CHAPTER 02: What Does The Dog Say?

19.1K 314 36
                                    

HARRY's

"HARRY..."

"Hmmmm..." Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Dianne mula sa likod at isiniksik ko ang ulo ko sa balikat niya, ang bango bango niya talaga.

"Harry, gising."

"Antok pa ko." I tightened my hug on her waist. "Dianne, ang lamig."

"Umuulan kasi, saka ang lakas ng aircon natin. Puntahan mo si Hardy, baka nilalamig na naman 'yon."

"He's sleeping." I kissed the bridge of her neck. "Bango mo," I murmured on her skin.

"Porke ba tulog hindi na lalamigin? Sige na, puntahan mo na."

"Hng! Oo na..."

Kahit nangingisay na ko sa lamig ay wala kong nagawa kundi tumayo at puntahan si Hardy. Pagpasok ko ay nakita ko si Hardy na balot balot ng comforter at nakabaluktot. I smiled. Though Dianne hate kids, she still has this Mother's instinct.

Pinahina ko ulit ang aircon at ibinaba ko ang kumot ni Hardy hanggang sa bewang niya, baka naman kasi pagpawisan siya. Hinaplos ko muna ang buhok niya at hinalikan sa noo bago ako lumabas.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Dianne at halos manigas na ang katawan ko sa lamig! Hininaan ko rin muna ang aircon, pumunta sa CR bago tumabi kay Dianne. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Makayakap ka, ah! Naghugas ka bang kamay?"

"Hmmm." I can't speak properly dahil antok na antok pa rin ako. I need to sleep; I need to close my eyes badly.

"Nilalamig ka pa?" she asked and I hmmed to her.

"Hug?" alok niya. Umikot siya paharap sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.

What a sweet life is this.


NAALIMPUNGATAN ako nang makapa kong wala na si Dianne sa tabi ko. Idinilat ko ang isa kong mata at wala nga siya. Pumikit muna ulit ako dahil antok na antok pa rin ako.

For boys, waking up is the second hardest thing in the morning. And damn the first on the list of hardest. Dahil doon ay madalas akong napapalo ni Dianne tuwing umaga. But what can I do? You can't blame the hormones and physiological reaction. Lumingon ako sa bedside table para malaman kung anong oras na.

9:00 A.M.

I closed my eyes...then I opened it again.

9 A.M.?! What the fuck?!


DIANNE's

"DIANNE!"

"Ay, Dianne!" Sa sobrang pagkagulat ay nabuhos ko ang pagkain ni Hardy sa mukha niya! Anak ng tinola talaga 'tong si Harry!

"Mommyyyyy!" Tapos sinabayan pa ng iyak ni Hardy.

"Sorry, baby. Sorry. Halika dito kay Mommy." Binuhat ko siya at ikinalong sa lap ko. Kinuha ko ang table napkin at saka pinunasan ang mukha niya. "Sorry, baby. Nagulat kasi si Mommy."

"Okay lang po."

Tinawag ko si Yaya at inutusang pakainin si Hardy dahil kailanganan ko nang puntahan si Harry, naghuhurimintado na kasi sa taas. Mabuti na lang maagang bumalik ang mga kasambahay namin, dapat lang! Lunes na Lunes kaya!

Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong nakasuot siya ng white sando, nakamedyas at naka-brief lang!

"Ano ba, Harry?! Magpantalon ka nga!"

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon