DIANNE'sPAKIRAMDAM ko ay maiire na ko sa sobrang pagakainis. Ubos na kasi 'yong blueberry cheesecake dito sa bahay at wala na kong makain. Sabi nina yaya bibilhan na lang daw nila ako pero ayoko! Mas gusto ko 'yung gawa mismo ni Harry! Ang sarap sarap nu'n tapos samahan pa niya ng marshmallow! Ang sarap!
Kanina ko pa siya tine-text na umuwi na para gawan ako pero hindi siya nagre-reply! I know, right, may trabaho siya and mas busy siya tuwing Saturday. Pero bakit noon? Kahit naman busy siya narereplyan niya pa rin ako, pero bakit ngayon?
Pinagmamasdan ko nang maigi ang cellphone ko habang pabalik-balik na naglalakad dito sa study room pero hindi pa rin siya nagre-reply! Napatingin ako sa isang part ng wall na clear glass at nakita ko si Hardy na sinusundan ako kahit saan ako magpaikot-ikot, napangiti ako dahil ang cute cute niya.
Kaya lang ay napahinto ako sa kakapaikot-ikot nang mapansin ko sa clear glass na lumupagi siya sa sahig at tumungo. Umupo ako sa harap niya, saka ko lang napansin na humihikbi siya kaya akin siyang niyakap. "Baby, bakit? Bakit ka umiiyak? Nagugutom ka ba?" tanong ko habang yakap ko siya, hindi ko pa nga siya mayakap nang ayos dahil nakaharang ang tiyan ko.
"I just wanted to cry."
I let go and wiped the tears on his face. "Why? What's the problem?"
"Every time po kasi na I'm crying, laging si Daddy ang nag-aasikaso sa'kin. I want you to take care of me too, Mommy. Hindi mo ba ko love?"
Nabigla ako sa tanong niya, and part of me ay nagui-guilty. Ever since naman talaga I hate kids dahil ang kukulit nila at ang sasakit sa ulo. Kaya kay Harry ko pinapaasikaso si Hardy every time na umiiyak siya kasi naririndi ako. But it doesn't mean na hindi ko mahal si Hardy. Kahit pa 19 years old lang ako nang pinagbuntis ko siya at 20 years old nang pinanganak siya, nakaramdam ako ng takot pero hindi ako nakaramdam ng pagkamuhi. I love Hardy so much, I'm willing to sacrifice my life for him.
"Baby, love na love na love na love ka ni Mommy, okay? Don't think of anything like that again."
"Eh, bakit po ganun?"
I fixed Hardy's messy hair. "Ayaw kasi ni Mommy nang umiiyak lalo pa sensitive si Mommy ngayon kasi Mommy's pregnant. But it doesn't mean that boys are not allowed to cry ha? You also have emotions, you can cry if you want to. Ang gusto lang ni Mommy, maging strong boy ka. You should be like Daddy, adorable, sweet, but though. Lalo pa malapit ka nang magkaroon ng little sister, kailangan maging strong ka so you can protect her."
He wiped his tears in an innocent way, napaka-cute talaga. "I want to protect my little sister. I love her."
"Love ka rin niya. O siya, tahan ka na ha? Tignan mo 'yang kilay mo, namumula na sa kaiiyak."
"Sorry po."
"Payakap nga ulit si Mommy!"
Muli siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. Mahal na mahal ko si Hardy. Siya ang buhay ko. Napakaswerte ko dahil napakabait niyang bata, mabuti na lang kay Harry nagmana at hindi sa'kin.
Then I suddenly remember Harry
Muli kong sinilip ang cellphone ko pero wala pa rin siyang reply! Nakakainis! Kakalbuhin ko talaga 'yun pagdating dito! Pero hindi na ko makapaghintay, gusto ko talaga ng blueberry cheesecake.
Alam ko na!
"Baby, gusto mong puntahan si Daddy?"
"Opo, Mommy! Opo! Opo!" Excited siyang nag-nod habang yakap-yakap ako. At syempre na-excite na rin ako dahil magagawan na niya ko ng blueberry cheesecake! Kailangan niyang ihinto lahat nang ginagawa niya para sa'kin! Kahit pa nasa gitna siya ng operation, kahit pa ililipat na lang 'yung puso sa pasyente, wala akong pakealam! Kailangan ko nang blueberry cheesecake!
INUTUSAN ko ang yaya ni Hardy na siya na ang magpaligo kay Hardy dahil maliligo pa rin ako at mag-aayos. Nagde-demand pa si Hardy na ako raw ang magpaligo sa kanya pero ayoko. Matatagalan pa kasi kami lalo, eh, nangangati na ang tiyan kong makakain ng blueberry cheesecake.
Wala akong ibang nasuot kung hindi 'yong maternal dress kahit pa ayokong isuot 'yun. Ayun na lang kasi ang kasya sa'kin, eh. Hindi na magkasya 'yong mga pants and skirt ko kasi nga ang taba ko na. Kahit 'yong mga blouse ko hindi na magkasya. Ang taba taba ko na! Ang laki ng braso ko. Almost five months pa lang ako ng lagay na 'to pero grabe na ang itinaba ko.
Nang natapos na kami ay sinundo ko na si Hardy sa kwarto niya at mas excited pa siya sa'kin.
Nagpahatid kami sa driver dahil hindi namang pwede ako ang mag-drive dahil baka mamatay kami. I texted Harry na pupuntahan namin siya sa OPD pero hindi pa rin siya nagre-reply. Bahala talaga siyang magulat mamaya pagdating namin doon.
Unang bumungad sa'min si Mrs. Perez, Andun din si Rod at ang isa pang resident doctor ng Surgery.
"Nanay Rosaaaaaa!" Excited na tumakbo papunta kay Mrs. Perez si Hardy. "Hello pooo! Si Daddy?"
"Aba't ang gwapo gwapo naman ng Hardy namin." Kinurot niya ang pisngi ni Hardy. "Andun ang Daddy mo sa loob," tumingin siya sa'kin, "kaya lang may pasyente siyang inaasikaso. Gusto mo bang hintayin na lang siya dito, hija?"
"Ayoko po," deretsahan kong sagot sa kanya. Ayoko naman talagang maghintay. Summer Dianne pag-aantayin? Duuuuh?!
Napailing na lang si Mrs. Perez habang nangingiti. "Sige na, pumasok na kayo sa loob."
Pumasok na kami sa loob, sobrang excited ni Hardy na akala mo sampung taon na ang lumipas nang huli niyang nakita ang Daddy niya.
"Teka nga lang, Hardy. Calm down please."
"I can't! I can't!" Bahagya pa lang nabubuksan ni Hardy ang pinto ay nakarinig agad kami ng impit na ungol! Pamilyar na pamilyar sa'kin ang ungol na 'yon! Halos dalawang buwan na ring pabalik-balik ang pusang gala na 'yon!
"Huh? Is that a cat?"
Napaubo ako sa sinabi ni Hardy. Sabi na nga ba at pusanggala ang babaeng iyon!
Umupo ako sa harap ni Hardy. "Baby, dito ka muna sa labas ha? I'll call you if napaalis na ni Mommy iyong pusa, okay?"
"Okay, Mommy! Make it fast, okay?"
Nang nakalabas na si Hardy ay agad akong tumayo at pumasok sa loob. "Ilang tumor ba ang meron sa dibdib mo at palagi kang nagpapa-check up dito?!" tanong ko kahit may babaeng intern pa na kasama sa loob.
BINABASA MO ANG
Broken Promises [EDITING]
General FictionC O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.