Ten

98 11 16
                                    

Naglibot kami sa mall at talagang sinama niya pa ako sa pag nail salon niya. Wala tuloy akong nagawa kundi mag paubaya.

Tinignan ko ang kulay red kong kuko na bumagay sa akin at tinignan din si Caz na nilalagyan ng kung ano sa muka. Hindi lang ata nail salon ito.

"Hey Caz," tumaas ang kilay nito at dinilat ang isang mata.

"What?"

"I'm going to buy a drink. May gusto ka bang ipabili?" nag thumbs up ito.

"I want lemon tea." she mumbled and I nodded.

Pag labas ko ng shop na iyon ay payapa akong pumunta sa sikat na bilihan ng inumin.

Hindi rin ako nag tagal dahil ilang ako sa mga tingin ng tao sa akin. Tinitignan nila ako na para bang naligaw ako sa mall.

Ayos naman ang damit ko at napapanahon naman. Kaya bakit ganyan sila makatingin?

Hawak-hawak ko ang dalawang inumin ng biglang mapahinto sa isa pang shop.

I saw a banana cake! Lumabas doon ang matanda na may hawak hawak na paper bag kung saan katulad ng paper bag na binigay sa akin ni Claste tuwing bumibili siya ng sweets!

Pumasok ako dun at tinignan ang presyo ng banana cake. My eyes almost dropped.

Isang buo ang binibigay niya sa akin!  Eh sa isang slice magkano na!

Mas mahal pa sa hawak ko ngayon!

"You want a cake Ma'am?" tanong nung babae kaya napatango ako.

"One slice of strawberry cake." ayun nalang kasi mas mura iyon kesa sa banana cake!

Jusko bibili nalang ako sa bakery!  Ang mura mura nun dun!

Pag labas ko sa shop ng mga cakes ay napadaan pa ulit ako sa isang coffee shop. Nakita ko din kasi yung paper bag na binigay sa akin ni Claste nung nakaraan. Binigyan niya ako ng kape habang nag ka-klase siya.

Pinagbuksan ako ng guard at humakbang na papasok.

Kaso nahinto ng makita si Lia Gonzales. Kaagad kong tinignan ang kasama niya. Napalunok ako at tila nag iba ang timpla.

Nakatalikod ang ka-date niya pero kung titignan sa buhok at pangangatawan ay alam ko na kung sino.

"Kaya pala wala akong test ngayon." napabulong kong sabi at bago pa lumipat ang tingin ni Lia sa akin ay umalis na kaagad ako dun at sa hindi malamang kadahilanan ay galit na galit akong bumalik kung na saan si Caz.

Napaatras pa ang guard dahil sa akin. Dumiretsyo ako sa nail salon at napansin ni Caz ang aura ko kaya nag tanong kaagad siya.

"Oh anong nangyari sayo? " tanong niya pero umiling lang ako.

Gusto ko na tuloy umuwi. Mag mukmok sa kwarto at mag tago sa makapal kong kumot. Minsan na nga lang mamasyal tapos ganto pa.

"Gusto mo na bang umuwi? " tanong ni Caz kaya kahit na gusto ko ay bahagya ko siyang inisip.

Minsan nalang kami lumabas at mamasyal kaya isasantabi ko muna ang pag iinarte.

"Hindi may nakita lang akong hindi kaaya-aya." napatango siya at kinuha ang lemon tea niya.

"Naku baka nakita mo si Claste tas may kasamang ibang babae." alam kong biro iyon pero dahil sa sinabi niya ay minasamaan ko siya ng tingin.

Nagulat siya sa titig ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano bang problema mo? May period ka ba? "

Hindi ko alam kung paano niya nalalaman ang mga bagay-bagay o talagang magaling lang siya mag hula.

Sheets Of Past Where stories live. Discover now