Chapter 02

37 0 0
                                    

Chapter 02

Friday Morning, malakas ang buhos ng ulan tila may nagbabadyang bagyo, hinihintay ni Jiemarie ang paghinto ng ulan bago pumasok. Tinamad naman ang mga kaibigan niya dahil sa malamig na panahon at masarap matulog. Inis na inis si Jiemarie dahil wala ang mga kaibigan niya at malakas din ang ulan at hindi niya sinasadyang mawala ang dala niyang payong.

Naghihintay siya sa may gate na huminto ang ulan, samantalang naglalakad naman si Jomarie ng Makita niya si Jiemarie na nakatayo sa gate at nilalamig na, ngumiti siya sandal at nilapitan niya ito.

“Tara, hatid na kita, mukhang nilalamig ka na diyan.”  sabi ni Jomarie at pinayungayn siya nito.

“Huwag na, malapit na rin siguro tumila ang ulan.”

“Naku,paano mo naman nalaman, nagtext sayo?”  ngumiti si Jomarie at salubong naman ang mga kilay ni Jiemarie dahil mukhang napapahiya siya sa kinaroroonan.

“Kung ako sayo, sasabay na ako pero kung gusto mong maghintay ng matagal, ok lang.”  dagdag pa ni Jomarie.

Kahit napilitan ay pumayag nang sumabay si Jiemarie kay Jomarie. Sa daan, ay iba ang nararamdaman ng dalawa, pabilis ng pabilis ang tibok ng kanilang puso na tila gustong sumabog, hindi na nila kayang pigilan ang kanilang nararamdaman.

“Sayo muna iyan, tatakbo na lang ako.”  at tumakbo na nga si Jomarie papalayo.

Naiwan naman si Jiemarie na mag-isa dahil hindi na kaya pang itago ni Jomarie ang kaba niya nang habang magkasilong sila sa payong.

Nakauwi na si Jomarie ng basang-basa sa ulan.

“Bakit basing-basa ka?”  tanong ng kaniyang ina.

“Pinahiram ko po kasi iyong payong ko eh.”  sagot naman ni Jomarie na halos manginig ang katawan sa tindi ng lamig.

“Baliw ka talagang bata ka. Ito ang tuwalya maligo ka at baka magkasakit ka niyan sa ginawa mo.”  sabay abot ng tuwalya kay Jomarie at nagtungo na ito sa banyo para mabanlaw.

- - - - -

Si Jiemarie naman ay maayos na nakauwi sa kanila at tulad ng inaasahan niya, lasing na naman ang kaniyag amain. Agad siyang nagbihis at kumain. Pagkatapos ay nagtungo sa kaniyang kuwarto at nahiga. Wala nang ibang pumasok pa sa isip niya kundi si Jomarie.

“Hindi Jiemarie. Hindi ka inlove sa taong iyon, hindi pwede kasi mayabang siya at hindi siya ang lalaking gusting m. Hindi pwedeng mahalin mo siya Jiemarie, hindi!”  ang sabi nito sa sarili habang ganoon din si Jomarie.

“Malabong mangyari ito, wala akong nararamdaman sa kaniya, hindi ang tulad niya ang magpapa ibig sa akin, malabo talaga.”  ang sabi naman ni Jomarie sa sarili at ngumingiti mag-isa.

Nagring ang cellphone ni Jiemarie. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag ni Michael.

“Hello.”  ang sagot ni Jiemarie.

“Hello Jiemarie, kamusta?”  tanong ni Michael.

“Okay lang naman, ikaw?”

“Okay na, nakausap na kita eh.”

“Sira ka talaga, anong meron at tumawag ka?”

“Wala lang, miss lang kita. Lakas kasi ng ulan sa labas, sana nandito ka para hindi ako nilalamig.”

“Baliw! Ano ako apoy?”

“Oo, nag-aalab ka sa puso ko eh, tsaka para may kayakap ako.”

HIGH SCHOOL DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon