"AND THEY lived happily ever after..."
Hindi napigilang mapangiti ng walang taong gulang na si Janicka nang matapos ang kanyang ina sa pagbabasa ng favorite fairy tale niyang Sleeping Beauty. Nakaugalian na niyang magpabasa sa kanyang ina bago matulog kahit kabisado na niya ang kuwento niyon. Hindi lang niya matiis na matapos ang isang araw na hindi iyon naririnig.
"Hindi pa po ako inaantok, Mama. Can you please read it again for me?"
May kinuha ang ina na libro mula sa bedside table at iniharap sa kanya. "Why don't we try this one, honey? Maganda rin ito."
Umiling siya. "I love Sleeping Beauty! 'Yon po ang basahin n'yo sa akin. Please, Mama?"
"Okay. Sleeping Beauty, it is."
Sa pangalawang pagkakataon ay binasahan siya ng ina. She listened attentively as if she was hearing the story for the first time. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. The next thing she knew, narinig uli niya ang mga linyang "and they lived happily ever after."
"Mama, katulad ni Sleeping Beauty, magkakaroon din po ba ako ng happy ending kasama ang Prince Charming ko?" tanong niya na punong-puno ng pag-asa at enthusiasm ang tinig.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit gustong-gusto mo ang kuwento ni Sleeping Beauty, anak? Gusto mong katulad niya, makilala mo rin ang Prince Charming mo at magkaroon ka ng happy ending kasama niya?"
Sunod-sunod na tumango si Janicka. "Opo. When I grow up, I want to be like Sleeping Beauty."
"Anak, Sleeping Beauty is just a fairy tale. Don't expect that your life will turn out just like hers. Kaya maraming fairy tale, dahil bawat tao ay may kanya-kanyang kuwento. Minsan, may makikilala tayo na malayo sa hinahanap natin. Before we know it, sila pa ang mamahalin natin," payo nito habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Ah, basta! Katulad ni Sleeping Beauty, makikilala ko rin ang Prince Charming ko at magkakaroon kami ng happy ending!
Nang gabing iyon, nangako si Janicka sa sarili na gagawin niya ang lahat para sa pinapangarap niyang fairy tale...
-------------------------------------------------------------
CHAPTER ONE
Palabas na si Janicka ng SoftCare Corporation kung saan siya nagtatrabaho bilang brand assistant nang may mamataan siyang lalaki na nakatayo sa labas ng building nila. Hindi na nito kailangang lumingon para makilala niya. Likod pa lang nito ay kilala na niya.
She was referring to Ryan Suarez. Malapit na magkaibigan ang mga pamilya nila. Best friends ang kanilang mga ama at best friend naman ito ng kuya niya. She was close to Ryan. Open book sa kanya ang buhay nito and vice versa. Parang miyembro na rin ito ng kanilang pamilya.
Ano ang ginagawa ni Ryan sa labas ng building nila? Binilinan niya ito na huwag siyang pupuntahan. Mabilis siyang nagtago sa likuran ng halamanan na nasa gilid ng building nila.
Sinilip ni Janicka si Ryan. Halatang naiinip na ito habang paroo't parito sa kinatatayuan nito. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang kanyang pamilya sa Pampanga. Kumusta na kaya ang kanyang mga magulang at kapatid? Nami-miss din kaya siya ng mga ito?
Maliit pa lang si Janicka ay dakila na ang tingin niya sa pag-ibig. Iyon yata ang epekto sa kanya ng araw-araw na pagbabasa ng Sleeping Beauty. Naging idealistic siya pagdating sa pag-ibig. Hindi nakapagtatakang sa edad niyang beinte-uno, no boyfriend since birth pa rin siya. May mga naging crush siya pero hindi rin nagtagal. Tawagin na siyang idealistic, hangga't hindi niya firsthand na nararamdaman ang naramdaman ni Sleeping Beauty nang makilala nito si Prince Charming, hindi na baleng single siya forever. Deep in her heart, she wished to meet someone who would sweep her off her feet. Gusto niyang maramdaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. And she wasn't going to settle for anything less.
BINABASA MO ANG
Sleeping Heart (Completed: Published by PHR)
Romance"Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa." Nakita ni Janicka ang katangin ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito sa kanya. Pero dahil sa pangungu...