Ill Fated Bride (Niall Horan)
© Hardheadeddouche
Continuation..
The date last night with Mr. Niall James Horan is great. I enjoyed it. It's one of the best date ever. Even though we are not really and even close to together.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan ang pag ngiti ko. Lalo na sa tuwing mag-e-echo sa utak ko ang mga sinabi nya.
"Don't be sad. Don't blame it to yourself kung bakit nangyayari ang mga yon, it's not your fault. Bad luck and curse are not real, not even close to real."
"Siguro sadyang hindi lang sila ang tamang lalaki para sayo. It all happened for a reason Isme don't loose hope."
Umikot ikot ako sa kama. Sunday ngayon at mamaya maya lang ay magsisikatukan na sa kwarto ko ang dalawang pasaway na yon at makikibalita. Kung kakatok pa sila bago pumasok.
Inabot ko ang phone ko sa side table at tinignan ang mga messages. Karamihan ay mula sa sekretarya ko at sinasabi ang mga appointments ko bukas, ang iba mula kay Dad at Mom na nangangamusta, ang iba mula kay Gem at Walter na nagsasabing papunta na sila at may dala silang food at drinks para sa celebration, as if naman papakasalan ako ni Niall kung makapag celebrate sila. And the last one is from.
*Hey goodmorning. Eat your breakfast okay? Wishing you a good day ahead. - Niall James Horan*
I smile before replying pero pipindutin ko palang ang screen ng phone ko ng biglang bumukas ang pinto at magtalunan sa kama ang mga pasaway kong mga kaibigan.
Argh! These people!
"What happened?" Bungad ni Walter.
"Magdedesign na ba ko ng wedding gown para sa kasal nyo?" Tili ni Gem habang nagtatatalon. She's a wedding gown designer. Natawa lang ako at binitawan ang cellphone ko.
"Nag enjoy kami sa Luneta kagabi. Well he's a good company to be with. We're friends." Kibit balikat ko na dahilan para mapatili sila.
"O my gashhhhh. This is it! I'm happy for you sis!"
Medyo beyond OA na ang reaction nila sa sinabi ko palang ng kwinento ko sakanila ang mga nangyari mas u OA pa ata sila. Nakangiti daw ako habang nagkekwento ng mga nangyari.
Sinabi ko rin sakanila ang tungkol sa pagsasabi ko kay Niall ng tungkol sa pagiging bigo ko sa pagpapakasal pati na rin ang pagkibit balikat lang ni Niall tungkol dito.
He's special, I believe on that. He don't believe in curse and bad luck unlike those previous one that I dated, unlike me. Hindi nya inisip na baka magkaroon rin sya ng Alzheimer's disease o mamatay bago mag I do. Pinagtatawanan nya ang mga failures ko pero hindi ako naooffend.