Maru
"Nanay! " pagkababa ko ng kotse ay tumakbo ako kay nanay Rose para yakapin siya ng mahigpit, natuwa naman siya kaya hinalkan pa niya ko sa pisngi.
"Kamusta ang school? " 2nd week. Kakatapos lang ng 2nd week at weekend nanaman.
"Okay lang po. " actually it's half half. I don't like Laila and her bubwits na grade 6. Yung tatlong babae na kumausap saakin nung first day at sinabihan akong ampon ng Hortillano. Ang laki laking mga tao tas ako pa na grade 4 ang laging target nila. Hanggang ngayon pa din, they keep telling me na ampon ako. Akala naman nila na hindi ko alam, tanggap ko na yun dati pa pero hindi ganoon ang turing nila dito saakin. Tinuturing nila akong totoong Hortillano.
What's the big deal of being Hortillano? They are powerful to be honest, rich and popular. Kaya din ganun na lang ka busy si mommy sa sarili niyang hospital. Mabuti na lang, nasa tabi ko si Vance lagi. Pinagtatanggol niya ko tho i can handle it. Pinipigilan ko siya minsan at sinasabihang hayaan na lang. Vance never leave me and i am greatful to that.
"Nanay, si mommy? " tanong ko, hindi kasi niya ko nasundo.
"Nasa hospital anak, sinugod kasi doon ang mayor natin kaya siya na ang nag check. " tumango tango ako at tumaas sa kwarto ko para mag bihis.
Minsan napapa isip ako kung nasaan ang pamilya ni mommy, yung mga kamag anak. Wala kasi siyang naipapakilala saakin, even pictures wala. Nakakahiya naman mag tanong dahil parang ayaw nila iyon pag usapan. Dinalhan ako ni nanay Loren sa kwarto ko ng merienda bago lumabas, linabas ko yung mga assignment ko at kinuha yung juice para uminom.
"Hmmm i need more melon. " i love melons! Naubos ko kaagad yung isang baso, lumabas ako ng room ko para kumuha ulit kaso iba ang napansin ko. Yung pinaka dulong room. Para niya kong tinatawag. Napabuntong hininga naman ako at nag lakad papunta sa pinaka dulong room habang natingin sa likod ko kung may tao ba o wala, isa din kasi ang rule dito sa bahay na huwag papasok sa kwarto na iyon pero my curiosity kills me! I'm just a child! Hindi ko mapigilan saka i wanna know why my mom is always crying to that room. Wala siyang pinapapasok doon at kung kailangan linisin ay siya mismo mag lilinis. I once ask nanay but nanay only told me to just let my mom do it because she is happy.
Nasa harapan na ko ng pinto ng dahan dahan ko itong binuksan, pumasok ako at dahan dahan ding sinarado ito para walang makarinig. Ginala ko yung mata ko sa kwarto at linagay sa table yung baso ko.
"I'm sorry mommy, this is the first and last na susuway ako sa house rules. " kausap ko sa sarili ko at nag pout.
"This is huge. " tukoy ko dun sa dalwang teddy bear na mas malaki pa saakin. May collar siya kaya tinignan ko yung kulay brown.
"Happy birthday, i love you so much. " basa ko saka yinakap yung bear, hmm amoy mommy. Yung isa naman tinignan ko na katabi lang nung brown, kulay pastel pink naman ito. "I'm so sorry, please forgive me my love. " sulat to ni mommy! Hindi ako nag kakamali, sulat doctor e! Napangiti ko naman ako makita na malilinis lahat ng gamit dito so hindi ako hihikain. Nag sisinungaling lang talaga si mommy.
May mga paintings din na naka sabit, ang gaganda. May mga pirma sa gilid and initials or name? . 'ARS'.
"Ouch. " hindi ko napansin yung tatlong box na naka harang habang iniisa isa ko yung paintings tignan. Naka tape yung mga box at ang bibigat. May punit yun na onti sa gilid kaya sumilip ako. Mga picture frames at albums! Siguro linabas to ni mommy nung July 2.
Gusto ko sana tignan kaso ayoko naman sirain baka makahalata din si mommy. Sa cabinet naman ako pumunta, nung buksan ko ito ay may mga damit at shoes. Mga pang babae pero hindi naman ata to kay mommy. Sinarado ko iyon at pumunta sa bed kung saan ko nakita si mommy noon.
Naandito pa din yung picture frame, hinarap ko ito saakin at nakita si mommy na may kasamang babae na blonde. Parehas kami. Magkahawak sila ng kamay at halata sa mga mukha nila yung saya, yung hindi peke at hindi mapag panggap.
"I want mommy to smile like this again. " kausap ko dun sa picture frame. Napatayo na lang ako nung may kumalabog sa side table. Oh crap! Buti na lang hindi ko nabagsak yung frame, tinignan ko yung side table at may cabinet doon na maliit.
Binuksan ko ito at nakita yung notebook. Makapal siya at halatang inaalagaan. Kinuha ko ito at binasa.
"Diary, wow. Mommy did this? I'm a girl but i will never do this kind of stuff. " hindi makapaniwalang sabi ko, seriously. Ni minsan hindi pumasok sa isip kong gumawa ng diary, i guess writing is not my hobby.
Binuklat ko ito at ang unang page ay ang pangalan ni mommy na naka letterings.
"Maureen Sage Hortillano. " basa ko at nag next page na, pictures ni mommy na solo at meron din kasama yung mga kaibigan niya. Sina mama Pam at yung iba pa. Teenagers na sila nito, ibig sabihin ba na teenager si mommy nung simulan niya ito?
"Dear Diary, i'm too old for this. Nahihiya ako sa sarili ko but hey, this is cool! Diary! Right!? " basa ko dun sa unang sulat kaya napa ngiwi ako, yeah mom. If you say so.
"I'm doing this because of... " i can't read it. nabura kasi yung kasunod. It's either her or him ito. Pwede ding mom or dad or name talaga nung tinutukoy niya. Ugh.
"Maru!? Maru, gusto po pa ba ng maiinom? " sigaw ni nanay mula sa baba ng bahay.
"Oh crap! Hindi nga pala soundproof tong room na to! " agad agad akong tumayo at sinarado yung cabinet, kinuha ko yung notebook at yung baso ko. Dali dali akong lumabas at sinarado yung pinto.
Naririnig ko na yung pag akyat ni nanay Loren kaya tinakbo ko na yung papunta sa room ko, binaba ko muna yung baso ko para mabuksan, pagkabukas ko ay agad ko itong sinarado ng hindi maingay para hindi halata. Tinago ko yung notebook na makapal sa ilalim ng kama ko saka umupo sa study table.
Narinig kong kumatok si nanay bago buksan yung pinto ko, may dala siyang pitcher.
"Hi nanay! " bati ko dito, gosh hiningal ako dun.
"Bakit nasa labas yung baso mo anak? " Crap, yung baso ko! Nakalimutan kong kunin.
"ahh ehh ewan ko pa. Tinago po ata ni Mawu! " tumawa siya at kinuha ito, linagyan niya at linagay sa table ko.
"Anak, teddy bear lang si Mawu. Kakaiba ka talaga. " tumawa na lang ako at kumain, lumamig na din yung carbonara na bigay saakin ni nanay.
At dahil hindi nasarado ni nanay yung pinto ko at narinig ko yung pag busina sa labas. Tumingin ako kay nanay na nakangiti saakin.
"It's mommy! Mommy mommy mommy! " sigaw ko habang pababa at pinuntahan si mommy.
I'm sorry mom, pumasok ako sa kwarto. Worst, kinuha ko pa yung diary mo.
Babalik ko rin naman po, pagkatapos kong basahin. Hehe.
––
To read the completed version, please visit: Dreame, Yugto, Innovel, Slash, Dreame Lite, Yugto Lite, Suenovela, Globook, Ringdom
BINABASA MO ANG
My mommy's diary.
RomanceI grew up not knowing who my mother and father were. I grew up in a facility where kids like me were there. Being an orphan is actually hard. There is no assurance that you will be adopted. Sometimes we run out of money, which is why sometimes we ha...