MMD 4

8.6K 274 13
                                    

Maru

"Dear diary... " panimulang basa ko habang pinag lalaruan sa kamay ko yung lapis, gagawa kasi dapat ako ng assignment ko sa kumon kaso tinamad na ko. Mamaya na lang pag naandito si mommy baka sabihin pa niya nag dadaya ako. Linock ko muna yung pinto ko at sumampa na sa kama.

"Remember that girl who stole my first kiss? She's my classmate! parehas kami ng course! ang awkward, sobra. Hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam kung titingin ba ko o ano e pero siya? Kumindat lang! "

Ewan pero natatawa ako habang binabasa yun, i want to see my mommy like this.

"Im straight, i know that pero sa babaeng to. She's something, she has something. "

"Oh bat ganyan mukha mo? " tanong saakin ni Jude habang papalabas kami ng room. Kakatapos lang ng first subject namin at papunta kami sa second.

"Huh? " Maang na tanong ko.

"Naka kunot kasi noo mo tas namumutla ka pa, okay ka lang ba? Dalhin na kita sa clinic baka binuntis ka na ni Davis. " pangangasar niya.

"Baliw! Kababata ko lang yun si Davis. " sabi ko dito pero halata at ramdam ko naman na namumula na ko. Davis Forth kababata ko and crush ko simula pagka bata. Siya lang talaga yung nagpapatibok ng puso ko and yung knight in shining armor ko.

"Sus! Kunyari ka pa, e halata namang kinikilig ka. " asar pa niya, mag sasalita na sana ulit ako ng may sumabat.

"Yieee aminin mo na kasi! " kinikilig na siko saakin ni Pamela, halatang kinikilig base sa pinupukaw niyang ngiti saakin pero may iba pa. Hindi ko lang matukoy kung ano yun.

"luh, friends nga lang kami. "

"Friends daw, ulul. " sabi ni Jude kay Pamela kaya nag tawanan sila, asar talo tuloy ako tas nasa gitna pa nila ako habang naglalakad. "Oh bat ka naandito? " tanong ko kay Pam.

"Makikidaan lang sa Pre med building, grabe to! " sabi nito saakin saka hinampas ako, magkatabi lang kasi ang building ng Pre med at pre law.

"Mauna na ko, baka naandun si bebe luvs ko. " tukoy niya dun sa crush na crush niyang captain ng basketball team, heart throb din kaya madami siyang kaagaw.

"Tse hindi mo makikita yun! Hindi kayo parehas ng course at building! " sigaw ko dito kaga napa irap lang siya. Austin Silvestre yung labidabs niya.

"Tara na, ayoko sa unahan umupo. Masungit daw yung prof natin dun. " sabi saakin ni Jude sabay hila saakin.

"Maru!? " napa tingin ako sa pinto ko dahil may kumakatok dun, sinarado ko kaagad yung notebook at linagay ito sa drawer ko saka ito sinusian. Patakbo akong pumunta sa pintuan saka binuksan ito, napangiti ako ng malapad.

"Mama Pam! " sigaw ko saka yinakap siya ng makarga niya ako.

"Ang bigat na ng baby ko! " masayang sabi nito saakin, i frowned ng marinig yun. "I'm not a baby anymore, mama. " tumawa siya at pumasok kami habang karga karga pa din niya ko.

"Mama, what are you doing here? " tanong ko dito at pinaglaruan yung dulo ng buhok ni mama Pam, simula nung makilala ko siya i have a thing on her hair. Ang ganda kasi and matingkad yung pagka brown niya.

"Just visiting you, ayaw mo ba? "

"Nooo, i want tooo. I miss you mamaaaaa. " malambing na sabi ko dito na ikinatawa niya. Binaba niya ko sa kama ko saka kami umupo, nag crossed leg naman siya saka ako pinagmasdan habang naka ngiti.

"I miss you too, kamukha mo talaga mommy mo. " sabi nito saakin na ikina iling ko. Ampon lang ako, bakit ko magiging kamukha si mommy. Brown buhok ni mommy, ako naman blonde. Parehas kami ng kulay ng mata ni mommy pero mas matingkad yunh pagka blue nung akin.

"Hindi ka ampon Maru, kamukha mo nga si– " napa tigil siya at napa buntong hininga. I'm curious pero hindi dapat ako mange alam sa iba. "Thank you mama for fighting us in court. " sabi ko dito saka hinalkan siya sa cheeks.

"Anything for you, for Maureen and for her. Para sa ikakasaya ni Maureen, handa akong ipaglaban. " sabi nito saka ako hinalkan sa noo. I admire her.

"So, ano ba pangarap ng Maru namin? " magiliw na tanong ni mama Pam.

"Hmm gusto ko katulad ni mommy. "

"A doctor? " tanong nito na ikinatango ko. "but i want to be like you too! " mas lalo siyang napa ngiti at pinisil yung pisngi ko. "a lawyer! " tumango ako.

"Kaya i'm stuck pa. " nakalabi kong sagot.

"You can be both, Doctora Attorney. "

"Pwede ba yun? " tanong ko. "Of course you can. " napatingin ako sa nag salita at nakita si mommy sa pinto at naka titig saamin.

"Really? " tumango si mommy at lumapit saamin, hinalkan niya ko sa pisngi at ganoon din ang ginawa niya kay mama bago siya tumabi dito.

"So, i'm expecting a Doctora Attorney Maru? " tumango ako at tumatalon talon sa kama. "Yes! "

"Okay okay, be careful. "

Tinulungan nila akong dalwa na gawin yung assignments ko then nag laro kami sa play station ko. Somehow i feel complete, pagkasama ko talaga sila nakakaramdam ako ng kumpletong pamilya. Lalo na kapag naandito sina daddy Jude at yung iba pa.

They complete me.

Bumalik ako sa room ko para tapusin yung pangalwang sulat ni mommy sa diary niya, tatapusin ko lang yun ngayong araw.

Eto nanaman siya. Pagka pasok na pagka pasok ko sa room ay siya ang nabungaran ko, naka slouch siya sa upuan niya at halatang bagot na bagot. Pupusta akong babagsak to this sem. Pero umayos siya ng makita ako at sumilay yung maganda niyang ngiti saka kumindat!

Tusukin ko kaya mata nito.

"Okay class, seat down! Ready your pen and answer this, gusto ko lang makita kung ano yung natutunan niyo nung high school kayo. Related to sa course niyo. " sabi nung prof saka binigay saamin isa isa yung paper. Nasa unahan ko siya bandang gilid kaya kita ko kung pano niya ito sagutan agad.

Great. Galing niya, hindi nga naman recorded to kaso ayoko naman mapahiya.

"shit. "

Hindi ako magaling dito, sa science. Hindi ko nga alam parts ng heart e, san ba dito yung left ventricle tas right. Halaaa help. Bakit ko ba napili mag doctor? Mag engineer na lang kaya ako? Kaso ayoko naman ng madaming numbers, kung mag lawyer na lang kaya ako? Ay wag, baka makapatay ako pag hindi umamin yung killer.

Bahala na, mag dodoctor na lang ako. Kaya ko to, isa kaya akong Hortillano.

"Pass your papers. " chinechekan na nang teacher habang kami ay nakipag daldalan na. Tumayo siya habang hawak hawak yung mga papers, hindi ko mapigilan kabahan dahil lahat ata ng sagot ko ay hindi ko sure. Tapos over 100 pa.

"Highest, 99/100." ay wow. Halimaw to. Baka pwede ako magpa turo dito.

"I'm impressed. Congratulations Ms. Astrid Silvestre. " pumalakpak ako kahit hindi ko siya kilala pero nung pinatayo siya ay napatigil ako, lalo na nung pumunta siyang harapan at ngumiti.

Tumigil yung mundo ko. Yes, tumigil pati na din ang pag hinga ko.

"Hello, I'm Astrid Raeka Silvestre. "

Siya lang naman ang humalik saakin.

--

To read the completed version, please visit: Dreame, Yugto, Innovel, Slash, Dreame Lite, Yugto Lite, Suenovela, Globook, Ringdom


My mommy's diary.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon