Ill Fated Bride (Niall Horan)
© Hardheadeddouche
Continuation..
Napagdesisyunan namin ni Niall na iset ang wedding namin after two months compared sa ibang kasal na nangyari na sa buhay ko mas mabilis ang preparation nito dahil 2 months span lang ang oras namin para matapos ang lahat para sa wedding preparation para matuloy ang kasal sa mismong petsa na sinet namin.
Gem and Walter are the most busiest when it comes to our wedding. Sila ang halos gumagawa ng lahat para maging perfect at kakaiba ang kasal na to kaysa sa iba and I'm very happy because they are my bestfriends.
"The wedding gown for you Isme is finally done and for the tux for Niall of course tapos na rin." Nakangiting bungad samin ni Gem ng makarating kami sa boutique nya.
"The other gowns for the rest are still on process pero don't worry by the end of the week matatapos na rin yon." Dagdag nya, when it's comes to work masyado syang dedicated at hindi mo pagkakamalan na isa sya sa mga loka loka kong kaibigan.
"You don't need to rush it Gem, we still have three weeks. Parehong pareho kayo ni Walter, seriously excited pa kayo sakin." Komento ko.
Tumingin ako kay Niall at nakangiti lang ito sa akin.
Gem works on the gowns and tux for everyone, whilst Walter on the other hand is working on the church, flowers, reception, the coverage and etc. pakiramdam ko nga wala na kaming ginagawa ni Niall to think na kasal namin ito.
"You know we can help." Nginitian lang ni Gem si Niall dahil sa sinabi nito. Niall feel the same way like mine and it's kinda boring na wala kaming ginagawa.
Tinignan lang kami ni Gem bago tanggalin ang reading glasses na soot nya. "You guys already share your parts, nagbigay na kayo ng list para sa mga invites, nagbigay na kayo ng ideas para sa gown and tux, nagdecide na kayo kung kelan ang mismong date at kung saang church at kung saan ang reception, nag food tasting na kayo, namili na kayo ng color and theme, namili kayo ng flowers, cakes, wedding singer, brides maids, best mans, ring bearers, flower girl, ninong at ninang. Alam nyo yon?" Kibit balikat nya.
Nagtanong sila oo, pero hindi nila kami hinayaang tumulong maliban nalang pag nagsabi sila.
"We love you so much Isme and that's why Walter and I making this perfect for you and Niall." Lumapit ako sakanya at niyakap sya sa leeg mula sa likuran. "Ang swerte swerte ko sainyo. Thank you." Tears flowing on my eyes but I can't stop myself from smiling. I'm just thankful na kaibigan ko sila.
"Oh tama na ang drama te, humayo na kayong dalawa dahil magshoshooting pa kayo para sa prenuptial nyo tapos mag papractice pa kayo sa inyo nung steps nyo sa waltz."
~~
Natapos ang prenup video namin ng nakangiti. I never tried that before and it's very enjoying.
"I can't wait anymore Isme, parang gusto na kitang pakasalan bukas na bukas." Bulong nya sakin habang nagpapractice ng waltz dance namin para sa reception.