CHAPTER 21: It Was Me Who...

9.4K 149 25
                                    

HARRY’s

KANINA pa ko naghihintay dito sa resthouse kay Dianne pero hindi pa rin siya dumadating. Hindi naman ako makaalis para hanapin siya dahil umiyak kanina si Arianne, at baka magising na naman. Hindi ko rin tuloy mapuntahan sina Yaya.

Nakailang silip na ko sa terrace pero wala pa rin si Dianne. Tinawagan ko rin siya pero hindi niya sinasagot. Paikot-ikot ako dito, palakad-lakad. Kinakabahan, natatakot, ninenerbyos, nababaliw.

What if Natalia told Dianne everything? The stag party’s secret, the almost sex a while ago at the comfort room? Paniguradong magagalit nang husto sa’kin si Dianne. Ni hindi pa nga kami fully recovered about what happened to us tapos ito na naman? Panibagong problema na naman?

I wanted to prepare my speech for later’s interrogation, I wanted to explain myself. Pero hindi ako makapag-isip nang maayos dahil ang daming tumatakbo sa isipan ko. Dianne might loathe me. This might turn into something big, something unforgivable, something that is worse like breaking up. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. We are family, we are husband and wife; we made a vow that we’ll be together not only during the better but also during the worse.

Muli akong pumunta sa terrace to check if she’s already here and I was right. Andito na nga siya, and she’s with another man. He seems so stranger to me pero familiar ang mukah niya. I know I already met him before.

Mabilis na dumaloy sa sistema ko ang selos. Sa tinagal-tagal kong naghihintay dito sa kanya malalaman ko lang na may kasama pala siyang ibang lalaki? At sino ba ‘tong lalaking ‘to?

Agad ko silang pinuntahan. “Dianne!” sigaw ko bago pa man ako tuluyang makalapit.

Napalingon sila sa’kin. Saka ko lang naaalala kung sino ‘tong lalaking ‘to. Siya ‘yung lalaking kasama ni Natalia noong isang gabi. Lalo akong nagalit. Halatang walang alam si Dianne sa kung sino ba ang lalaking kinikisamahan niya. Lalo akong nainis doon sa lalaki.Una si Natalia, tapos ngayon ay si Dianne ang pupuntiryahin niya?

Agad akong naglakad palapit kay Dianne at hinawakan siya sa pulso niya. “Ba’t ngayon ka lang? At sino ‘tong kasama mo?” Hindi ko napigilan ang galit ko.

“Pre, nakakasakit ka,” sabi ng lalaki sa’kin pertaining to the way I held Dianne’s wrist.

“Back off! Hindi ka kasali dito!” Agad kong hinila si Dianne papasok sa loob ng bahay.

“Ano ba?! Nasasaktan ako!”

“Pre, ‘wag ka namang manakit ng babae!”

“I told you to back off!” sabi ko sa lalaki bago ko pa mahila si Dianne sa loob ng resthouse.

“Ano ba?!” Agad na kumawala si Dianne sa pagkakahawak ko mula sa kanya nang makapasok kami. “Anong problema mo?!”

“Sino ‘yong lalaking ‘yon? At bakit kasama mo siya? Bakit kung kani-kaninong lalaki ka na lang sumasama?”

“Pwede ba, Harry?! Wala kaming ginagawang masama! He’s just my companion!”

“What the fuck?! Companion? ‘Wag mo nga akong gaguhin!”

“Ha! Look who’s talking? Let me just tell you, Harry, kahit kailan hindi kita ginago! Ang lakas ng loob mong pagbintanagan akong may ginagawa akong masama when all along, it was you who keeps on betraying me all the time! It was you who keeps on lying! It was you who made me look like a fool! ‘Wag mong baliktarin ang lahat! Kasi ako? Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo, taas-noo, na kahit kailan hindi kita niloko! Na kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa’yo! Ikaw? Kaya mo ba?”

Dito ako natauhan. Lalo pa nang makita ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha niya mula sa mga mata niya patungo sa pisngi niya.

I held my nape, I frowned, my brows furrowed, and I sobbed. “I’m sorry. I’m sorry,” sunod-sunod kong pagmamakaawa sa kanya. Tama lahat nang sinabi niya. Ako ang may pagkukulang, ako ang nagkamali, ako ang nananakit pero ako ngayon ang umaakto na parang biktima.

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon