Chapter 17

1.2K 34 3
                                    

Chapter 17


Aubrey's

Tinignan kong mahimbing na natutulog si Luanne. Napabuntong hininga na lang ako at lumakad patungo sa bintana dito sa kwarto ko. Kitang-kita ang buong Campus. Binuksan ko ang bintana at naramdaman ko naman agad ang mga hangin na humahaplos sa pisngi ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pagod na ako. Mahirap, para sakin dalhin lahat ng ito. Naramdaman ko na lang na namamasa ang mga pisngi ko. Pinunasan ko agad ito at ngumiti ng mapakla.

Ma, pa... asan na ba kasi kayo?

-

Zach's 


Nasaan na ba ang babaeng yon tsk. Kainis naman kasi nasa likod ko lang sya kanina pero paglingon ko wala na. Kung hindi lang maganda 'yung babaeng 'yun at kung hindi lang ako nagaalala 'don e. Wait. Whut? Her? No way. Ew. She's just an average above the most beautiful girl I've seen. Uhh, what's wrong with me. Why am I talking to myself.

Bakit ko nga ba inayang magdate yung Lary na yun? Hindi ko rin alam, shit lang. Hinawakan ko yung ulo kong natamaan ng bato. Sa totoo, lang hindi naman talaga sya masakit. Hindi ko lang alam kung bakit, gusto ko asarin yung babaeng yun at sya pa may galang sabihan ako ng Cold ha?

Kapal lang. Pasalamat sya, may pagka gentleman pa ako. Kung hindi lang talaga, nakaisa na sakin yun.


"Pre, nakita mo yung chix kanina? Ang sexy, coca cola body." Rinig kong sabi ng nadaanan kong lalaki at sumipol sipol pa.

"Oo nga, masarap siguro yun humalik. Ang fierce ng mukha e." sabi naman ng isa.

"Ay, yun ba yung nakasuot ng sleeveless na nakakulay blue? Sexy yun e." Sabi pa ng isa.

"Oo yun nga." Sagot ng isa at nakipag high five pa sa kasama.

Shit. Baka si Lary yun. Humarap ako sa mga lalaking naguusap at lumapit hanggang mapunta ako sa harap nila. Oo, alam ko para na akong tanga ngayon. Nakakunot ang noo, hindi ko alam kung bakit pero nainis na lang ako bigla.

"Saan niyo nakita yung babaeng pinaguusapan niyo? " malamig na sabi ko. Pinagmasdan ko naman yung mga ugok. Tss. Halatang mas lamang yung kagwapuhan ko. Tsk.

"Ano bang pakielam mo? Sino kaba ha?" Sabat naman nung nasa harapan ko. Nagmamatapang pa.

"Saan. Mo. Nakita. Ang. Babaeng. Pinaguusapan. Niyo?" linagyan ko na ng diin lahat ng salitang sinasabi ko. Naiinis na ako.

"Bakit nga kasi? Tsaka sino kaba? Tsismoso ka ah!" Kinuwelyuhan naman ako ng nasa gilid ko. Hinawakan ko naman agad ang kamay niya ng madiin at inipit patalikod ko. Wala na akong pakielam kung mapilayan man yun.

"Isang tanong. Isang sagot. Saan niyo nakita ang babaeng iyon?!" Napataas na ang boses ko kaya medyo napaatras na din sila. Tangina kasi kung sinabi na lang nila edi sana walang gulong mangyayari.

"D-Doon sa may main building. Kasama niya si Headmistress. " Tumalikod na ako sa kanila pagkasabi nila nun. Ano pang gagawin ko dun? Makikipaglandian? Lol.

Pumunta naman akong main building. Pagdating ko sa first floor. May nakakita sakin at bumati pero lahat sila tinanguan ko lang. Pumunta ako dun sa secretary ni Headmistress Yorala.

"Can you please call Headmistress Yorala and tell her that I'm here."

Agad naman syang tumango. Umupo muna ako sa couch na nasa bandang gilid. Maya-maya lang nakita ko ang pagbukas ng elevator at nakita ko si HM. Yorala. Agad naman niya akong nakita at ngumiti. Hindi naman ako ngumiti pabalik, sanay naman na sya sakin. Umupo naman sya sa couch sa harapan ko.

"Ang ganda mo talaga gumanti ng ngiti no? Tss." umiirap na sabi ni Aubrey sakin. Yeah, Aubrey close kami niyan e. Muntik na akong matawa ng nakita ko syang bumusangot.

"Anong gutso mo? Magdiwang ako at nakita kita? Yuck." sabi ko sa kanya at dumikwatro ng upo.

"Oh, anong kailangan mo?" Tinaas naman niya ang kilay niya.

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan.

"May kilala kang LARY? Nasaan sya? Kasama mo daw kasi sya e."  Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nakita ko naman syang napakunot ang noo na bahagyang nag-iisip pero napangiti naman agad sya at napakunot noo ulit. Ang gulo ng taong to para syang film na andaming theme.

"Ahh, oo. Bakit mo sya hinahanap?" sabi niya hang nakakunot noo parin. Sumeryoso na yung boses niya.

"Kasama ko kasi sya pumunta dito pero bigla syang nawala. Kaya ayun." Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero tinago nya naman agad iyon, At ngumisi.

"Paanong kasama mo sya?"  nakataas na yung kilay niya. Tss. She looks.... crazy.

"Bakit ang tsismosa mo?" Nag-glare naman sya sakin. Napailing na lang ako. "Syempre niyaya ko sya. Malamang. Tss." Nakatas parin ang kilay niya na parang hindi ako pinaniniwalaan.

Maya-maya bumuntong hininga sya.

"She's sleeping in my room." sabi niya na nagpakunot ng noo ko. How come? "It's simple. Because she's my sister." 

I gaped at her. Seriously? 

"Sya 'yung kapatid mong kakagaling ng America?"

"Kakasabi ko lang diba?" sabat niya naman ng pabalang. "Kaya, shoo shooo ka na lang. Tulog pa si Lary. Masama gisingin yun."

Tsk. Ang sama talaga nito kahit kailan.

"Oo na, kung alam ko lang naiinggit ka lang sa pagkabata ko. Tsk. Matanda ka na kasi." Pang-asar ko sa kanya. Naiinis kasi yan pag tungkol sa age ang usapan. Umalis naman agad ako dun mamaya mag mabat—

"Aray naman!" sabi ko. Kung ikaw ba naman batuhin ng sapatos hindi ka masasaktan? Buti na lang wedge yun hindi stilettos. Tsk. Tsk. Magkapatid nga sila.

Umalis naman agad ako dun pagkatapos ko tingnan ng masama si Aubrey. Huminto ako habang naglalakad ako palabas ng campus at tumingin sa top floor. Nakita ko si Lary na nakatingin sakin. Walang ekpresyon na nakikita sa mukha niya.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin pero nginitian ko sya. Maya-maya nakita ko rin syang ngumiti. Napatulala na lang ako dahil don pero umalis na din agad ng tumalikod na sya. Naalala ko nanaman 'yung ngiti nya. Napailing na lang ako at napangisi. Nagd-drive na 'ko pauwi pero hindi pa 'din matanggal 'yung ngisi 'ko. Nakakabading nakng.

-

Revised.

IWANBT [SOON TO BE DELETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon