Chapter 2: Non Sum Qualis Eram

3.1K 84 16
                                    

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

= A/N: =

Wag niyo muna i-google yung chapter title... hehehe

Sasabihin din naman ni Hyde kung anong ibig sabihin niyan.

^_____^

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

~* Chapter 2 *~

Non Sum Qualis Eram

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Naging busy si Megumi sa mga fashion shows na ini-line up para sa kanila ni Aleksis ng kanilang manager. May iba din silang nakasama na modelo ngunit hindi maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

May mga nakikipagplastikan dahil gustong mapalapit sa isang international model, nagbabaka-sakaling matulungan silang makilala din sa ibang bansa. Ang iba naman ay lantaran na ipinapakita ang pagkamuhi sa kanya, dahil sa napabalita na hinalikan siya ni Irvine Vincent Roberts, na isa sa mga sought-after bachelor ng bansa.

Andoon na sinisira ng mga ito ang mga damit na isusuot niya, ila-lock siya sa dressing room o kaya naman itatapon sa basurahan ang bag niya. Dahil sa mga kadahilanang ito, laging nade-delayed ang start ng fashion show kaya mas dumadami ang naiinis sa kanya.

"HAY NAKO FRIEND! KUNG AKO SA'YO SINABUNUTAN KO NA ANG MGA REBONDED NILANG BUHOK AT GINAMIT PANGLAMPASO NG CONDO!!" nagsusumigaw na sabi ni Aleksis pagkapasok na pagkapasok ng condo nito.

"Wala namang mangyayari kung papatulan ko sila. Lalaki lang lalo ang issue." Kalmado lang na sagot ni Megumi habang naghuhubad ng doll shoes nito.

"AYAN NA NAMAN ANG PAGIGING BIRHENG MARIA MO EH! WALA DING MANGYAYARI FRIEND KAPAG PINABAYAAN MO LANG SILA NA APIHIN KA! MGA INSEKYORANG PALAKA NA MGA YUN! NAKU! NAKAKAGIGIL TALAGA!!!"

Napatawa tuloy si Megumi sa tinuran ng kaibigan na ikinainis lalo ni Aleksis. Napaisip siya kung bakit ba kasi ang bait-bait ng kaibigan niya at hindi ito marunong magalit?! Siya ang naiinis sa mga pinaggagawa ng mga froglettes na yun! Naiinis na ibinato ni Aleksis sa shoe rack ang stilettos niya.

Nilapitan naman siya ni Megumi at niyakap.

"Relax. Wala namang masamang nangyari sa'kin. Mas maganda na hindi ko sila pinatulan okay? Kaya please don't be mad. Sorry kung napa-away ka na naman ng dahil sa'kin."

Bumuntong-hinga na lang si Aleksis sa nadinig mula sa kaibigan. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kahit gusto niyang kutusan ito dahil sa pagiging sobrang bait hindi niya magawa kasi iyon din ang katangian nito na nagustuhan niya. Gumanti na lang siya ng yakap dito.

"O siya, hindi na ako galit. Tsaka friend kita kaya hindi kita pababayaan. Kaso kumalas-kalas ka ng yakap kasi nato-tomboy na ako sa'yo."

Tumawa lang ulit si Megumi bago pinakawalan ang kaibigan. "Mga pauso mo talaga."

"Siyempre! Mumurahin ang hindi original. And speaking of original... balita ko ay ikaw lang daw ang unang nilapitan ng kiniss ng Irvine Vincent na yun friend. Talbog naman ako sa ganda mo."

Napailing si Megumi dahil may matching hand movements pa si Aleksis habang naimik. "Saan mo naman napulot ang balita na yan?"

"I can't disclose my sources friend! Confidential. Pero witcheld ka trulalu yung chismax na yun."

Napailing ulit si Megumi, dahil nahulaan niya kaagad kung kanino nakuha ni Aleksis ang impormasyun na yun. Sa baklita nilang make-up artist. Madali kasing mahawa sa paraan ng pag-imik si Aleksis kaya kapag nakipag-kwentuhan ito kay Francine, dala-dala nito ang salitang becky. "Kay Francine mo nalaman ano?" Tanong niya habang tinatanggal ang mga hairpins sa buhok.

Hyde: The Lord Of All GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon