Chapter 4: Perfect Shot. Captured!

2.7K 75 15
                                    

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

= A/N: =

"When I ask someone's permission if I can take her picture, it's my subtle way of asking if can take her home with me and look at her face for the rest of my life." - Hyde

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

~* Chapter 4 *~

Perfect Shot. Captured!

"COME ON MEGUMI! SHOW A LITTLE MORE SKIN!! KAILANGAN SEXY ANG DATING MO! HINDI PWEDENG MABEBENTA ANG DRESS NA ... KUNG MUKHANG MANANG ANG POSE MO! IBABA MO YANG ISANG MANGGAS NG DRESS MO TAPOS ITAAS MO YANG LAYLAYAN! GAWD! MUKHA KANG LOSYANG!!" sigaw ng isang lalaking maykatabaan, may beer belly at may nakakatakot na itsura. Siya ang taong in-charge, direktor, sa photoshoot na kung saan si Megumi ang main model. 

Napa-ismid naman ng nakakaloko si Janice mula sa kinauupuang bangko. Bangko na katabi ng nasabing direktor.

"Direk Louie naman!" reklamo ni Aleksis, na kasama din sa mga modelo para sa photoshoot.

"Hindi niya naman kailangan na mag-pakita ng balat para lang bumenta yung dress na suot ipino-promote niya." Mahinahon niyang paliwanag kahit na gusto niya ng batuhin ng kahit ano ang simpleng-manyak nilang direktor. Okay lang naman sa kanya na magpakita ng balat dahil liberated siya pero hindi si Megumi. Dahil kahit hindi nagpapakita ng skin ang kaibigan, pumapatok sa masa ang kahit na anong ipromote niya. Kaya nga 'Regal Queen' ang bansag dito sa States.

Tiningnan naman siya ng masama ni Louie at dinuro. "AT BAKIT NAGMAMARUNONG KA?! IKAW BA ANG DIREKTOR? ALAM MO BA KUNG ANONG GUSTO NG MASA HA?!" 

'Alam ko kung anong gusto mong manyak ka..' sabi ni Aleksis sa isip-isip niya. Gusto niya sanang sabihin ng malakas kaso sinenyasan siya ni Megumi na huwag ng umimik. 'Hay!' Himutok niya. 'Bakit ba mala-Birheng Maria ang gagang kaibigan ko?'

"ANO PANG TINU-TUNGANGA MO DIYAN MS. FAJARDO?! GAWIN MO NA ANG PINAGAGAWA KONG TONTA KA!" sigaw na naman ng direktor kay Megumi.

Nangingilid ang luhang sinunod ni Megumi ang utos ni Louie. Ibinababa na niya ang isang strap ng sundress when the dorr suddenly opened and collided with the wall with a loud bang.

Kasunod niyon ay ang pagsigaw ng isang ma-otoridad na boses. 

"STOP!"

Natigil ang lahat sa loob ng studio; ang may mga hawak ng reflector, ang mga ibang modelo, si Aleksis na akmang papunta na kay Megumi, ang assistant direktor namay hawak pang cellphone at nakatapat sa tenga, si Janice at ang direktor na biglang namutla.

Mabibigat ang hakbang na naglakad papunta sa direktor ang bagong dating, na walang iba kundi si Hyde.

Tumigil siya sa mismong tapat ni Louie, too close for the director's comfort.

"Explain." utos ni Hyde in a very commanding yet cold voice.

"E-explain what?" halata sa tono ni Louie na nagmamatapang lang. Nagpapasikat sa modelong katabi. "I-I don't have to explain myself to you. I AM MERELY DOING MY JOB! DOING MY BEST TO MAKE SURE NA MABEBENTA ANG IMINO-MODEL NG MGA YAN!"

"What job?! Expose themselves?! Force your models to do something that is not of their nature? Exploit them?! Is that under your job description?!" Mahinahon pa din na debate ni Hyde pero kita ang pagkibot ng ugat sa sentido niya at ang mahigpit na pagkakakumuyos ng kanyang mga kamao.

Hyde: The Lord Of All GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon