Ill Fated Bride (Niall Horan)
© Hardheadeddouche
Continuation..
~~
After crying for almost a week dahil sa pagkamatay ni Zayn, pag kalimot sa akin ni Liam pati ng hindi na talaga pag galing ni Harry mula sa sakit nya. Tingin ko naubos na rin ang luha ko.
Ang sakit na ng mata ko. Crying over boys in sucks!
And crying over and over and over again will make me go insane.
"Ano! Hindi kana mag aasawa?!" Sigaw ni Gem at Walter sa akin. Tumango lang ako ng wala sa sarili.
"Hindi ko na kayang mapahiya pa. Tama na yung apat na wedding gown, apat na simbahan at apat na dapat groom ko. Nakakadala kaya try nyo and besides wala ng aatend sa kasal ko." Nagtaklob ako ng kumot, bakit ba kasi sila nandito? Kitang nagmumukmok ako sa pagiging failure kong makahanap ng mapapangasawa at nagbabadyang pagiging old maid ko pupunta sila rito at manggugulo.
"Edi sa judge kayo magpakasal."
"O kaya wag na magpakasal, lived in nalang kayo!"
"Sira napakaimoral mo! Dapat ikasal syempre anong sasabihin ng daddy nyang si Isme!?"
"Sabagay. Pero don't loose hope sister makakahanap ka rin."
"30 na ko next month." Singit ko sa pag uusap nila.
"Tama! Kaya nga wag ka mawalan ng pag asa. Nasa kalendaryo ka pa." Napahagulgol ako sa sinabi ni Gem. Kahit kaylan talaga tong babae na to.
"Gagawa tayo ng paraan, we'll go to different kinds of date, we'll search for the right guy who'll end that curse."
"Maganda ka. Sayang ang lahi."
"Magmamadre nalang ako." Kibit balikat ko. Maybe that could be my last resort. Kaso parang ang pangit naman ng dating.
*Babae, apat na beses na hindi natuloy ang kasal dahil may sumpa kaya nagmadre nalang.*
~~
Pero dahil na rin sa kulit ng mga kaibigan ko napapayag nila ko.
Naghanap sila ng 'tamang lalaki' daw.
Months and months had passed pero wala pa rin.
"Kasi naman Isme bakit mo sinasabing namamatay ang lalaking magtatangkang pakasalan ka?" Umiling nalang ako. Hindi kasi nila naiintindihan ang gusto kong mangyari.
Na gusto kong matanggap ako ng kung sino mang lalaki yon sa lahat ng anggulo. Kahit pa ang nagbabadyang panganib bago ang kasal o ng mismong kasal ay ipinaaalam ko lang. Ayokong maging sinungaling and besides this is some sort of test for those guys.