~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~
= A/N: =
"Gifts means nothing to me. All I want for my birthday is her. Just her mere presence beside me. Smiling for me is an added bonus, " --Hyde.
~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~
~* Chapter 7 *~
Birthday Celebration Almost Ruined
"Spend the day with me."
Yun lang ang sinabi sa kanya ni Hyde at walang alinlangan na pumayag si Megumi, hindi din tumutol ang mga magulang niya bagkus ay halos ipagtabuyan na sila palabas ng nanay niya.
Napabuntong-hinga si Megumi habang nilalaro ang dulo ng buhok, pinagninilayan ang nararamdaman dahil ngayon lang siya naging implusive pagdating sa isang lalake. Ang nangyayari kasi, hindi niya mahindian ang mga hinihiling sa kanya ng binata.
Hindi siya nasama basta-basta kapag niyayakag lumabas pero ito at pangalawang beses na siyang napapayag ni Hyde ng walang hirap.
Aminado siya na may pagtingin na siya kay Hyde nung una pa lang nilang pagkikita, kahit na hindi maganda. Nagaspangan siya sa ugali nito pero hindi naman niya mapag-kaila na nasarapan siya halik nito, kaya nga siya gumanti di'ba? At nang magkita ulit sila at humingi ito ng tawad sa kanya, pinatawad niya agad. Ang tanging paghindi na nagawa niya ay ng hindi niya tanggapin yung ibinibigay nitong sports car. Sobra na kasi.
Tapos, lubha siyang nagagalak sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Hyde. noong bigla na lang itong sumugod sa studio para ipagtanggol siya sa direktor nila. Lalo na ng yakagin siya nito ng dinner kagabi at ng sabihin nito sa kanya na liligawan siya nito. Kahit pa isinakay siya ng binata sa trunk ng kotse nito, hindi man lang siya naiinis dito dahil alam niyang ginawa yun ng binata para sa kaligtasan niya. Mas lalo siyang nagalak ng bigla itong sumulpot kanina sa bahay nila para suyuin ang kanyang mga magulang na paligawan siya.
Ang tanging bagay lang na bumabagabag sa kanya ay ang pagiging habulin nito sa mga babae. Noong una nilang pagkikita ay napapaligiran ito ng babae, habang nasa biyahe, sakay ng kotse, ay habol tingin ang mga babae nadadaanan sa binata at kaninang pagbaba nila ng kotse ay panay ang titig ng mga babae sa binata.
Hindi siya selosang tao pero nakakaramdam siya kanina ng inis dahil sa lantaran n pagpapakita ng mga babae ng paghanga kay Hyde. Alam naman niya na wala siyang dahilan para mag-selos dahil unang-una, tinitingnan lang naman, wala pang lumalapit sa kanila at pangalawa, hindi naman sila.
"Anong nangyayari sa'kin?" bulong ni Megumi sa sarili after letting out a sigh.
"Hmm? Bakit?" tanong ni Hyde ng nakakunot-noo at may pag-aalala sa mukha. Hinawakan niya ang likuran ni Megumi at tiningnang maigi ang mukha ng dalaga.
Nailang naman si Megumi dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Hyde. "W-wala lang yun. Medyo kumirot lang ang ulo ko. Saan ba ta'yo pupunta?" Pag-iiba kaagad ni Megumi sa usapan dahil nababakas sa mukha ni Hyde na hindi ito naniniwala sa dahilan niya pero makalipas ng ilang segundo ay ngumiti na ito sa kanya, yung ngiti nito na nakakatunaw at nakakaloko.
"Hmm. You like cycling. Totoo ba?"
"Totoo. As much as possible, nagba-bike ako every morning." This time, si Megumi naman ang napakunot-noo. "Bakit?"
![](https://img.wattpad.com/cover/1407396-288-k997057.jpg)
BINABASA MO ANG
Hyde: The Lord Of All Gangsters
Fanfiction[Taglish] [Sidestory to Mayumi:ASNTST] [SaRoGranDi Series Book 2] Of course, they'll end up with each other. And yes, they got married and lived the happily-ever-after life. They we're labeled cool parents, but what we don't know is how this couple...