Nang makita niya akong hindi natutuwa sa sinabi niya ay napaayos siya ng upo."I'm just shock. Ganun ka na ba ka-bored noon?" tanong niya pa na mas lalong kinadilim ng mata ko.
Wala akong nakitang galit o iritasyon sa mga mata n'ya ngayon.
I saw how his face turn into a playful and amused look.
"Tama na nga,"
Tinignan ko ang oras at napasimangot lalo.
30 minutes pa bago ang time. Tapos ngayon nang aasar pa siya.
"Hindi ka na dapat nang-istalk. Pwede ko namang ikwento sayo," nakangisi niyang sabi sakin kaya bigla akong napatingin ako sakanya.
He chuckled at me as he tilted his head.
"Well do you wanna hear my story?" tanong niya kaya kaagad akong umiling.
"Hindi mo naman kailangang i-kwento sa akin! Wag na,"
Dahil dun ay hinawakan niya ang kanyang labi at natatawa pa din sa akin.
"My Kathy is not interested anymore," pang aasar niya kaya nag iwas ako ng tingin at pinilit na iyuko ang ulo para matakpan ang namumulang muka.
"Fine. If you don't wanna hear about it. Maybe next time,"
I can still hear his playful voice and soft chuckle.
This man knows how to make the girl uneasy!
How dare him!
Natapos ang araw na iyon sa pang aasar niya. Sinamahan ko siya pababa at saktong pumasok si Lia Gonzales kaya natigilan pa kami parehas pero si Claste ay nakatingin lang sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay ng huminto ako sa paglalakad.
"Andito na next teacher ko. Babye ingat." sabi ko sakanya kaya sumimangot siyang binalingan ako.
Pag alis niya ay umakyat na kami ni Lia. Tahimik siya at mukang iritado sa nakita kanina habang malamyos akong ngumiti sakanya.
Well, sorry Lia ah. Muka kasing sa akin interesado ang lalaking crush mo.
Nang mag umpisa ang test namin ay napakunot ang noo ko. Masyadong mahirap ang exam!
Siguro dahil galit siya akin? Bakit ganto?! Binawian niya ba ako?
Yung iba kasing tanong hindi niya pa natuturo.
She's not professional about her career. Ramdam ko ang inis niya ng mag tanong ako ulit sa sinabi niya dahil hindi ko narinig ng bahagya. Sinigawan niya ako pabalik at sinabihang dapat attentive akong nakikinig at hindi lumilipad ang utak.
Hindi ko alam kung nag paparinig ba siya o ano. Paborito ko ang Math kaya kahit ganyan siya at nakakairita ay pinag tya-tyagaan ko.
Maayos kong nasagutan iyon kahit na 2 min. lang sa isang problem.
Napaka unprofessional! Hindi ganito ang teacher ko dati at sa University. They gave us 5 min. for a long problem. Pero sakanya hindi. Akala mo naman nag hahabol ng oras, eh napaka dami naming time.
Kung ano-ano pa ang mga sinasabi niya sa akin.
"Be attentive and make it faster! Sa University ko dati bawal ang pabagal-bagal. Ang mga kagaya mong mabagal at inuuna ang kung ano-ano ay hindi nararating ang pangarap nila!"
Dahil doon ay napamura ako sa isip-isip ko.
Ano ba ginawa ko sakanya? May period ba siya? Bakit parang sarili niya pinapatamaan niya? Gusto kong matawa pero pinigilan ko kaso nakita niya kaya minus 5 ako.
YOU ARE READING
Sheets Of Past
General FictionKathy Dominique Basce only wants one thing; to be love by Claste Vladimien Monasterio, the great doctor and biologist of all time. Natupad naman ang kanyang hiling, napakasalan niya ang binata at naging isa pa siyang successful Psychiatrist. But the...