Chapter 12 Part 2

1.6K 50 7
                                    

Chapter 12 Part 2

Nagyaya naman 'yung kambal na pumuntang Broadway Gems, kaya pumayag na 'din ako. Habang nagiikot, may nahagip ang mata ko na clip. It's a clip with a hat, color black. Hindi malaki 'yung hat, maliit sya actually pang lolli. Hindi ako maka-lolli pero ang cute talaga. Kinuha 'ko naman at sinubukan kung babagay nga sa akin. Napangiti naman ako sa salamin ng makitang sumakto.

Kumuha ako ng ibat iba at nilagay sa cart 'ko, may girly side 'din ako. 

Napaisip naman ako sa nangyari kanina at napapikit. Asar, napakaliit na bagay pinatulan ko pa. Pagdilat ko, nakita ko nanaman 'yung lalaki kanina. Nakita 'ko ding nakatingin 'din sya sa'kin. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa kambal. Kumukuha 'din sila nung clip. Dark brown kay Reigh at Beige naman kay Leigh. Bagay sa personalities nila. 

Light and Dark.

Napangisi naman ako. 

"Nababaliw kana?" 

Tumingin naman ako kay Reigh at nagtaas ng kilay. Problema neto?

"Natawa ka ng mag-isa e." Tss. Nakita pala.

"Nah, okay na kayo? Tara." 

Pinunta na namin sa counter at sinabing ipahatid na lang sa kotse. Umalis na kami doon at pumunta sa Warehouse. I found a dark blue dress, damn I love this one. Kinuha ko naman 'yun at pinabayadan ulit. Pumunta naman kami sa... Jollibee. He-he. Favorite namin na kainan e, bat ba.  Buti na lang wala pang masyadong tao.

"Ano sayo?" Sabi ni Reigh. 

"Aloha Champ, Choco Sundae,  and Spag." 

"Aright." Aniya at tinanong din ang order ni Leigh. "Ngayon, sino mago-order?"

The fuck?

"Kala ko ba ikaw?" Sabi ni Leigh.

"Tinanong ko lang order nyo pero hindi ako magoorder." Sabi ni Reigh.

"Not me." Sabi ko. Tinatamad akong tumayo.

"Jack en poy na lang." Sabi ni Leigh at naglahad ng kamay, naglahad din naman kami ni Reigh at...

Hoho.

Bato kaming dalawa ni Leigh at gunting si Reigh. Yes.

"Muchacha, shu shu." Asar ni Leigh sa kanya. Umirap naman si Reigh na kinatawa namin.

Tumayo naman si Reigh at nagorder na, maya maya nakabalik naman na sya dito kasama ang isang waiter na bitbit ang dala namin.

"Salamat kuya. Pagpasensyahan mo na yaya namin, tamad e." Ani ni Leigh sa waiter. Nagtaas naman ng middle finger si Reigh at umupo na din. Abnormal talaga.

Kumakain ako ng may nagtakip sa mata ko. The fuck? Hinawakan ko naman ang kamay. Ring. Walang singsing si Lierre. Kinurot kurot ko naman pero ayaw talaga matinag.

"Who the heck are you?" Nakain kaya ako, tapos tatakpan yung mata ko? Masama galitin ang gutom.

"Hulaan mo tanga." Sabi ni Reigh. Maka-tanga wew. 

"Nagugutom ako at isa pa, tatanungin ko ba kung kilala ko?" Sabi ko naman. Narinig ko namang umungot 'yung taong nagtatakip sa mata ko. "Tanggalin mo 'to o puputulin ko kamay mo?" Gutom ako. Pakainin nyo ko ng maayos.

I heard her/him chuckle. Malaman ko lang talaga kung sino to. GG ka sa'kin. Maya-maya, natanggal naman 'yung kamay nya kasabay nun may humalik naman sa'kin sa pisngi. Who the hell is this?

There he is, smirking. Terrence Chrome Salvador, usually called by his nickname-- Rence. My so-called Genie in the past. He's there by my side the time that I'm broke and he's also there when I decided to wake up and grow. He has his own village, so yeah. 

"Wow, hino-who you mo na lang ako ngayon?" Sabi nya.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Pake mo? Nakain ako nakikita mo ba?" Ngumisi naman sya bilang tugon at umupo sa tabi ko, kaharap ni Reigh.

"How's life, Rence?" Ereigh asked.

He shrug, "Still handsome." Tinaasan naman sya ng kilay ni Reigh, ngumisi lang naman sya, "Same old, same old." Dagdag nya.

"Chrome." Tawag ko sa kanya, I'm the only who's calling him Chrome--- pang-asar. 

"Yea?" 

"Did you find your Mozilla in Greece?" Well, nagbakasyon sya sa Greece. Sawang sawa na daw kasi sya sa America. Pfft.

"Shut up." Sabi nya na lang. 

"Mozilla pala e." Leigh teased. 

"Tss. By the way, nakita 'ko 'yung kanina." 

Pinunasan ko naman ng tissue 'yung bibig ko bago sumagot.

"Anong kanina?" Sabi ko sabay inom.

"Ground floor."

"So?"

"I thought, you'll change?" Aniya.

"As if." Sabi ko na lang.

"Hello, turtle here." Sabat ni Leigh. "Nasan na ba kayo?" Philippines. Bobi.

"Kalokohan ni Luanne sa America."

"Ohh. Aright." 

Inirapan naman nya ang kambal nya na kinairap din nya.

"World war III is real." 

Napatingin naman ako kay Chrome.

"As always." Sabi ko naman.

Napatingin naman ako sa labas maghahanap sana ng gwapo. Kaso, kala ko makakahanap ako. Nakahanap nga ako kaso hindi gwapo ang nahanap  ko kundi gago . Nakita ko kasi si... Rick.

--//--

Edited. xx

IWANBT [SOON TO BE DELETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon