MMD 1

15.9K 293 57
                                    

Maru


Life-changing.

4 years old lang ako nung ampunin ako ni mommy, she's wearing the most beautiful smile nung inannounce ng judge na she can have me. Kahit 4 years old pa lang ako noon, i know kung gaano nag hirap si mommy para lang makuha ako legally.

4 years old lang ako nun pero, tandang tanda ko pa rin. Hinding hindi ko yun makakalimutan dahil simula nun ay napaka rami na ang nag bago saakin, it was really a life changing.

Mahirap oo, pero masaya naman. More on mahirap nga lang, alam kong yung bawat ngiti na pinapakita saakin ni mommy ay may kalakip na lungkot. Lungkot na nakatago lang at hindi pinapakita saakin. Isama mo pa yung mga mata ni mommy cause i believe that our eyes says it all.

"Baby Maru, let's go. Time for school. " sabi ni mommy habang naka silip sa pinto ng kwarto ko.

"Mommy, I'm not a baby anymore. Grade 4 na kaya ako. " tumawa siya at lumapit saakin bago ako yinakap.

"Oh yeah, but for me you're still my baby and you think like an adult na huh, bakit ang bilis bilis mo lumaki? " sabi ni mommy habang inaayos niya yung damit ko saka tumitig sa mukha ko at hawakan ang aking pisngi. Ngumiti naman ako pabalik saka din siya pinag masdan, anong ginawa ko para makilala ko siya? She's 33 pero ang ganda niya pa din, dahil palagi kami magkasama ni mommy minsan mukha na talaga kaming tunay na magkaiba dahil palagi kaming nasasabihan na may pagkakahawig kami. Bahagya naman siya tumawa bago she pinched my nose and kiss me.

"And you act like an adult. " humawak ako sa kamay niya at sabay kaming bumaba ng bahay. More like a mansion pero kami lang dalwa ang nakatira with nanay Rose, the maids and the guards.

"Napaka gandang bata. " bungad saamin ni nanay Rose habang yapos yapos ako, may pagka matanda na si nanay at sabi din saakin ni mommy ay matagal nang nag tatrabaho si nanay sakanya kaya family na ang turing niya sakanya.

"Nanay, you always see me wearing this uniform! " napa labi ako na ikinatawa nila.

"I know pero mas lalo kang gumaganda araw araw. " she emphasize the 'araw araw', si nanay talaga oh. Pinagbuksan ako ni mommy ng pinto ng sasakyan at sumakay na. Binaba ko yung bintana ng sasakyan at kumaway ng umaandar na ito.

"Are you excited? "

"To be honest mom, i'm nervous. " naka yuko lang ako habang pinag lalaruan si stitch na naka sabit sa back pack ko.

"Don't be baby Maru, you will get a friend now. I made sure that this school doesn't tolerate bullying. " napatingin ako kay mommy na nag dadrive.

"Still mom, no one likes me. "

Simula nung pumasok ako sa school, walang lumalapit saakin. I tried to be friends with them pero sadyang ang malas ko pagdating sa pag kakaibigan, lagi akong may nagagawa na hindi maganda pero minsan wala naman at ayaw pa din nila saakin. Worst, they started to bully me.

"But I like you. "

"Of course, you're my mom. "

"Your nanay Rose, our guards and maids. mama Pamela, daddy Draco, daddy Jude and daddy Vernon loves you! " tukoy ni mommy sa mga friends niya. Napangiti ako nung maalala ko sila, they're like my real daddy and mama.

Lumabas si mommy at pinagbuksan ako ng pinto. "Here we are, baby Maru. "

"I have surprise Maru. " nakangiting sabi ni mama kaya napatingin ako dito, bigla namang sumulpot sa likod ang isang batang lalake at yinakap ako.

"Vance! "

"Dito ka na din ba mag aaral!? " excited na tanong ko dito at tumango siya bago tumawa.

"Thank you mommy! and daddy Vernon! "

My mommy's diary.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon