Tinawagan niya si Papa pag katapos naming kumain. Naka upo ako sa isang stool at pinapanood siyang umiigting ang panga habang hawak hawak ang kanyang cellphone.Kung titignan mo parang sobrang liit ng cellphone sa laki ng kamay niya.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya.
Claste is wearing his school laboratory clothes!
Naka all white pala siya at kita ko pa ang ID lace niya na nakalitaw sakanyang bulsa.
Lumabi ako at tinitigan ang kabuuan niya.
Muka na siyang doctor.
Napalunok ako ng tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Nag iwas tuloy ako ng tingin at pumito.
Nang tumingin siya sa iba ay binalik ko ang tingin sa katawan niya.
Siguro sobrang pogi niyang Doctor balang araw.
Look at those hidden biceps and muscles! Kung ako ang pasyente niya mag papanggap akong mamatay na para oras oras niya akong pupuntahan.
Naputol lang ang pag papantasiya ko ng lumapit siya at minasamaan ulit ako ng tingin.
"May gusto ka pa bang bilhin?" he asked. Kinuha niya ang sling bag at mga paperbags ko na nasa tabi ko lang.
"Baka pinapauwi na ako?" tanong ko sakanya pero umiling lang siya.
"Your father said I can go with you. Sasamahan kita ngayon kaya bilhin mo na ang mga gusto mong bilhin," napangiti ako at tumango.
Naglakad lakad kami sa mall. Kung kanina ay ako ang pinagtitinginan ngayon naman ang katabi ko na may hawak hawak na sling bag na kulay pink sa balikat!
Aww he's so cute!
Natawa ako sa itsura niya kaya lumingon siya sa akin at kumunot ang noo.
Napadaan kami sa bilihan ng mga stay ups at fencenet.
Napahinto pa ako dahil iba iba ang design.
Huminto din tuloy si Claste at tinignan ang tinititigan ko.
Nilingon niya ako na naka kunot ang noo at nakakita ako ng kakaibang ekspresyon don.Napalunok ako at nag iwas ng tingin.
Maglalakad na sana ulit ako kaso nagsalita siya.
"Do you want to buy it?" tanong niya.
Nagulat pa ako ng siya na mismo ang unang pumasok sa store kaya no choice akong sumunod.
Namangha ako sa mga design at may lumapit pa na sales lady sa amin.
Tumingin siya isang beses sa katabi ko bago tinanong kung ano ang akin.
Tinuro ko kaagad yung stay ups na nakabalandra.
"I want that one. May sheer and fencenet din ba kayo?" kaagad na tumango ang babae at dinala kami sa kabilang side para tignan ang mga simpleng sheer at iba't ibang uri ng fencenet.
"Bagay ba sakin to?" tanong ko kay Claste na ngayon ay nag iwas ng tingin at nakakita pa ako ng unting pawis sakanyang patilya.
"Are you okay? Malamig naman ah," saad ko at tinignan pa lalo ang muka niya. Mas lalo siyang nag iwas ng tingin at hindi na mapakali
Napansin ko ang pamumula ng kanyang leeg at tenga.
Kaya mabilis kong binili ang stay ups na sinabi ko at hindi na nag dagdag pa para makalabas kami sa store na iyon.
Muka kasi talagang init na init siya.
YOU ARE READING
Sheets Of Past
General FictionKathy Dominique Basce only wants one thing; to be love by Claste Vladimien Monasterio, the great doctor and biologist of all time. Natupad naman ang kanyang hiling, napakasalan niya ang binata at naging isa pa siyang successful Psychiatrist. But the...