Chapter 7

1.6K 60 18
                                    

Chapter 7:

Luanne's POV

I close my eyes to stop myself but... ayaw matigil. Ang sakit.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang may kasama syang iba, naglalambingan... naghahalikan.

Dahan-dahan akong humakbang patalikod hindi ko maalis ang mata ko sa kanila.

Gusto kong magwala, sumigaw pero ayokong makita nila ko. Ayokong kaawaan nila ako. Tumalikod ako at tumakbo papalayo doon pagkatapos kong isipin ang nangyari.

1 year. Hindi pa pala sapat. Hindi pa talaga sapat.

Takbo lang ako ng takbo hanggang namalayan ko na lang nasa rooftop na ako. Binuksan ko ang pinto at tumakbo ako papunta sa may sulok at humagulgol habang takip ang bunganga. Sumisigaw. Paulit ulit na sumisigaw, umaasang mapawi ang sakit. Pero... ang sakit. Ang sakit sakit. Sobra.

Wala bang lunas to? Haha. Ano na ba. Ang hirap na.

Pahina-hina ng pahina ang pag hagulgol ko hanggang sa makaramdam ako ng antok.

*

"Miss... Miss..."

Ehh? Sino yun?

"Po?! Bakit po?!" sagot ko.

Napatayo ako kasi nakita ko yung guard ng academy namin.

"Miss, paclose na po yung academy. 6 PM na po." sabi sakin ni Manong Guard.

Teka...

Guard? Academy? Paclose? Nasa rooftop ako diba? Teka? Rooftop?!

Nakatulog ako dito? Ang tanga mo talaga kahit kailan. Hindi ka na nadala.

"Uhmm, sige po salamat po." Sabi ko na lang sa guard bago umalis. Tumawag naman agad ako kay ate para sunduin ako pumayag naman sya. Kaya naghintay na lang ako sa may labas ng gate. Wala kasi sila Tita sa Office.

Ngayong narinig ko sila Vio, ano nang gagawin ko ngayon? Okay lang sana kung narinig ko lang e. Eh kaso nakita ko pa silang... uhh. Ano na ba? Ano na bang plano ko? Hindi ko alam.

Bakit ganon? Kahit ganon ang nangyari hindi ko parin kayang makipag break sa kanya. Oo alam ko na parang ang martir ko pero wala naman sigurong mawawala kung nagbigay pa ako ng isang chance hindi ba? Bumuntong hiningi naman ako. 

BEEEEPP BEEEP

Napatingin naman ako sa sasakyan na bumusina na ngayon ay nasa harap ko na pala.

"Hey Luanne! Sakay na dali!"  sigaw ni Ate sakin.

Binuksan ko naman agad yung passenger seat at umupo dun. Alam kong nagtataka si ate kasi hindi ko sya binati pero wala akong magagawa dun.

Nasaktan ako at nasasaktan parin ako kapag naaalala ko yung kanina. Hindi ko maiwasan e, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Hindi ko na alam. Gusto kong sabihin kay ate kung ano yung nararamdaman ko ngayon pero hindi e. Ayaw ko syang  madamay tsaka malungkot rin ng dahil sakin. Ayaw ko ng may madamay pa.

"Raika..." Sabi ni ate.

 Ngayon ko lang namalayan nakahinto na pala kami sa labas ng bahay namin.

"Hmm?" Sabi ko.

Nabigla na lang ako nung yakapin ako ni Ate. Teka bakit basa yung mukha ko? Hinawakan ko, pero basa nga. Eh? Umiiyak ako? Nakakahiya. Nakakahiya kay ate. Hindi dapat ako ganto.

Luanne! Iganishiro'yo! (Snap out of it) Act like everything's alright. You can do it Luanne.

"A-ahh E-ehh ano ate. Napuwing lang ako. Tama! Napuwing lang ako. Lika na ate labas na tayo." sabi ko at binuksan yung pinto pero bago pa ko makalabas.

Bumukas na yung pinto sa back seat at pumasok si Lex.

Napapikit naman ako. Not now please.

IWANBT [SOON TO BE DELETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon