Chapter 8: His Plan And Her Doubts

2.6K 62 12
                                    

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

= A/N: =

"Should I believe the sordid things I hear about him? Or should I just implicitly trust him and his words? The latter weighs more." --Megumi.

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

~* Chapter 8 *~

His Plan And Her Doubts

Mabilis na lumipas ang isang buwan at ang araw-araw na panliligaw ni Hyde kay Megumi.

Kapag nasa loob sila ng agency ay parang hindi sila magkakilala but after work, Hyde would wait for her and they'll go out to dinner. Minsan ay pupunta sila sa park, bibili ng streetfoods, kakainin yun habang naglalakad at nagkwekwentuhan.

O kaya naman ay maagang pupunta si Hyde sa pad ng dalaga para yakagin itong mag-bike. Sabay silang mag-uumagahan sa paborito nilang coffee shop habang nakatanaw sa pasikat na araw.

Kapag hindi makapag-tiis si Hyde sa kagustuhan na makita ang dalaga, tatakas ito mula sa opisina, may meeting man o wala, para lang sumilip sa photoshoot ni Megumi. At kapag hindi sa loob ng studio gaganapin ang photoshoot, hindi mapakali si Hyde sa loob ng kanyang opisina, although hindi naman naaapektuhan ang trabaho niya.

He can still perform his tasks and function well during meetings with their clients pero there's a part of his brain that is always thinking of Megumi. He would only calm down and relax kapag tumawag na sa kanya si Francine para mag-report kapag nakakain na si Megumi at kapag pauwi na sila.

Sometimes, he can't prevent himself from going overboard, katulad na lang nung tumawag si Francine sa kanya para i-report na masama na ang pakiramdam ng dalaga pero ayaw itong pagpahingahin ng photographer dahil naghahabol sila ng oras. 

Kaagad na tinawagan ni Hyde ang nasabing photographer at pinagalitan. Napag-alaman naman ito ni Megumi kaya pinatawagan niya kay Francine ang binata matapos nitong sermunan ang photographer.

Pinagsabihan ni Megumi na huwag na uling gagawin yun dahil napagkasunduan nila na hindi siya nito bibigyan ng special treatment during work hours. Humingi naman ng tawad si Hyde kay Megumi at pati na din sa photographer na pinagalitan.

"Is this a bad time?"

Napatingala si Hyde mula sa mga binabasang dokumento at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Mas lalong lumalim ang pagkakaunot-noo ng binata ng makita kung sino ang nasa may pintuan ng kanyang opisina. Ang kanyang dalawang kababata. Ibinalik niya ang tingin sa mga papel sa mesa.

"Tsong naman! Hindi mo ba kami na-miss?!" reklamo ni Yosef habang naglalakad patungo sa mesa ni Hyde kasunod si Dos.

"Hindi." Walang emosyon na sagot ni Hyde, nakatutok pa din ang paningin sa mga papel sa mesa.

"Hoooo... Ang lamig dito kasing-lamig ng pagbati mo sa aming pinakamatalik at pinaka-maunawain mong mga kaibigan!" pang-aasar ni Yosef, umakyat ito sa upuan sa harap ng mesa ni Hyde at patabinge ng naupo sa mesa. Si Dos naman ay naupo ng ayos sa kabilang upuan.

"Ano bang kailangan niyo?" Mas malamig na tanong ni Hyde, pero bakas na sa tono nito ang pagka-asar.

"LQ?" Nakangiti ng mapang-asar na tanong ni Yosef. Napailing si Dos mula sa kinauupuan dahil sa sinabi ni Yosef hindi na maipinta ang mukha ni Hyde at malapit na itong magwala. "Tsk Tsk. Madami akong kilalang babae na willing..."

Hindi na natapos ang gustong sabihin ni Yosef, napatalon siya mula sa kinauupuan dahil sinipa ni Hyde ang ilalim ng mesa. Magrereklamo sana si Yosef pero ng makita ang mukha ni Hyde, agad siyang lumayo at sumenyas na izini-zipper ang bibig. Pigil-tawa si Dos habang pabalik-balik ang tingin sa dalawa.

Hyde: The Lord Of All GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon