Chapter 05
Maagang pumasok ang dalawa, hinintay ni Jomarie si Jiemarie sa labas ng gate ng school nila at sabay silang nagtungo sa classroom at tila ayaw nilang maghiwalay. Habang papasok ay nakatingin ang mga kaibigan at classmate nila sa kanila.
"Nice! Ang sweet, ang lakas makalanggam, mukhang may something sa inyo ah." salubong ni Janet sa kanila
"Mahal lang talaga namin ang isa't isa at kami na nga pla." sabi ni Jomarie at naghiyawan naman ang buong klase.
"Sabi ko na nga ba eh, bagay kayong dalawa." wika ni Kia
"I'm happy for you bes." lumapit naman sa kanila si Charie at sinabi ito nang nakayakap sa kaibigan.
Buong klase ay magkatabi ang dalawa ni walang sandali na hindi sila masaya, dama ng buong kamag-aral nila ang pagmamahal nila sa isa't isa. Samantalang unti-unti namang napapalapit si Charie kay Michael.
Uwian na nila at hindi na nagtungo si Jiemarie sa bahay nila bagkus ay hinintay nya ang pagdating ni Michael sa labas ng bahay nito. Di nagtagal ay dumating na ito at nakita si Jiemarie na naghihintay roon.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong nito
"Hinihintay ka, gusto kasi kitang makausap."
"Para saan pa? Diba, hindi mo na ako kailangan, may Jomarie ka na."
"Michael, iba si Jomarie at iba ka. Mahalaga ka sa akin kasi bestfriend kita, miss na miss na nga kita eh. Please, ibalik na natin ang dati, ayoko na ng ganito." sabi ni Jiemarie habang umiiyak ito; pinupunasan naman ni Michael ang luha nya.
"Miss na miss na rin kita pero may Jomarie ka na. Hindi ako katulad ni Jomarie na unang kilala mo pa lang ay minahal mo na agad, hindi ko kaya gawin yung mga ginagawa nya sayo kaya hindi mo na din kailangan ang walang kwentang katulad ko."
"Kailangan kita Michael. Please, hwag mo naman gawin ito. Hindi buo ang kasiyahan ko pag wala ka sa buhay ko." sabi ni Jiemarie, sabay yumakap kay Michael
"Sige na. wag ka nang umiyak, hindi pa naman ako mamamatay eh." biro ni Michael
"Tara na, ihahatid na kita baka kung ano pa sabihin ng mga tao dito." dugtong pa ni Michael
"Nakakainis ka! Ngayon na nga lang ulit tayo nagsama tapos papauwiin mo na agad ako. Ayaw mo na ba akong makasama?"
"Kung ako lang ang masusunod, gusto ko habang buhay kitang makasama."
"Weeh? Baka si Charie ang gusto mong makasama?"
"Nagseselos ka noh? Aminin!!!" at tumawa ito.
"Hindi noh, bakit ako magseselos? Ehh, ako kaya ang mahal mo."
"Hehehe, ikaw lang naman ang hindi nagmamahal sakin eh."
"Hindi kaya! Mahal kita kasi bestfriend kita."
"Hanggang kailan mo naman ako magiging bestfriend?"
"Habang buhay."
- - - - -
Kinabukasan ay nasa library si Jomarie, busy sya sa mga lesson niya at assignment. Unti-unti nang tumataas ang mga grade nya at nagsisispag sa pag-aaral dahil kay Jiemarie
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pla. Busy ka ba ?" tanong ni Jiemarie.
"Ginagawa ko lang itong mga assignments naten. Saan kayo nagpunta ni Charie?"
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL DAYS
Short Story( This is the work of my bestfriend, I just want to share it to all of you whose gonna read this. That's all. )