Prologue 1:
By:
Russel Arcadia
Isang taon na din ang nakalipas simula ng magtapos ang mga pantasya ko at mawala ang matalik kong kaibigan.
Ang matalik kong kaibigan na "Lihim kong Minamahal"
Buong buhay ko, lagi siyang nasa tabi ko para damayan ako sa problema ko.
At para na rin ipagtanggol ako.
Nakakatawa nga eh.
Ako itong lalaki pero babae pa ang nagtatanggol sa akin.
Kakaiba talaga siyang babae.
Dahil dun kaya ko siya minahal.
Pero nung naglakas loob ako na sabihin sa kaniya,
Yun na rin pala.
Yun na rin pala ang mga huling oras na makikita at makakasama ko siya.
Ang mga ngiti niya.
Ang pagtawa niya ng walang arte.
Ang ugali niya na daig pa ang isang lalaki.
At ang boses niya na mala-anghel sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ko..
Mga ala-ala na hindi na muling mauulit pa.
Ang sabi pa niya sakin,
"Hayaan mo, pinapangako ko din sa'yo na hindi kita iiwan hanggang sa matuto kang lumaban para sa sarili mo at sa mga taong mahalaga sa'yo."
Pero nang matuto na akong lumaban,
Wala rin namang saysay.
Dahil papaano ko kakalabanin ang sakit na kumukuha sa lakas ng taong mahal ko?
Wala akong magawa kundi makita siyang nahihirapan hanggang sa malagutan siya ng hininga.
Atsaka, paano mo nga ba ipaglalaban ang isang tao na ang hinihintay na lang ay ang pagsuko mo?
Noong sandaling malapit na niya akong iwan,
Naisip ko yung mga sinabi niyang 'yun.
Para bang napaghandaan na talaga niya kung kailan siya aalis.
Buti pa nga siya, napaghandaan niya na 'yun.
Kaso ako..
Hindi pa ako handang mawala siya..
Hanggang ngayon,
Lagi akong lumilingon sa nakaraan..
Paano nga kaya kung hindi na lang ako natutong lumaban?
Malamang nandito pa din siya at naghihintay na matuto akong lumaban para sa sarili ko..
At sa mga taong mahalaga sa'kin..
Lagi kong hinihiling na sana..
Sana nasabi ko na lang ng mas maaga yung nararamdaman ko..
Sana mas nasulit ko pa yung mga nalalabi niyang oras na magkasama kaming dalawa..
Puro sana na lang..
Pero sabi nga niya,
Bawat katapusan ay simula.
Sa bawat gabing dadaan,
May umagang naghihintay kinabukasan.
At sa bawat taong aalis sa buhay mo,
May darating na bago..
Antayin mo na lang kung sino..
Siya ang bumago sa buhay ko.
Sa sarili ko,
At sa pananaw ko sa mundo..
At hinding-hindi siya mapapalitan dito sa puso ko..
BINABASA MO ANG
Will You Stay Awake For Me? - ONHOLD
JugendliteraturBefore we met each other, we think that we're just nothing. But now.. We were each other's everything..