Seven

121 38 40
                                    


Ngayon na nga ang start ng klase ko kay Claste. Alam ko namang kanina pa siya nasa baba. Hindi lang ako mapakali kung anong susuotin ko o kaya naman kung anong gagawin ko pag katapos ng nangyari kahapon.

Lumundag ako sa kama at doon sumigaw sa unan upang 'di marinig.

"Kanina pa nasa baba si Claste. Masyado ka ng nagtatagal d'yan." rinig kong sabi ni Katriell kaya kaagad kong kinuha ang hoody ko tutal ay malamig naman sa buong bahay sakto at umulan pa.

Bumaba na ako at nakita ko siyang tahimik na nakaupo at may libro na sa lamesa.

"3 hours kada araw. I send mo nalang sa akin yung schedule mo sa school tapos sabihin mo sa akin kung anong oras ka pupunta dito." kausap siya ni Katriell na ngayon ay may dala-dalang maleta.

Nang makita niya ako ay sinalubong kaagad ako nito ng yakap.

"Baka ilang buwan ako mag stay sa States. Wag kang pasaway. Isusumbong ka ni Claste sa akin pag naging pasaway ka," tumango ako at niyakap pa siya lalo.

Nag paalam na si Katriell kaya pagkatapos nun ay dumiretsyo na ako kay Claste.

I acted like nothing happened yesterday.

Muka din naman kasing wala siyang pake o mukang nakainom lang talaga siya kahapon kaya hindi niya na maalala.

Well he also didn't brought up the topic. So I should shut up and act like nothing happened.

"Tara sa library." yaya ko dahil inayos niya na ang libro.

Sa library naman kasi dapat kami mag aral pero mukang inayos niya na lahat dito sa sala.

"Mas prefer ko dito," tumango ako at umupo sa kaharap niyang upuan.

Tinitigan ko siya na ngayon ay seryoso sa hawak na libro.

Napalunok ako ng maalala ko yung nangyari kahapon. Pag katapos niya kasing sabihin yun ay umalis nalang siya bigla sa harapan ko. Kaya napanganga ako at naiwan mag isa sa garden.

Ano bang trip niya?

Binigay niya sa akin ang isang libro na hawak niya kanina.

"Read it. Pag katapos n'yan may ipapasagot ako."

Bahagya akong sumimangot at tumango.

Binasa ko ang nasa pahina pero hindi ako makapag focus dahil sumasagi sa utak ko ang mga sinabi niya.

Layuan mo si Joaquin.

Ba't ko naman siya lalayuan?

"Alam kong hindi ka makapag focus dahil sa nangyari kahapon," natigil ako sa pagbabasa at unti-unting binaba ang libro upang silipin siya.

Nakatingin siya ngayon sa isang notebook pagkatapos ay sumulyap sa akin.

"Forget what I did. Lasing lang ako,"

Unti-unti akong napatango at nagbaba ulit ng tingin sa libro.

Naging malinaw sa akin ang librong binabasa ko ngayon pero naging malungkot naman dahil nagkaroon ako ng kaunting pag asa sakanya dahil sa nangyari.

Now that little hope is gone and turned into a sad one.

Tama pala ang hinala ko. Lasing lang siya kaya niya nagawa iyon.

Dumaan ang tatlong oras na parang isang minuto.

Namangha pa nga siya dahil madali kong nasagot ang mga tanong na binato niya sa akin.

Karamay ko kasi si Katriell. Bumili siya ng kagaya ng mga libro ni Claste upang hindi ako mapag iwanan.

Nagpapasalamat tuloy ako ngayon sa kuya ko.

Sheets Of Past Where stories live. Discover now