Prologue 2

59 2 0
  • Dedicated kay Nikka Marah Nayve
                                    

Prologue 2

By:

Izelle Narvaez

Mahirap mabuhay sa mundo.

Pero mas mahirap magsisi sa huli kung bakit di mo ginawa lahat ng gusto mong gawin nung mahaba pa yung oras mo.

Sa pamumuhay ko dito sa mundo,

Pakiramdam ko,

Isa akong kaluluwa na hindi nakikita ng iba.

Matagal na akong humihiling ng himala sa Maykapal.

Pero matagal na din niya akong binigo.

Kinuha niya isa-isa sa'kin yung mga taong mahalaga sa'kin.

Galit na galit ako sa kaniya.

Hanggang sa makilala ko ang isang batang lalaki.

Isang tao na kahit na sandali ko pa lang nakakasama,

Binago na ng malaki ang buhay ko.

Dati, hindi ako natatakot na harapin si Kamatayan.

Pero nung nakilala ko siya,

Nagkaroon ng takot sa puso ko..

Pero hindi ang takot sa pagdating ng araw na kukunin na ako.

Kundi, ang takot na balang araw,

Pagdating ng oras ko, hindi pa siya handa.

Natatakot akong iwanan siya sa panahong alam kong hindi pa siya ganun katatag.

Natatakot ako na baka dahil sa akin,

Hindi siya makasabay sa agos ng buhay dahil sa sugat na mayroon siya sa puso niya..

Pero..

Ngingiti na lang ako hanggang sa huling sandali.

Dahil alam ko na ang bawat ngiting binibitawan ng isang tao ay nakapagbibigay ng lakas sa isa pa.

Ayoko pa sanang bumitaw.

Ayoko pang iwanan siya,

Gusto ko pang manatili sa tabi niya.

Gusto kong makasama siya habang buhay.

Gusto ko din sanang sabay naming panoorin ang paglubog ng araw habang hinihintay namin ang paglagot ng aming hininga.

Pero..

Ang buhay nga naman ay maihahalintulad sa isang teatro.

Sa ayaw mo man at sa gusto,

Matatapos din ang parte mo.

Hindi laging nasa'yo ang spotlight.

Kaya ikaw..

Oo. Ikaw na nagbabasa nito.

Magpakitang gilas ka na sa pag-arte habang sa'yo pa nakatapat ang ilaw.

Dahil ang mundo ang stage mo at ikaw ang bida sa sarili mong drama.

At kung mahal mo ang isang tao,

Ayos lang kahit hindi mo sabihin sa kaniya.

Dahil ang pagmamahal, pinaparamdam dapat 'yan.

Hindi lang basta sinasalita.

Iparamdam mong mahal mo siya.

Iparamdam mong mahalaga siya habang maaga pa..

Dahil ang mga ala-ala mo habang nabubuhay,

Hindi mo man madadala kung saan ka man pupunta paglubog ng araw,

Atleast..

Yun ang naging dahilan upang maging masaya ka.

At sa bawat pagkakamali mo,

Wag mo ng isisi sa sarili mo..

Walang mangyayari kung magmamaktol ka diyan.

Isipin mo kung anong aral ang dapat mong matutunan sa pagkakamali mong iyon!

Hindi para itama kung ano yung nagawa mo sa nakaraan.

Kundi para siguraduhing hindi na ito mauulit muli sa hinaharap.

Matuto kang maghintay sa ibibigay sa'yo ng Maykapal.

Dahil may mas malalaking surpresa na nakahanda siyang ibigay sa'yo.

Mas malaki pa sa hinihiling at inaasahan mo.

Osha, hanggang dito na lang ako a?

Mauuna na ako kasabay ng paglubog ng araw.

Hanggang dito na lang ang parte ng aking palabas.

Manatili ka dito at sulitin ang bawat sandali mo sa entablado.

Gawin mo ang lahat bago mo pagsisihan ang bawat bagay.

Dahil ako?

Nagawa ko na lahat at masaya na 'ko.

Mananatili na lang akong nakatingin sa'yo mula sa kalangitan.

Salamat sa pagpapasaya sa'kin.

Bawat ala-ala nating magkasama,

Mananatili dito sa puso ko.

At ang pagmamahal ko sa'yo,

Walang hanggan at hindi matatapos..

Kahit na umalis man ako.

Soooo,

SMILE :)

"After a rain, there comes a rainbow."

Russell.Arcadia.Izelle.Narvaez

R.A.I.N

Will You Stay Awake For Me? - ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon