Chapter 7

18 2 0
  • Dedicated kay Lovelyn Chavez Sepcon
                                    

Chapter 7

[ I Will Be Here ]

Hindi ko alam kung gising na ba ako o nananaginip pa din ako?

Pero may naririnig ako.

Hindi ko nga lang alam kung parte ba ng panaginip o totoo.

May naririnig akong kumakanta at tumutugtog.

"Tomorrow morning if you wake up,

and the sun does not appear.."

Pumasok ako nun.

First day of school.

No hope of having new friends.

Expecting that I'll be forever alone in this world.

"I.. I will be here..

If in the dark we lose sight of love,

Hold my hand and do not fear.."

Tapos dumating yung batang babae na super hero.

Ang pangalan niya Izelle.

Akala ko wala ng ibang tao sa mundo na magmamahal sa'kin at magpapahalaga.

Akala ko walang ibang tao na magmamahal sa'kin bilang isang kaibigan.

Pero mali yung akala ko.

Dumating siya.

Hinawakan niya yung kamay ko at sinabihang tumayo at lumaban para sa sarili ko.

"I..I will be here.."

At oo, hanggang ngayon andito siya sa tabi ko.

Lagi kong maaasahan.

Mapagsasabihan ng kung ano-ano.

Kahit na hindi siya nagsasabi sa'kin, ayos lang.

Balang araw, susuklian ko lahat ng ginagawa niya.

Napakagandang boses at napakagandang kanta.

Malamang anghel yon.

Tapos biglang tumunog yung alarm clock.

= RIIIIIINNNNNNGGGGGG! =

Alam ko na.

Tulog pa pala ako.

Iminulat ko yung mga mata ko.

Pero, naririnig ko pa rin na may kumakanta at tumutugtog.

Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko.

At doon, nakita ko si Izzy.

Tumutugtog ng gitara at patuloy pa din sa pagkanta.

Nung nakita niya ako, tumigil siya.

"Russell."

"Good morning Izzy."

Ngumiti lang siya sakin.

"Nga pala, russell. Bilisan mo na ng maturuan kita ng gitara."

Will You Stay Awake For Me? - ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon