Hindi pa rin ako marunong gumamit ng elevator. Kaya no choice, ginamit ko ang hagdan. Pag dating sa tapat ng backdoor ng classroom tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 9:30 na, isang oras na akong late dahil medyo na traffic kami. Hindi mo talaga makakatakas kapag si kamalasan na ang humabol sayo. Nakakahiya kay Sir Rodney kapag nalaman niya ito.
"Good morning po!" Mahinahon kong sabi after kong buksan ang pinto.
Nagtinginan sa akin ang lahat. Nag tawanan silang lahat. Para bang may dumi ako sa mukha.
"Ms. Lianne, late ka ba nga tapos ganyan pa ang hitsura mo? look at yourself, napaka dungis mo." Sabi ni maam na nakapamewang.
Bigla kong naalala na nag painting pala ako kagabi. Hindi maiiwasan na madungisan ang mukha ko ng mga pintura. Hindi nga pala naligo o nag hilamos manlang bago pumasok.
"S-sorry po!" Nakayuko akong pumunta sa upuan ko.
"Na missed mo ang math subject. Isi-send ko na lang sayo ang lesson kanina para mapag aralan mo sa bahay niyo." Sabi niya at nag umpisa na mag turo.
Agad kong kinuha ang aking panyo para burahin ang dumi ko sa mukha. Kaso tuyo na ang pintura kaya kailangan kong basain ang panyo. Kinuha ko ang tumbler ko at dahan-dahang binasa ang panyo. Kaso pag angat ng ulo ko napalingon ako sa vacant seat, parang may nakita akong batang multo na duguan ang mukha.
"Ahhhhhhhhh!" Napasigaw ako nang malakas sa sobrang gulat. Guni-guni lang pala.
"Arrrg! Look what you've did!" Maarteng sabi ng babaeng nasa harap ko.
Naisaboy ko kasi nang malakas yung tumbler ng tubig ko dahil sa gulat kaya siguro siya nabasa.
"Sorry akala ko kasi may multo sa tabi ko eh." Nilapitan ko siya para sana punasan yung nabasa niyang damit.
"Hey! Don't you dare to touce me." Nandidiring sabi niya habang itinataboy ako palayo sa kanya.
Umiling-iling lang si maam na halatang nagagalit sa akin.
Napunasan ko na ang mukha ko. Nag umpisa na rin ang klase ni maam. English subject na. Nadi-distract parin ako sa vacant seat kaya nakaisip ako ng paraan. Inilabas ko ang malaking blanket na dala ko. Actually kagabi ko pa siya nilagay sa bag ko para may maipang takip ako sa vacant seat sa academic at painting class. Dahan-dahan ko itong ibinuklat at tinakpan ang vacant seat. Wala namang naka pansin sa akin dahil nasa last row ako at busy rin sila sa pakikinig.
Tapos na ang klase. Gusto ko na sanang tanungin si maam kung bakit may vacant seat dito kaso hindi ko magawa dahil sa ginawa kong kapalpakan kanina.
Lumabas na ako ng classroom. Binilisan kong pumunta sa elevator para may makasabay ako dahil hindi talaga ako marunong mag manipulate ng elevator. Pag pasok ko sa elevator, nagulat ako dahil ang nasa loob ay tatlong babaeng kaklase ko at yung isa sa kanila ay yung nasabuyan ng tubig kanina sa classroom.
Habang umaandar pababa nanalangin ako na sana ay 'wag niya akong kumprontahin about sa nangyari kanina kaso...
"Hoy! Kung inaakala mo na ka-level ka namin dahil nasa elite section ka pwes nagkakamali ka. Scholar ka lang." Sabi niya at binuhusan din ako ng isang tumbler ng tubig.
BINABASA MO ANG
Ang Paintings ni Lianne
Novela JuvenilAno nga ba ang meron sa paintings ni Lianne? Tara samahan natin siya sa kanyang makulay na pakikipaglaro sa buhay pag-ibig.