All characters, organization, places and events are completely fictional. This are made solely by the author's imagination and some similarities are purely coincidental.Prologue
"Will you marry me?" he asked and I almost sighed but then I bit my lower lip as I look at his cold and dark eyes.Hindi maamong muka ang itsura niya bagkus isang nilalang na sing lamig ang mga mata.
Nanlilisik at nakakakilabot. Ibang-iba ang mga mata nya ngayon.
His eyes are now pleading with passion and unadulterated desire.
I've never seen it before.
Siguro ay masyado akong nabulag noon. Hindi napansin ang lahat kaya ngayon ay nasa sitwasyon ako kung saan pinag sisihan ko ang lahat.
Pati ang lubos siyang makilala ay hinihiling kong hindi nalang sana.
At bago ko pa maalala ang masalimuot na nakaraan na sumagi sa aking isip ay pinilig ko na ang aking ulo at mariing pumikit.
Tinitigan ko ang mga taong nasa paligid namin.
Lahat sila ay naluluha at tila kinakabahan. Lahat ay inaantay ang isasagot ko. Nasa harapan kami ng mga magulang at kaibigan nya. Pati na din ang media sa gilid na naka-abang at kumukuha ng mga litrato sa amin.
Dati ay nangarap ako na balang araw ay magpapakasal ako at bubuo ng magandang pamilya.
Gagawa ng masasayang ala-ala at mag aasawa ng isang lalaking hindi ako sasaktan.
Sa sobrang taas ng mga pangarap ko. Nakamit ko naman pero hindi sa aspetong gusto ko.
I never thought this will happen.
Pumikit ako at ngumiti. Maybe I can let my true feelings about him, just this once.
Pinakita ko sa lalaking nakaluhod ngayon ang nakangiti at puno ng pagmamahal kong itsura.
"Yes," I said without hesitation.
Nakita ko ang galit sakanyang mga mata. Nabingi ako sa sigawan at tilian. Nabulag sa mga media at cellphone na nag lundagan sa gilid.
Hinatak niya ako at hinalikan. Nagagalit siya kaya dapat lang na hindi niya ako halikan ngayon!
Marahas iyon kaya naman naramdaman ko ang sakit ng aking labi.
Napabitaw ako ng malasahan ang dugo at mahinang pumiglas sakanya. Buti nalang ay nakatalikod kami ng halikan niya ako.
Nag bago na talaga siya. Hindi ko na siya makilala pero kasalanan ko din naman. Kasalanan ko ang lahat kung bakit umabot sa puntong naka plano na ang pangyayaring ito.
Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon dahil sa mga kinikilos niya.Mahigpit siyang nakakapit sa aking bewang habang umiiyak ako.
Nakayuko at pasimpleng humihikbi sa harapan.Wala namang nakakapansin sa akin kahit ako pa ang bride ng lalaking katabi ko.
Kung meron mang makakapansin ay pinabayaan nalang nila sapagkat iisipin lang nilang masaya ako dahil sa wakas ay tuloy na ang kasal.
Hinatak niya ako papalapit sakanya. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang kaya naman halos kinilabutan ako.
Hinarap niya ako sakanya at lalo kong nakita ang galit sakanyang mga mata. Nag iwas ako ng tingin at nag punas ng mga luha ngunit inagaw niya ang aking kamay at siya na ang gumawa.
I'm damn nervous.
Hinawakan n'ya lang ang pisngi ko at natatakot na ako.
Dahil lang sa pag hawak n'ya ng pisngi ko ay umurong ako at umatras na para bang takot na takot ako sakanya. Of course he didn't know what happened to me...he will never know.
His face became pale and he look like he want to punish me right now. Napayuko ako at napailing.
I hate this life...
I hate those memories he left before this.
I hate myself for being blinded by his fake love.
I hate my own body who keeps wanting him.
I hate how I swallow all my pride because of him.
But then I deeply love this monster who hurt me.
_________
A/N: I'm going to post this story while the quarantine is not yet over. Enjoy Reading!
YOU ARE READING
Sheets Of Past
General FictionKathy Dominique Basce only wants one thing; to be love by Claste Vladimien Monasterio, the great doctor and biologist of all time. Natupad naman ang kanyang hiling, napakasalan niya ang binata at naging isa pa siyang successful Psychiatrist. But the...