Third Paint

8 0 0
                                    

Unti-unti nang dumadami ang mga estudyante sa loob, magaganda ang kanilang pananamit halatang branded samantalang ako heto ukay-ukay lang. Pero ayos lang yung iba nga walang damit eh. Hahaha. By the way highway naka civilian clothing kami rito at hindi uniform. Kailangan talaga nang matinding sense of fashion at alam kong wala ako non.

Maya-maya lang ay may nakatabi akong isang babae.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako. Wala talagang may gustong makipag kaibigan sa akin. Hays gusto ko lang naman magkaroon ng art buddy hindi naman kasi marunong mag painting si Jarjar.

Dahan-dahan kong inalis ang ngiti ko para hindi awkward. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa mentor namin na nagsasalita.

"Good afternoon guys, nag lunch na ba kayo bago pumasok dito sa klase ko? Walang break dito dahil I hate break ups." Pabirong sabi ni sir.

Hugot!
Woaaaah!

Ayun nag hiyawan silang lahat sa hugot ni sir. Siyempre nakisigaw din ako. Pero teka, seriously walang break time? Hindi pa ako kumakain. Kaya naman pala ako ang nauna sa dito dahil kumain pa pala sila. Sana 'wag akong magutom. Masama akong magutom baka makain ko ang mga paintbrushes. Hahaha.

Ayon, nag umpisa na ang klase. Nag turo muna si sir ng tungkol sa history ng paintings, mga principles, at mga sikat na paintings. Pero ang nakaka inis ay meron na namang vacant seat sa tabi ko. Bali yung babaeng sinabihan ko kanina ng 'hi' ay nasa left side ko at itong vacant seat naman ay nasa right side ko. Ano ba naman 'to, kung walang naka upo bakit pa nila inilagay dito? Huhuhu.

"Okay guys, 2 hours lang muna ang klase natin ngayon since this is our first meeting para naman hindi kayo masiyadong ma-pressure. Umuwi kayo nang maaga, gumala, at mag enjoy dahil sa mga susunod na araw makakalimutan niyo na kung ano ang ibig sabihin ng salitang pahinga." Sabi ni sir habang nililigpit ang projector at nag tatanggal ng mga nakasaksak na appliances.

Dalawang oras lang pala ang klase tinanong pa kami kung kumain na kami bago pumasok sa klase niya. Pero mabuti na lamang at natapos na ang klase dahil feeling ko anytime may lilitaw nang duguan multo dito sa vacant seat eh.

Umalis na ang lahat. Napansin ko lang na wala manlang kahit isa ang nag paalam kay sir bago lumabas sa classroom. Ganon ba kapag mayayaman? Nawawalan na ng value ang respect.

Lumapit ako at nag paalam. Naka smile naman siya sakin at sinabing mag ingat ako sa pag labas.

Pero meron lang bagay na hindi ko maintindihan, bakit nandoon agad ang mga art materials kung hindi naman kami mag p-painting sa araw na ito? Ano props lang? Kaloka!

Lumabas na ako ng campus. Tinawagan ko na si manong tricycle driver na service ko hatid-sundo. Halos lahat ng estudyante ay maaga ang uwi siguro ganon talaga kapag first day dito. Magaganda ang mga kotse nila. Pero dedma lang dahil kahit anong sasakyan man 'yan ang mahalaga ay makarating ka sa paroroonan mo. And I thankyou!

Dumating na si manong driver at as usual pinagtitnginan na naman ako ng mga estudyante. Whatever! Sa tinagal-tagal ko nang nabubuhay sanay na akong palaging minamaliit at sanay mapag isa. Hindi ko kailangan ang opinyon nila sa kung anong ginagawa ko sa buhay.

Ang Paintings ni LianneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon