Chapter 6
[ The Dazzling Starlight ]
Nakarating na kami sa resthouse.
Pagkababa namin ng sasakyan, nakatanaw na naman si Izzy sa malayo.
Weird? Well, dapat masanay na 'ko.
"Magcampfire tayo mamaya." sabi ni Mr. Narvaez.
"Sige ba. Sagot ko na ang whisky natin Ian." sabi ni papa.
"Ian pala first name ng papa mo Izzy?"
"Oo."
"Ahh."
Umakyat na kami sa mg a kwarto namin at nagbihis para sa campfire.
Sabay kami lumabas ni Izzy dala yung gitara niya.
"Izzy kuha muna tayo ng pagkain natin."
"Sige, kumuha ka na."
Edi kumuha ako ng pagkain habang siya naman, tinotono yung gitara niya.
"Tara na Izzy."
Tumango lang siya at pumunta na kami kila papa.
Nagsisimula na sila.
Pagdating namin, umupo kami ni Izzy.
Ako, kumakaen, siya tumutugtog.
Tapos tinutugtog niya yung "River Flows In You".
Bakit ganun? Parang may sakit akong nararamdaman habang tinutugtog niya yun?
Nakatitig ako sa mga mata niya habang siya naman nakatitig sa gitara niya.
Nakikita ko yung reflection nung apoy sa mga mata niya.
Sa bawat galaw nung apoy naaaninag ko yung kalungkutan sa mga mata niya.
Bakit ganun?
Natapos siyang tumugtog at hiniram ng papa niya yung gitara niya.
"Russell, tara lakad muna tayo."
Tumayo na siya at syempre, sinundan ko siya.
"Marunong pala maggitara yung papa mo?"
"Oo. Mahilig siya sa music. Doon sila nagkakilala ni Mama."
"Ahh. Asan na pala yung mama mo?"
"Lumipad na." tapos ngumiti siya sakin.
Lumipad? Super hero ba yung mama niya? Teka, baliw talaga ako.
Kaso paanong lumipad?
"In other words, patay na siya."
Nahalata niyang naguluhan ako sa sagot niya.
Pero nung sinabi niya yun, bakit parang wala man lang sakit sa puso niya?
Hanga talaga ako sa kaniya. Ang lakas niya.
Ang tatag niya.
May kahinaan pa kaya siya?
Sa pinapakita niya, parang wala.
BINABASA MO ANG
Will You Stay Awake For Me? - ONHOLD
Teen FictionBefore we met each other, we think that we're just nothing. But now.. We were each other's everything..