Chapter Six

4.5K 85 5
                                    

"WHAT are we doing here, Jeff? May pupuntahan ba tayong party?" Hindi napigilang itanong ni Janicka habang sumusunod kay Jeff papasok sa isang hotel.

Nang nagdaang gabi, sinabihan siya ni Jeff na may pupuntahan sila at kailangan niyang magsuot ng formal dress. Nang tanungin niya ito kung bakit, mabilis nitong iniba ang usapan. At nang sunduin siya nito sa bahay, nagulat siya nang makita itong nakasuot ng long sleeves, slacks, at leather shoes. Hindi niya alam kung bakit naroon sila sa hotel. Wala siyang maalalang nabanggit nito na may pupuntahan sila roon.

Hindi niya inaasahang mabilis na lilipas ang mga araw. Hindi niya namalayang lumipas na ang isang buwan. They spent the whole month together. Magkasabay silang pumapasok at umuuwi ng opisina, magkasama silang kumakain, lahat ng alam nilang pasyalan ay napuntahan na nila at kapag long weekend ay nag-a-out of town sila. Sa loob ng isang buwan, naghiwalay lang sila para umuwi sa bahay, maligo, matulog, at kumain. They were inseparable.

Ayang niyang mag-alala si Jeff kaya matinding pagpipigil ang ginawa niya na huwag umiyak sa harap nito sa loob ng isang buwan. But this morning, she let herself cry. Ngayon ang huling araw na magkakasama sila. Bukas ng umaga ay aalis na ito papuntang California. Kaninang umaga ay ibinuhos niya ang lahat ng mga luha niya para hindi na siya iiyak kapag nagkita sila. Iniyak niya lahat ng sandaling magkasama sila at mga susunod na araw na hindi na sila magkikita. Mukhang effective ang ginawa niya dahil nagagawa na niyang magbiro at ngumiti sa harap nito.

Tumigil ito sa isang malaking pinto at nakangiting humarap sa kanya. "Sweetheart, I won't call it a surprise kung sasabihin ko sa'yo. Ready?"

Tumango siya.

Ngumiti ito at binuksan ang pinto sa kanilang harap. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabungaran ang maliwanag na ballroom na napapalibutan ng iba't ibang klase ng bulaklak. Sa gitna ng ballroom ay may naka-set up na artificial fountain na nagbigay ng romantic ambiance sa paligid. Ang ilang naroon ay naka-costume na makikita lang sa mga libro at pelikula. Pakiramdam niya ay nasa isang fairy tale siya kung saan siya ang bida at si Jeff ang Prince Charming niya.

"May thanksgiving party ang production ng Sleeping Beauty. Inimbitahan nila tayo. Na-excite ako nang malaman ko ang theme ng party. I know how you love fairy tales that's why I thought of surprising you. Ngayong gabi, gusto kong tuparin ang pangarap mong fairy tale. May I have this dance, sweetheart?" anito saka yumuko at inilahad ang kamay sa kanya. At katulad ng sa fairy tale, yumuko siya at tinanggap ang kamay nito.

Nang magsimula silang sumayaw, biglang dumilim ang buong ballroom. Nagulat siya nang may spotlight na tumapat sa kanila. Mukhang kinutsaba nito pati ang production staff.

"Hindi ko alam na marunong kang mag-waltz," aniya rito.

"Nagpaturo ako kay Nadine. My surprise won't be complete without this part," sagot nito na ang tinutukoy ay ang bida sa Sleeping Beauty na may ilang beses din nilang pinanood. Walang sawa nilang pinanood ang play. At walang reklamo siyang sinamahan ni Jeff. Sa pagpapabalik-balik nila para manood ng play ay naging close sila sa casts at organizers ng play. Hindi nakapagtatakang naimbitahan sila sa thanksgiving party ng mga ito.

You're in my arms and all the world is calm, the music playing on for only two...

"That's one of my favorite songs," nakangiti niyang sabi. Una niyang narinig ang kanta sa movie na Enchanted na ilang beses din niyang pinanood.

"I know. That's why I asked them to play the song. Para tamang-tama sa mala-fairy tale na surprise ko sa'yo."

"Thanks, Jeff! You have no idea how happy I am right now. Noong bata ako, pangarap ko lang ito. 'Yong nasa gitna ako ng ballroom at kasayaw ko ang Prince Charming ko. Ngayon para na rin akong nasa fairy tale. At hindi lang basta Prince Charming ang kasama ko, kasayaw ko ang lalaking mahal ko. You made everything special. I didn't expect you would go to such lengths just to make me happy. Thank you, Jeff. You made my dream come true."

Sleeping Heart  (Completed: Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon