~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~
= A/N: =
"They said that it takes a second to notice someone, an hour to like someone, a day to fall in love with someone... but for me it takes only one kiss and I'm already head over heels." --Hyde.
~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~
~* Chapter 5 *~
An Almost Perfect Date
"What was your first impression of me?" tanong ulit ni Hyde sa katapat na babae. Nasa isa lang secluded na veranda, sa loob sila ng Filipino restaurant na pagmamay-ari ng pamilya Grande.
Isang napaka-laking bahay-kubo ang concept nung resto, may bamboo walls at nilalang dahon ng niyog, gawa naman sa Capiz ang mga bintana. at ang mga lampara na nakapatong sa gitna ng bawat mesang bilog.
"Mayabang." Natatawang sagot ni Megumi habang hinahalo ng straw ang juice. Nangunot naman ang noo ng binata at bahagya pa itong nag-pout. Mas lalong natawa si Megumi sa nakita.
"Hmm. Totoo naman. Para ba sa'yo... 'first impression lasts'?"
Dahil sa tanong na yun, biglang naalala ni Megumi ang unang beses nilang pagkikita. Yung gabi na bigla siya nitong hinawakan at hinalikan. Na ginantihan niya naman. Nag-iinit ang mukha na tumungo siya at kunwari ay may inaalis na kung ano sa laylayan ng damit para ma-compose ang sarili. Si Hyde naman ang natawa sa reaksiyon ng dalaga, nahuhulaan niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Do you believe that phrase?" tanong ulit ni Hyde. Gusto niyang makasiguro kung mayabang pa din lang ang tingin sa kanya ni Megumi. It matters a lot to him kung ano ang tingin sa kanya ng babaeng kaharap.
"Yeah. I did."
"Did. Past tense. What made you change your mind?"
Mas lalong namula si Megumi, uminom siya ng juice at iniiwas ang tingin kay Hyde na kasalukyang nagpipigil ng tawa. Madali lang kasing basahin ang iniisip ni Megumi dahil sa napaka-expressive nitong mga mata.
"Ang ganda dito." pag-iiba ng topic ni Megumi. Nahalata naman ito ni Hyde kaya pinabayaan niya na lang. Alam na din naman niya na siya ang dahilan, saka niya na lang kukulitin ang dalaga kung bakit. Nagpipigil ngiti na tumango ang binata then a glimmer of mischief lit up in his eyes.
"It is. But I must say that your beauty far surpasses this scenic place." sabi ni Hyde.
Katulad ng inaasahan ng binata, namula na naman si Megumi. This time, pinipisil-pisil pa nito ang kanang tenga habang iniikot-ikot ang straw sa baso.
"Masarap ang pagkain ha." Megumi said inarticulately.
"Mas masarap pakinggan ang boses mo." There's still this playful tone in his voice.
"Ang bolero mo!" Sagot ni Megumi na medyo naka-irap. Dahil dito, pinakawalan na ni Hyde ang pinipigilan nitong tawa. Buong-buo ang halakhak nito kaya napatingin sa direksiyon nila ang mga nakarinig. Yung mga nakakakilala kay Hyde na mga empleyado sa restaurant ay nagkatinginan at napapangiti din dahil bukod sa nakakadala ang tawa ng binata, noon lang nila ito nakita na sobrang saya.

BINABASA MO ANG
Hyde: The Lord Of All Gangsters
Fanfiction[Taglish] [Sidestory to Mayumi:ASNTST] [SaRoGranDi Series Book 2] Of course, they'll end up with each other. And yes, they got married and lived the happily-ever-after life. They we're labeled cool parents, but what we don't know is how this couple...