Chapter 01
First day of school in Manila High School, June 16, 2009. Isang masayang araw para sa mga fourth year high school dahil ito na ang huling paghihirap nila sa high school lalo na si Jomarie.Tatlong taon na si Jomarie sa fourth year at nagsasawa na sya sa mga lesson at ganoon din sa mga teachers niya, tanging mga klasmeyt nya lang ang nagbabago.
Ang lungkot ng buhay high school niya ng mga nagdaang taon dahil iniwan na sya ng mga kabarkada niya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla nagbago ang takbo ng buhay niya ng makilala niya si Jiemarie. Papunta sina Jiemarie at ang mga kaibigan nito sa kanilang classroom ng may hindi sinasadyang nakabangga sa kanya ay nahulog ang mga dalang gamit ni Jiemarie.
Nang sabay silang pumulot ni Jomarie ...
“Sorry hindi ko sinasadya, hindi kasi kita nakita eh.” ang sabi ni Jomarie. Doon ay nagkahawak sila ng kamay. Matagal silang nagkatinginan tila may mga dagang naglalaro sa kanilang mga puso at may mga kuryenteng dumadaloy sa kanilang buong katawan.
Hindi nila alintana ang mga taong nagdadaan at ang mga nakatingin sa kanila hanggang sa mapansin ito ni Jiemarie, agad siyang tumayo, sumunod naman si Jomarie at binitawan na nito ang kamay ni Jiemarie.
“Sorry talaga! Nasaktan ba kita?” tanong ni Jomarie dito
“Hindi, okay lang ako.” tugon naman ni Jemarie
Umalis na si Jiemarie kasama ang mga kaibigan, ganoon din si Jomarie.
“Bes, ang gwapo niya oh, klasmeyt ba natin siya? Sana lang.” ang sabi ni Janet habang kinikilig.
“Hindi naman, cute lang!” pagpapanggap nito ngunit tila namumula sya. Guwapo si Jomarie, maputi, matangkad, ‘yun nga lang tamad mag-aral.
“Wusus, bakit kanina makatitig ka wagas!!” ang sabi naman ni Charie at sila ay tumawa.
“Hindi kaya, baka kayo.”
“Guys, speaking of the angel, andiyan na siya.” at sabay-sabay silang tumingin dito.
Dahan-dahan namang dumadaan si Jomarie na tila nagpapacute pa ito ng biglang pumasok ang kanilang teacher.
“Mr. Robles, baka gusto mo nang maupo, nahiya naman ako sayo.” ang sabi ng kanilang guro. Di naman napigilan ng iba na tumawa.
“Okay class, dating gawi. Kumuha kayo ng ¼ sheet of paper, isulat ang pangalan, tirahan at ang pangarap ninyo pagkatapos ninyo ng kolehiyo. At isa-isa kayong magpapakilala dito sa harapan. Ako nga pala ang magiging teacher ninyo sa Filipino, I’m Gng. Mercado.
-Maaari na kayong magsimula.” pagpapatuloy ng tchr. nila
“Guys, papel daw!” ang karamihang maririnig sa iba. Madali naman silang natapos sa pinapagawa sa kanila.
“Class, tapos na ba? Bakit maingay na? Sige, ipasa na ang ¼ paper.” at unti-unti itong pinapupunta sa harapan. Unang tinawag si Jomarie, lakas loob itong pumunta sa harap.
“Good Morning Ma’am! Good Morning Classmates! Ako nga pala si Jomarie Robles, 18 years old, nakatira sa malapit lang dito. Simple lang naman ang pangarap ko, ang maging magaling na chef someday, mahilig kasi ako sa mga food lalo na pag luto ni mama.” sabi niya at naka ngiti pa ito sa mga kamag-aral.
“Jomarie motto mo!” sigaw ni Elena.
“Motto? Huwag na, hindi na kailangan nun.” ngunit nagpupumilit ang mga kamag-aral niya.
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL DAYS
Short Story( This is the work of my bestfriend, I just want to share it to all of you whose gonna read this. That's all. )