First Paint

6 1 0
                                    

Lips stick, pak!
Kilay on fleek, pak!
Eye shadow, pak!
Blush on, pak!
Nose line, pak!
Foundation, pak!

Maayos naman ang pagkaka-apply ko sa mga make ups pero bakit ganon wala pa rin akong makitang bakas ng kagandahan sa mukha ko. Siguro nung nagpaulan ng pimples nagtatampisaw ako.

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto para awayin sila mama at papa. Pag labas ko nakita ko silang nanunood ng tv.

"Ma, pa, bakit ba kasi hindi ako maganda? Kasalanan niyo ito eh kasi kayo ang parents ko dahil namana ko sa inyo kung anong hitsura ko ngayon." Pag mamaktol ko. Palaging sila ang sinisisi ko everytime na nari-realize ko na ang panget ko talaga.

"Lianne anak, ang ganda wala sa panlabas na anyo 'yan kundi nasa kung ano ang nilalaman ng iyong puso." Pag papaliwananag ni mama.

"Gasgas na po yung kasabihan na 'yan ma, wala nang naniniwala diyan." Malungkot kong sabi.

"Halika nga dito." Pag aaya ni papa tinapik ang sahig sinyales na doon ako umupo sa gitna nila ni mama.

Umupo naman ako sa gitna nilang dalawa at inakbayan ako ni papa.

"Anak, maaring hindi ka nila paniniwalaan na maganda ka kasi ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay. Hindi mo sila pwedeng i-please, kaya kung gusto mo maging maganda ang dapat mo lang gawin ay maniwala." Nakangiting sabi ni papa.

"Ganon po ba? Hays, alam na alam niyo po talaga kung paano ako utuin este pagaanin ang loob. Salamat mama at papa." Hinalikan ko sila pareho sa pisngi at umalis.

Pumasok ako sa kwarto ko para kumunsulta sa besfriend kong si Jarjar, hindi siya tao ha? Isa siyang jar o garapon na naglalaman ng maliliit na piraso ng papel na naka bilot at sa bawat papel may nakasulat na song titles. Sa tuwing may tanong ako o kahit ano na bumabagabag sa akin bumubunot lang ako sa kanya at yung song title ang magsisilbing sagot niya. Sa ganitong paraan parang may kausap na rin ako.

Weird kung iisipin pero no choice ako dahil wala naman may gustong makipag kaibigan sa akin nakakadiri daw kasi ang mga tigyawat ko tsaka palagi daw akong haggard. Sa totoo lang sobrang ang dami ko talagang pimples to the point na binansagan na nila akong 'tigyawat na tinubuan ng mukha'. I did everything para lang mawala ito but still masyado nila akong mahal dahil ayaw talaga nila akong iwan. Pinipilit ko rin na mag mukhang fresh kaso hindi ko ma-achieve.

Kinuha ko si Jarjar sa aking closet at kinausap.

"Hi bessy, itatanong ko lang sana kung ano ang mas better, pumasok akong may make up or wala?"

Ang Paintings ni LianneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon