It's been one week with Claste. Ang dami kong natutunan sa biology subject. Sa susunod na week mababaliw na ako dahil papasok na ang private teachers ko. Nauna lang talagang nag turo si Claste dahil na rin ayaw niyang mag sayang ng oras.Tumigil ako sa pagbabasa at bahagyang nakinig sa kausap ni Claste sa kanyang cellphone. Malayo siya sa sala dahil halos papunta na siyang kusina pero dahil masyadong tahimik ang buong bahay at malinaw ang aking pandinig ay narinig ko ang usapan.
"Pasabi kay Ma'am Vill mamaya na ako mag ta-take ng test. Nag paalam na ako sakanya nung nakaraan hindi pa din ba siya pumayag?"
Binaba ko ang libro at sinilip si Claste na naka talikod at nakapameywang ang isang kamay na para bang problemado.
"Babalik naman ako d'yan. Our leader can handle it. Please I'm really busy,"
Humarap siya at nahuli ang titig ko kaya kaagad akong nag baba ng tingin.
Lumapit siya sa akin at nag ayos ng gamit.
"Bakit?" tanong ko at nakita ko sakanyang mata ang inis. Napalunok ako dahil nag sasalubong ang kanyang kilay.
"Assignment nalang 'yan. Kailangan kong bumalik sa school." napatango ako at tinulungan siyang ligpitin ang kalat.
"Extend nalang ang time bukas kung gusto mo." saad ko kaya natigilan siya at tumingin sa akin.
Nag iwas ako ng tingin dahil sa mga mata niyang masyadong mapanganib tignan.
"Pwede naman. Hindi ka ba busy bukas?" tumango ako kaya ganun din siya.
"Don't worry I'll buy you a banana cake tomorrow." kaagad akong napangiti ng sobra at ng tignan ko siya ay bahagya na din siyang nakangiti.
Napa awang ang labi ko sa muka niya ngayon. Nakatingin ako sakanyang mga labi na unti-unting nawala ang ngiti. Napalitan ito ng pirmi at tila nag pipigil kaya nag angat ako ng tingin sakanyang mga mata na direktang nakatingin sa akin.
Napalunok ako sakanyang titig na tila kay dilim ng gabi. Misteryoso at ano mang oras ay handa akong lapain.
Tila may nag udyok sa akin na lumapit pa, napa awang ang kanyang bibig at lalong sumeryoso ang muka.
His jaw clenched so I stopped making the move. Nilayo niya ang muka niya na ilang dangkal nalang ang layo sa akin.
Namula ang buong muka ko at sunod-sunod na napalunok.
Umalis siya ng hindi nag papaalam sa akin kaya nalungkot ako. Lagi kasi siyang nag papaalam...ngayon lang ang hindi.
Ang tanga ko naman!
Padarag akong naupo at inuntog ang ulo sa lamesa.
Akala ko lalapit ang muka niya sa akin kasi ganun ang mga napanood ko!
Hindi ko naman akalain na siya mismo ang mag lalayo ng muka niya, nakakahiya!
Kinabukasan ay medyo hindi niya ako pinansin. Nag extend nga kami ng oras kaso hindi naman masaya kasi nagsusulat siya at kanina niya pa ako hindi sinasagot sa mga personal na tanong ko pero kapag about sa lesson sinasagot naman niya.
Dahil ba ito kahapon?
"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" tanong ko at nilapag sa isang gilid ang libro.
"Read that page after that I'll ex-"
"Nabasa ko na lahat. Now let us talk-"
"Kung ganun ay ituturo ko na," kinuha niya ang librong pinabasa niya sa akin at ako naman ay kaagad na hinawakan ang kamay niya dahilan upang matigil siya.
YOU ARE READING
Sheets Of Past
General FictionKathy Dominique Basce only wants one thing; to be love by Claste Vladimien Monasterio, the great doctor and biologist of all time. Natupad naman ang kanyang hiling, napakasalan niya ang binata at naging isa pa siyang successful Psychiatrist. But the...