Chapter Ten

10.6K 207 26
                                    

"HOW ABOUT you? Gusto mo bang ma-engage kay Ryan?" tanong ni Jeff kay Janicka.

"Why do you think I'm here?"

Mukhang nakahinga ito nang maluwag dahil sa sagot niya. "Why don't you just call off the wedding? Let's elope and get married. I'm not that rich but I can provide for you and our children. I can't promise you that our life would be perfect just like in fairy tales. But I will make you happy the best way I can."

Huminga siya nang malalim. "Alam mo kung ano ka para sa akin, Jeff. You're like a dream. Mula nang makilala kita, nagkaroon na ng katuparan ang mga pangarap ko. Hindi lang ang pangarap kong Prince Charming ang ibinigay mo sa akin. Pinasilip mo rin sa akin ang happy ending na pinapangarap ko. Kung sarili ko lang ang iisipin ko, kaya kong talikuran ang lahat para makasama ka. But I'm not selfish. Kailangan ko ring isipin ang ibang tao lalo na ang pamilya ko. Kung hindi nila ako inampon noon, God knows kung nasaan na ako ngayon. Kung wala sila, wala rin ako dito at hindi tayo nagkakilala. Malaki ang pagmamahal, respeto, at utang-na-loob ko sa kanila. Gagawin ko ang lahat para sa ikasasaya nila. Kung magpapakasal ako kay Ryan, they would all be peace-ang mga magulang ko, si Kuya, si Ryan, at ang mga magulang niya. 'Yon na lang ang magagawa ko para sa kanilang lahat."

"How about me? Us?"

"Natatandaan mo 'yong sinabi ko sa'yo noon? Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya dapat kinukulong sa pagmamahal mo. Bigyan mo siya ng kalayaan para gawin ang kailangan niyang gawin. Minsan lang ako hihiling sa'yo at gusto kong ito ang ibigay mo sa akin. Hayaan mo akong gawin ito. Please, Jeff. Hayaan mo akong magpakasal kay Ryan."

Huminga siya nang malalim saka lumayo rito. It took all her strength not to cry in front of him. Akmang tatayo siya nang marinig niya itong magsalita.

"Before I met you, I was stiff, self-centered, and stubborn. But in your own unique way, you changed me. No'ng sinabi mong umalis ako, sinunod kita. When you told me to follow my dream, I left and follow my dream. When you told me to fly high and explore the world, lumipad ako kahit ang ibig sabihin ay mapapalayo ako sa'yo. Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa.

"I'm sorry, sweetheart, hindi ko maibibigay ang kalayaang hinihingi mo dahil tadhana na mismo ang nagbalik sa'yo sa akin. I love you, Jan. I promise I will make everything right. Hindi ako magiging kompleto hanggang hindi kita nakakasama. Nagawa kong paliitin ang mundo para magkita uli tayo. Kung kinakailangang mas paliitin ko pa ang mundo para makasama kita habang-buhay ay gagawin ko. There is no way we would ever be separated from each other again. Never!"


---------------------------------------------------------------


TAHIMIK na binabagtas ni Janicka ang daan pauwi sa kanilang bahay. Mula sa bus station, sinundo siya ng driver nila. Hindi na siya nagpasundo sa Maynila. Gusto niyang mapag-isa at mag-isip bago niya makita ang mga magulang. Huminga siya nang malalim. Ilang minuto na lang at nasa bahay na siya.

"Kumusta ang trabaho mo sa Maynila, hija?" Bahagya siyang nagulat nang marinig ang tinig ng driver.

"Okay naman po, Mang Tonyo. Bakit po pala kayo ang sumundo sa akin? Nasaan po si Kuya Joshua? Noong huling nag-usap kami, ang sabi niya, siya ang susundo sa akin."

Ngumiti ito. "Hindi ba nila nabanggit sa'yo na may bisita kayong dumating? Abala siguro sila sa pag-aasikaso sa bisita. Isang linggo na rin siya sa bahay n'yo. Tuwang-tuwa nga ang Nanay Darlyne mo dahil nakakapagpahinga na siya nang mahaba dahil sa bisita n'yo. Aba'y walang ginawa kundi tulungan ang Nanay mo sa gawaing-bahay. Napakabait na bata, magalang, at masipag pa. Nandito yata siya para sa kasal."

Sleeping Heart  (Completed: Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon