Chapter Five

4.8K 87 3
                                    

"DO WE really have to do this, sweetheart? Puwedeng iba na lang ang gawin natin?"

Kasalukuyang nasa music store sina Janicka at Jeff para bumili ng CD. Nang makita niyang lumabas sa isang booth ang magkasintahan na kanyang nakita, hindi niya napigilang magtanong sa saleslady. Nalaman niya na maaaring gamitin ang booth na kanyang nakita para sa mga gustong kumanta. May features din ang booth kung saan puwedeng mag-record ng video habang kumakanta. Natuwa siya kaya niyaya niya si Jeff na mag-rent ng booth para sa kanila.

"I really want to do it. Please, babe?"

Huminga ito nang malalim. "Let's say pumayag ako, magiging masaya ka ba?"

Sunod-sunod na tumango siya.

"Okay. Let's do it," tugon nito saka nagpatiuna nang maglakad papunta sa cashier. Pagkalipas ng ilang sandali, pumasok na sila sa booth. Pagkatapos silang bigyan ng instruction, naiwan silang dalawa sa loob.

"Palagi mong pinagbibigyan ang mga requests ko. Thank you, babe," aniya dito.

"Para sa'yo gagawin ko ang lahat, sweetheart. Kung may magagawa lang ako para hindi na matapos ang lahat ng ito-"

Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa mga labi nito. "Hindi ba ang sabi ko sa'yo huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa future? Ang importante magkasama tayo ngayon. Let's make the most of it, okay? Don't worry I'm okay. I'm happy. Are you happy?"

"I'm happy but..."

"'Yon naman pala, eh. Kumanta na tayo. Sayang ang oras natin," aniya saka pinindot ang Play button ng hawak niyang remote control. Itinapat niya ang microphone sa kanya at nagsimulang kumanta. "When the rain is blowing in your face. And the whole world is on your case, I could offer you a warm embrace to make you feel my love..."

Pagkatapos ng first stanza, ibinigay niya kay Jeff ang microphone. Nagsimula itong kumanta habang nakatitig sa kanya.

"When the evening shadows and the stars appear. And there is no one there to dry your tears. I could hold you for a million years to make you feel my love..."

Habang nakatingin kay Jeff, pakiramdam ni Janicka ay bigla siyang bumalik noong gabing nalaman niya ang tungkol sa pag-alis nito. Isang buwan na ang matuling lumipas. That was her first time to drink alcohol. Ang akala niya sa pag-inom ay makakalimutan niya ang lahat ng nalaman niya. But she was wrong. Tinulungan lang siya ng alak na makatulog. Ngunit sa paggising niya, hindi lang ang puso niya ang masakit, nakisabay din ang ulo niya. She felt really, really bad. Nakilala nga niya ang Prince Charming niya ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay mawawala rin ito sa kanya. Anong klaseng biro iyon ng tadhana sa kanya.

Nang gabing iyon, hindi na niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang natatandaan lang niya, hinatid siya ni Jeff sa apartment niya. Paggising niya kinabukasan, agad siyang naligo para maalis ang sakit ng ulong nararamdaman.

Pagkatapos niyang maligo, lumabas siya ng kanyang kuwarto. Naabutan niya si Jeff na nagluluto sa kanyang kusina. He was wearing one of her oversized T-shirts. Medyo magulo ang buhok nito at bahagyang namumula ang mukha nito sa pagluluto ngunit hindi man lang iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. He looked so comfortable in her kitchen. It seemed like he belonged her. Kahit siguro asin at toyo ang ulam nila ay magiging masarap basta ito ang kasalo niya sa pagkain.

"Kung bibigyan kita ng karapatan na magdesisyon para sa akin, ano'ng pipiliin mo, Jan? Should I continue working with you here? O itutuloy ko ang pagpasok sa medical school sa California? Please help me choose, Jan. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong piliin ko."

Habang pinagmamasdan ito, isang desisyon ang kanyang nabuo. Wala siyang pakialam kahit na ilang araw, linggo, o buwan na lang niya itong makakasama. Wala siyang pakialam kung iiwan din siya nito sa huli. Wala siyang pakialam kahit masaktan siya. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makasama niya ito kahit ilang araw, linggo, o buwan lang.

Sleeping Heart  (Completed: Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon