Chapter 9.5

1.6K 62 25
                                    

Chapter 9.5


Luanne's POV

Dahil sa pagkakagulat ko nung tinulak ako, naistatwa lang ako dun, habang sila ay nakatingin sakin. Pero magkayakap parin sila.

Yumuko na lang ako, pero narinig ko si Michelle na ngumisi.

"Baby, who's that girl? Do you know her?" sabi ni Michelle. Naiinis ako sa maarte nyang boses. Naiinis ako. Nasasaktan ako.


"Michelle..."
Vio utters with his warning tone. Napaangat naman ako ng ulo, nakita ko namang nakaharap na si Michelle habang kayakap parin siya ni Vio.


"Oh come on baby, I'm just asking. Do you know her?"
sabi ni Michelle na nilapit pa ang mukha kay Vio.

Tumingin naman muna sakin si Vio at nagsmirk bago sumagot.


"No baby, I don't know her. Maybe some stranger."
sabi ni Vio na kinalaglag talaga ng luha ko. Masakit. Masakit. Hindi ko alam na ganto pala kasakit pag sinabi na sa harap ko.

"Oh my... Our little Nerd is crying." Michelle said with her cooing tone.

Oo, umiiyak na ako. Pero pinipigilan kong humagulgol, ayokong mas lalo pang magmukang tanga, kahit na nagmumuka na talaga akong tanga.

"T-totoo ba y-yung na-narinig ko?" Kahit alam ko na ang sagot. Tinanong ko parin.

"Yes my dear." Michelle said smirking

"A-ano bang ginawa ko? Lagi niyo na lang ako ginaganto. Lagi na lang..." Humikbi ako. "Ikaw rick!" Turo ko sakanya. "Wala akong ginawa sayo. Wala, wala. Bat mo ko ginanto? Ano bang ginawa ko para gawin mo sakin to?" Pinunasan ko ang luha ko at pinilit pa din magsalita. "Binigay ko naman halos..." Kumuyom ang palad ko. "..halos lahat sayo. Ano pa ba!"

Ano ba? Bakit ganito? Bakit ang sakit? Bakit... bakit...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napatingin ako kay Rick nung narinig ko syang tumawa.

"Bakit sa tingin mo ba may magmamahal sayo? Ha?" Tumawa pa sya at napairap, "Walang magmamahal sa nerd na katulad mo." Tumingin sya sakin. "Wa-la. Tandaan mo yan. WALA. Kaya wag kang maginarte na parang minahal talaga kita. Isa ka lang libangan para sakin. Wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga type kong babae e. Ni hindi ka nga mahalintulad sa ibang babae d'yan na hindi nga ganon kaganda, presentable naman isama sa date at kung ano pa?" Dinuro nya ko. "Eh ikaw? Presentable ka ba? Matalino ka pero ang bobo mo, mag-isip ka nga. Hindi 'to fairy tale na may isang prince charming na maiinlove sa isang katulad mo. Dream on." Sabi ni Vio na lalo ko pang kinaiyak. Tama sya. Ano pa bang iniisip ko. Pumikit ako.

M-masakit.. M-mali pala... Sobra na.. Sobrang sakit na, kumpara kanina, kumpara nong kalian. Pero hindi. Hindi dapat ganto. Lalaban din dapat ako. Pakiramdam ko, nawala lahat ng pagmamahal ko at pumalit ang galit. Tumangin ako sakanya.

"Oo nga pala Totoong buhay nga pala to." Ngumisi ako ng hilaw at nagpatuloy, "Hayaan mo Rick, tama ka naman e. Hindi to fairytale para may magkagusto sakin, na prince charming, na gaya mo. Pero sasabihin ko sayo, sa susunod..." Napahikbi ako pero nagpatatag ako. "Ikaw. Ikaw ang luluhod sakin!" sigaw ko sa kanya. Naiinis ako. Nagagalit ako. Nasasaktan ako.

Tumawa naman sya, "Ha! Me? Mapapaluhod mo? Oh damn, never in my life na mapapaluhod mo ko sayo. Itatak mo yan sa kokote mong walang laman. Walang luluhod sayo, tignan mo nga sarili mo?" Tinignan nya ko ulo hanggang paa, "Muka bang may luluhod sayo? Wala kang kwenta. Nerd ka lang." Napairap naman sya at tinignan si Michelle. "Let;'s go, Michelle"


Wala na ang sakit na, pero kaya ko pa. Di ko lang alam kung hanggang kalian.


"
Tsk. Siguro nga, dapat ko ng pag-isipan yung inaalok ni ate." I said then cry for the last time. Yeah, last time because this will be the last time that I will cry because of a him.


Naglakad na lang ako paalis pero hindi ko na talaga kaya. Napapikit naman ako. Bakit ba nila ako ginaganito? May ginawa ba ako sakanila? Wala naman. Wala. Pero bakit ganito kasakit? Ang sakit na ng mata ko, pero hindi na kaya ng puso ko.


Nagsinunaling nanaman ako na kaya ko.

Napaupo na lang ako kasi hindi ko na talaga kinaya. Masakit. Hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. Una palang ito pero ang sakit na. Ano na ba? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko na. Ayoko ng umiyak. Pero pesteng luha, di pa din sila pagod.

Tumingin ako sa taas medyo dumidilim. Ang galing naman nakikiramay sakin ang panahon. Buti pa panahon no? Nakikiramay sakin. Samantalang mga tao na katulad ko, wala. Wala silang pakielam.

"Bakit sa tingin mo ba may magmamahal sayo? Ha? Walang magmamahal sa nerd na katulad mo. Wa-la. Tandaan mo yan. WALA. Kaya wag kang maginarte na parang minahal talaga kita. Isa ka lang libangan para sakin. Wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga type kong babae e. Ni hindi ka nga mahalintulad sa ibang babae d'yan na hindi nga ganon kaganda, presentable naman isama sa date at kung ano pa? Eh ikaw? Presentable ka ba? Matalino ka pero ang bobo mo, mag-isip ka nga. Hindi 'to fairy tale na may isang prince charming na maiinlove sa isang katulad mo. Dream on."

Oo nga naman. Sino bang magmamahal sakin? E isang nerd, isang hamak na nerd, lang naman ako. I chuckle.

Tumingingala ako at napapikit pero dumilat din naman agad.

"Lord... ano na po bang dapat kong gawin? Kailangan ko po ng karamay." Pumikit naman ako kasabay ng muling pagtulo ng luha sakin. "Kahit isang tao lang. Yun lang. Kailangan ko lang po talaga ng karamay."

Pinikit ko na lamang ang mata ko at napangiti na lang. Nababaliw na ko. Ramdam kong bumibigat din ang pakiramdam ko. Ang sakit na..

Physical at emotional.

Dumilat ako. May naanigan ako sa harap ko, napangiti naman ako. "P-please." Napangiti naman sya.

"As you wish." Narinig ko pang sabi niya bago tuluyan nagdilim ang paningin ko.

--///--

Genie at the side. Ayieee. Qtqt. Hahahaha!

Edited. :>

-Grace.

IWANBT [SOON TO BE DELETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon