Chapter 8
[ Lemniscate & Heart ]
"This Christmas I gave you my heart.
And the very next day,
You kept it and stayed."
It's been a month nung umuwi kami galing Baguio.
May bago akong natutunan dun.
Natuto akong tumugtog ng gitara.
At yung nabuo kong tugtugin na kanta, alam mo kung ano?
Yung Hawak Kamay.
Bakit daw Hawak Kamay at I Will Be Here yung pinagpilian?
Kasi themesong daw 'yun ng friendship namin. :D
Sabi pa ni Izzy, mas madali mo daw matututunan na tugtugin yung isang kanta kung may isang bagay sa kantang yun na nagugustuhan mo.
Pwedeng yung message, yung tono, o yung taong naaalala mo sa kantang 'yon.
Naaalala ko si Izzy dun sa kantang 'yun e.
Speaking of Izzy, pasko na pala ngayon.
Hindi ko pa alam kung anong ireregalo ko sa kaniya.
I don't want to be caught empty-handed this time.
Christmas party na namin mamayang gabi.
And still, wala pa din akong nabibili dahil wala pa rin akong naiisip na bilihin.
Habang naglalakad papuntang school,
May nakita akong tindahan ng accessories.
Pumasok ako.
Pero common naman yung mga tinda.
Hindi naman pwedeng magbigay ako ng common thing sa isang extraordinary girl.
Nakakawala naman ng pag-asa 'to.
Hanggang sa nakakita ako ng Heart Pendant na divided into 2 parts.
Parang yung sa couples.
Pero nakalagay, "BESTFRIENDS".
Kung ito na lang kaya?
Para atleast suot niya lagi.
Hindi lang dalawang beses akong nag-isip.
Isa, dalawa, tatlo, sampu, isangdaang beses!
Hanggang sa 'yun na lang naisip kong bilihin.
Binayaran ko sa cashier at pinabalot ko na rin sa gift wrapper.
Tapos, tinuloy ko na ulit yung lakad ko papuntang school.
Pagpasok ko sa room,
Si Izzy agad ang hinahanap ng mga mata ko.
Di nagtagal, nakita ko si Izzy.
May mga nagbigay ng regalo sa kaniya.
Isa sa mga regalo na natanggap niya ay yung rabbit na plushie.
![](https://img.wattpad.com/cover/18977717-288-k693716.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Stay Awake For Me? - ONHOLD
Teen FictionBefore we met each other, we think that we're just nothing. But now.. We were each other's everything..