DISCLAIMER:
Ito po ay story nina Harry at Dianne from Make it Real duology. Pero hindi noong mga teenagers pa sila kung hindi ang married life nila. Please be reminded that General Fiction po ang genre nito so expect more mature scenes and offensive words. Also, you can read this without reading the Make it Real Dulogy. Stand alone naman itong story na 'to.
Enjoy reading! <3
_____________________________
HARRY's
"HARRY, pakilinis naman ng mga nakakalat na laruan ni Hardy." Hindi pa nagla-landing ang pwet ko sa upuan ay narinig ko ulit na inutusan ako ng napakaganda kong Misis na si Dianne.
Tumayo na ako at pinuntahan si Dianne sa playroom at nakita kong nakakalat nga ang mga laruan ni Hardy. Lumapit sa'kin si Dianne at agad niyang pinulupot ang mga braso niya sa leeg ko, at bilang tugon, I encircled my arms around her waist. "Ano ulit ang pinag-uutos ng napakaganda kong Misis?"
"Hmmm...pakilinis naman nitong playroom, please?"
Just liked the old times, parang nasa karerahan ang puso ko kapag ngingitian niya ko. Dianne used to be my crush, she used to be my girlfriend, and now she's my wife, and the mother of my children, but still, andito pa rin ang tinatawag nilang "sparks". She's still capable of bringing butterflies to my stomach.
"Huy! Natulala ka na?"
"Ha? Ah...Eh...Yes, Ma'am! Masusunod!"
"Yey! Thank you!" and she kissed me on my cheek before she left.
Napahawak ako sa pisngi ko at napangisi. Kung bawat utos ba naman ni Dianne, halik ang kapalit, eh! Sulit!
"Oy! Anong nginingisi mo diyan?"
Nang nilingon ko siya ay inirapan niya lang ako at saka siya lumabas ng playroom.
I can't help but smile. Moody as ever. Minsan sweet, minsan napakasuplada. But what can I do? She's Dianne after all; she's the love of my life, my only one, my first and my last.
PAGKATAPOS kong malinis ang mga laruang nakakalat ni Hardy ay umupo ako doon sa malaking bola at narinig ko na naman ang boses niya.
"Harry, umuulan! Pakikuha naman ng mga sinampay!"
At tumakbo ako nang mas mabilis pa sa kabayo. Pinuntahan ko si Dianne sa backyard at nakita kong nakapayong siya habang kinukuha ang mga nakasampay.
"Honey! Ako na diyan!" Kinuha ko ang payong at pinapasok ko na siya sa loob, and like what I said a while ago, ako na ang kumuha ng mga sinampay.
Bukod sa ulan, ang lakas din ng hangin! Pakiramdam ko maiihi ako sa lamig. Naalala ko 'yong pinanood namin sa sinehan nina Dianne at hardy last week, 'yong Frozen.
Para sabayan ang panahon, kumanta ako. "Let it go! Let it go! Can't hold it back anymoooooooo—"
"Harrrryyyyyyyy! 'Wag kang kumanta! Baka matuluyan 'yang ulan, maging bagyo paaaaa!'
"Sorry!" sigaw ko pabalik.
"Sinisigawan mo ba ko?!"
"Hindi, Honey! I love you!"
"Tse!"
Napailing ako at napangiti. I can call the administrator of Book of Guinness World Record right now and make Dianne as the Moodiest Woman Ever Existed. Good thing I can handle her, emotionally...and physically. Hehehe.
BINABASA MO ANG
Broken Promises [EDITING]
Ficción GeneralC O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.