Paalam." Nagmamadali akong lumabas at halata sa mukha ni sir ang pagtataka sa ikinikilos ko.
Pag uwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Inilabas ko si Jarjar para makausap.
"Hindi ko alam anong gagawin ko. Umabsent na lang kaya ako?" Natataranta kong tanong sa kanya. Bumunot ako ng papel at ang nakalagay. 'Sayang na sayang'
"Oo nga baka isipin ni Sir Rodney na sayang lang ang sustento at pagpapaaral niya sa akin, baka madi-disappoint si sir Rodney kapag umabsent ako, may late na nga ako tapos aabsent pa. Anong gagawin ko?" Bumunot ulit ako mg papel.
'Dance with my father again'
"Thank you-thank you talaga Jarjar. Tama kailangan ko na kausapin sila papa at mama.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at naabutan ko silang nanonood ng tv.
"Mama, papa, kailangan ko ang tulong niyo." Biglang pumatak ang luha sa mga mata ko.
Lumapit ako sa kanila at sinumulan ang pag k-kwento. Sinabi ko ang lahat sa kanila katunayan nga niyan ay dinala ko sila sa loob ng kwarto ko. Pero imbes na pandirian nila ako dahil sa mga nude paintings na ginawa ko ay pinuri pa nila ako dahil napaka ganda raw at sobrang realistic.
Umupo ako sa kama ko at tinabihan ako nila mama at papa.
Inakbayan ako ni papa. "Anak hindi masamang magkaroon ng imaginary boyfriend ang masama ay yung ginawa mong pag papanggap."
"Pero hindi ko talaga alam na gagawin 'yong contest. Hindi na lang po siguro ako papasok." Medyo naiiyak pa ako.
"Pumasok ka at sabihin mo sa kanila ang totoo. Maaring maraming magalit sa iyo pero ang mahalaga ay maging malaya ang loob mo at wala ka nang tinatago." Sabi ni mama habang hinihimas-himas ang likod ko.
"Hays, sa uulitin na uto niyo nanaman po ako. Hahahaha" Nagtawanan na lang kaming lahat.
Kinuha ni mama si Jarjar na nikita niya sa bag ko dahil nakabukas ang bag ko. "Ito ba yung kaibigan mong si Jarjar? Cute siya at drinowingan mo pa ng mata at bibig."
"Tsaka si Nijel, gwapong lalaki. Boto ako sa kanya kelan ba siya mamamanhikan?" Pag bibiro ni papa kaya nagtawanan na lang kami.
Thankful talaga ako dahil sila ang naging magulang ko kahit sa kanila ko naman itong magspang kong mukha.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Ang Paintings ni Lianne
Teen FictionAno nga ba ang meron sa paintings ni Lianne? Tara samahan natin siya sa kanyang makulay na pakikipaglaro sa buhay pag-ibig.