HARRY's
BIRTHDAY? Birthday ngayon ni Dianne? Sunod-sunod akong napakurap, at inisa-isa kong prinoseso ang mga pangyayari.
Tama si Hardy, birthday nga ngayon ni Dianne. April 3 ngayon.
Shit! Bakit ba nakalimutan ko ang tungkol dun? Tapos sa April 6, birthday ko naman.
Tinignan ko silang dalawa, nakaupo si Dianne at yakap-yakap si Hardy. Hindi ko sila kayang tignan nang matagal.
"Pupunta na ko sa police office." Ayun lang ang tanging nasabi ko at saka na naglakad palayo.
I can't face the two of them especially Dianne. Every year, I have a surprise for Dianne's birthday. There were times na nauubusan na ko ng idea. Kahit pagod ako, kahit busy ako, I still manage to surprise her. Kahit hectic ang sched, basta may maregalo ako sa kanya, basta ma-celebrate lang namin, basta makita ko lang ang ngiti sa labi niya. Mababaw lang naman ang kaligayahan niya.
But right now I want to kill myself for forgetting an important occasion. Makakalimutan ko ang birthday ko pero hindi ang birthday niya.
Pumunta ko sa condo kung saan naron ang unit ni Natalia. Not to visit her and have fun with her, but to get my car on the parking area. Iniwan ko kasi dito ang kotse ko at sumabay na lang sa mga police kanina. Walking distance lang naman ang condo sa hospital.
I hopped in inside pero hindi ko agad 'to pinaandar. I just stared at nothingness.
Her birthday... today is her birthday pero nabalewala ko lang iyon. She might be hurting. No, she is really hurting. Kaya siguro pumunta sina Christine and Jeriko sa bahay, kaya siguro tinanong ni Chloe at Rod kanina kung anong plano. Nagtataka pa ko kung anong plano ang sinasabi nila.
Along came that orphanage. Of all places na pwedeng maging hideout ng mga kidnappers, bakit doon pa sa orphanage na 'yon? That was the orphanage kung saan ako namalagi for 2 years when I was 7 or 8. Hindi ko akalaing nasunog pala 'yon. How about my friends there? Ni hindi ko na nga maalala ang pangalan at mga mukha nila.
And worse, 'yong mastermind nang pag-kidnap kay Hardy...ay si Nanay Rosa. I really can't believe this. Just when I thought that she's in province, there she was, torturing my son. Is this the reason kung bakit panay ang hingi niya ng sorry nang nag-resign siya?
Does it mean, pinagplanuhan ito?
Mababaliw na ata ako...
Pinaandar ko na ang sasakyan nang tawagan na ko ng police at papuntahin sa station.
PAGKARATING ko roon ay nakita ko ang dalawang lalaki kanina without their mask, at si Nanay Rosa. Na-ospital kasi 'yong isa dahil nga nahulog siya sa hagdan.
The anger forming inside my chest overpowers me. Agad kong sinugod si Nanay Rosa at sinigawan. "Paano niyo nagawa sa'min 'to?! Pinagkatiwalaan ka namin! Tinuring kitang parang tunay na ina! Nirespeto ka namin pero hindi mo man lang nirespeto ang pamilya ko!"
Pinipigilan ako ng mga pulis pero hindi na ko mapigilan pa, galit na galit na talaga ko.
Then she smirked. Namilog pa ang mga mata ko dahil sa gulat. She's not the Mrs. Perez I've known before. Ang kilala kong Mrs. Perez ay mabait, maamo, masayahin, kaya nga't nagustuhan siya ni Hardy. But the Nanay Rosa I am facing now is a monster.
"Usapang respetuhan ba?" tanong niya. "Bakit ikaw? Nirespeto mo ba ang pamilya mo?"
Napalunok ako. Anong alam niya? Bakit pakiramdam ko ay napakadami niyang alam?
BINABASA MO ANG
Broken Promises [EDITING]
Fiksi UmumC O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.