"HI!"
Napalingon si Janicka sa pinanggalingan ng tinig. Napangiti siya nang makita si Jeff na nakatayo malapit sa kanya. He was smiling at her like he had finally found what he was looking for.
May ilang araw na silang regular na lumalabas. Just like before, halos hindi sila mapaghiwalay. Pinuntahan nila ang lahat ng lugar na pinuntahan nila noon. Kung hindi sila magkasama dahil sa trabaho nila, nagtatawagan sila at nagpapalitan ng text messages. Pakiramdam niya ay bumalik na naman sila sa dati.
Nang malaman ni Francesca ang ginawa niya, katakot-takot na bilin ang natanggap niya mula rito. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Siguro ay masokista siya. Sa kabila ng lahat, hindi niya magawang idistansiya ang sarili kay Jeff. Ito lang ang nagpapasaya at nagbibigay-buhay sa kanya. Kahit anong pilit niya na umiwas, palagi niyang natatagpuan ang sarili na lumalapit dito. Hindi na bale na makatulog uli siya kapag nawala ito. At least may magandang panaginip siyang babaunin sa pagtulog niya.
"You okay?" nag-aalalang tanong nito.
"May naalala lang ako. Sana tayo pupunta ngayon?"
"You'll know later," nakangiting tugon nito saka pinagmasdan siya. "You look ravishing, sweetheart. I-cancel na lang kaya natin ang lakad natin? Let's spend the night here..."
Siniko niya ito. "You wish, Doctor Ramones!"
He chuckled. "I was just messing up with you. I guess I need to be more patient. Hindi mo na naitatanong. I believe in the saying that 'patience is a virtue.'"
"Aba marunong ka nang sumagot, ha?"
"Ang mabuti pa umalis na tayo. Baka mahuli pa tayo sa date natin," anito. Magkatulong nilang ni-lock ang pinto at gate.
Mula sa bahay, bumiyahe sila patungo sa UP Diliman Amphiteater. Nagtatakang napatingin siya dito. "What are we doing here?"
"I was invited to watch a play. Matagal na rin noong huli akong nanood kaya nag-confirm ako. I told the organizers I would bring a date."
Napangiti siya. "A date?"
"Yep, ikaw. Ikaw lang ang gusto kong isama as my date."
She was about to say something when she heard someone call out her name. Nagulat siya nang makita niya si Josephine, isa ito sa organizers ng Sleeping Beauty na pinanood nila five years ago.
"Hi, Josephine! Kumusta?" bati niya.
"Janicka! I'm okay. Long time no see. When Jeff told me he was going to bring a date, I didn't expect he'd be referring to you. Does it mean kayo na uli?"
Ngumiti si Janicka pagkatapos ay humihingi ng tulong na tumingin kay Jeff. Ngumiti lang ito pagkatapos ay umiwas na ng tingin.
"Okay naman kami. Ano'ng meron ngayon dito?" pag-iiba niya ng usapan.
"Jeff didn't tell you?" gulat nitong tanong sabay tingin sa binata. He just smiled mysteriously.
"He didn't say anything. Ang sabi lang niya may pupuntahan kami."
Napatango ito. "I guess katulad noon gusto ka niyang i-surprise. Go ahead, pumasok na kayo sa loob. Malapit nang magsimula ang play," anito sabay turo sa entrance.
"Thanks, Josephine! Let's catch up later, okay?" ani Jeff saka nagpaalam dito. May nakita siyang sinenyas si Jeff pagkatapos ay tumango si Josephine.
"Hindi mo planong patayin ako sa suspense?" aniya habang papasok sila sa auditorium.
"I won't do that, sweetheart. Remember doktor ako. Hanggang nandito ako, hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo."
Nakita nila ang reserved seats na para sa kanila malapit sa stage. Siniguro ni Jeff na maayos siya bago ito umupo sa kanyang tabi. Tamang-tama namang pagkaupo nila, nagsimula nang magsalita ang isa sa organizers ng play. Ayon dito, ang mapapanood nila ay replay ng Sleeping Beauty na itinanghal five years ago. Marami raw kasing natanggap na requests ang organizers na ulitin ang play kaya pinagbigyan ang kahilingan ng manonood. Ang gabing iyon ang huling pagtatanghal ng Sleeping Beauty. Parang regalo rin iyon ng organizers sa loyal audience nito para sa ikawalong taong anibersaryo ng grupo.
BINABASA MO ANG
Sleeping Heart (Completed: Published by PHR)
Любовные романы"Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa." Nakita ni Janicka ang katangin ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito sa kanya. Pero dahil sa pangungu...