Chapter 08 - Last Part

15 1 1
                                    

Chapter 08

Isang taon na ang nakalilipas ng namatay si Jiemarie datapwat ramdam pa rin nila ang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

"Hanggang kailan mo papahirapan ang sarili mo Michael?" ang sabi ni Charie

"Hanggang buhay ang alaala niya sa puso at isip ko."

"Patay na si Jiemarie, tanggapin mo na iyon at kahit na kailan hindi na sya babalik." sabi nito habang umiiyak.

"Sana, ganoon lang kadali iyon. Sana ganon kadaling tanggapin pero hindi, hindi Charie! Habang nakikita ko yung mga bagay na nagpapaalaala sa akin sa kanya hindi mawawala ang sakit na nandito sa puso ko."

"Michael, nandito pa ako! Hindi mo ba nakikita? Kahit alam kong panakip-butas lang ako sayo, ako naman ang tumatakip sa sugat ng puso mo. Mahal kita Michael, yun lang ang pagkakamali ko."

Niyakap siya ni Michael at sabay sabing:

"Hindi pagkakamali yan, pwede bang maghintay kang humilom muna ang mga sugat sa puso ko."

Habang si Jomarie naman ang hindi pa rin makamove-on ay lagi niyang napapanaginipan si Jiemarie na humihingi ng tulong sa kanya ngunit wala siyang magawa para tulungan ito.

"Lahat na yata ay nakalimot na, ikaw na lang ang hindi pa." sabi ni Renz sa kanya

"Bakit ganoon? Masaya naman kami, bakit kailangan mangyari pa yun, masama ba akong tao? Bakit lahat ng mga mahahalaga sa akin ay nawawala?!"

"Hindi, hindi ka masama. Pagsubok lang lahat ng iyan para maging matatag ka, minsan may tao talagang darating sa buhay natin at biglang mawawala pero ang bagay na iyon ay may mga bawat dahilan." paliwanag nito.

"Pero bakit sobra na ang sakit, kulang na lang madurog na ang puso ko."

"Marami pang babae Jomarie, marami pa ang kayang pasiyahin ka, habang may buhay may pag-asa, huwag mong alisin sa sarili mo iyan. Marahil nga na sobra mo sya mahal pero ang totoo hindi dahil hindi mo sya kayang palayain diyan sa puso mo tulad ng sinasabi ko sayo na, ang panahon ang gumagamot sa mga sugat natin at tsaka sapat na ang isang taon para maghilom iyan."

- - - - - - -

Anniversary na ni Jiemarie ngayon, maaga pa lang ay naroroon na si Jomarie sa puntod nito. 'Di katagalan ay dumating na rin ang mga kaibigan nila.

"Nauna ka ata dito ah." sabi ni Mau.

"Bes, kamusta kana? Alam ko na masaya ka na kung saan ka man ngayon. Bes, may sasabihin ako sayo, kami na nga pala ni Michael, masaya ka ba? Diba, iyon ang gusto mo saming dalawa." bungad ni Charie sa puntod ni Jiemarie nang pagkadating nila.

Pagkatapos ay nagdasal na silang magkakaibigan, at doon na rin kumain.

"Michael at Charie, kailan ang kasal? Dapat mga abay kami ah." sabi ni Jomarie, tumawa naman sina Charie

"Kasal agad?! Kahapon nga lang naging kami eh." sabi naman ni Michael.

"Mga bes, bakit hindi tayo magbakasyon?" sabi ni Joy.

"Saan naman?"

"Sa province namin, marami kaming lupa dun." dagdag pa nito

"Talaga? Baka lupa sa paso." biro ni Janet, tawa naman sila ng tawa.

"Sira, hindi kaya."

"Huwag nga kayong ganyan, meron naman talaga silang lupa." sabi naman ni Michael.

"Ang dami ninyong alam. Jiemarie ang mga kaibigan mo, ang daming plano sa buhay, hindi ka man lang sinasama." sambit ni Jomarie.

"Syempre kasama si Jiemarie, diba bes?!" dagdag pa ni Jeanelle.

Lumubog na ang araw ng mga sandaling iyon ngunit ang pagkakaibigan nila ay hindi magwawakas kailanman.

Ilang taon din ang nakalipas, grumaduate sila ng kolehiyo sa mga kursong kinuha nila. Hindi man sila pare-parehas ng kagustuhan pero nananatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't isa. Ilan sa kanila ay may sarili nang business na inaatupag at ang iba ay may kanya-kanyang trabaho na.

Kada taon ay hindi nila nakakaligtaan na mag reunion magkakaibigan dahil iyon na lamang ang tanging paraan para magsama-sama muli silang lahat, gayunman, ay dinadalaw nila si Jiemarie sa puntod nito at kinakausap, kinukwento nila ung mga pangyayari na nangyayari sa pang-araw-araw na buhay nila.

Napatunayan ng magkakaibigan na hindi sila susuko sa bawat pagsubok na dumating sila at magtutulungan sa oras na may mangailangan ang isa sa kanila.

================ THE END =================

A/N:

Sorry po if hindi sya ganun kagandang story, but i wish, naappreciate nyo po ito :)) Actually, half or 1/4 of this is true.. Kasi yung mga name ng character ay true name po ng mga frends ko, dun sya nakabase. But, thanks anyway sa mga nagbasa ng story na ito.

HIGH SCHOOL DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon