Chapter 06

17 0 0
                                    

.. PLEASE VOTE  kung favor po kayo sa story na ito, if not, its ok to me :) i'll accept it  .. t.y

Chapter 06

Last subject ang physic dahil wala si Sir Reyes ang P.E teacher nila at tulad ng inaasahan ay nagbago na naman ang lesson nila.

"Okay class, may ikukwento ako sa inyo. Tungkol ito sa babaeng mayaman at matalino ngunit hindi marunong makisama, minsan ay nadapa sya ngunit wala man lang ni isa ang gustong tumulong upang itayo siya. Naisip niya na magbago . Kung kayo sya ano ang dapat ninyong gawin?"  tanong nito tila wala gustong magtaas ng kamay upang sumagot.

"Ohh, bakit ayaw ninyong sumagot? Magbibigay na lang ako ng quiz."  ang sabi nito muli, nagsimula na silang mag-ingay at nagtuturuan kung sino ang sasagot kaya naglakas loob si Jiemarie na tumayo. nagpalakakan ang lahat.

"Sir, kung ako sya, magbabago po ako magiging palakaibigan dahil po ang kaibigan hindi naman  po iyan usang dumarating dapat po tayo ang gumagawa ng paraan upang magkaroon tayo ng kaibigan."  sabi ni Jiemarie, tumingin sya sa mga kaibigan habang pinapalakpakan sya ng mga kaklase.

"Tama sya pero wala naman talagang sagot dyan kasi sarili nya iyon."  ang sabi ni Sir Penaflor, natawa ang lahat sa sinabi nito.

"Ang labo talaga ni Sir"  sabi ni Janet.

Uwian na nila kung kaya't nag-aayos na silang lahat ng kanilang mga gamit.

"Bes, penge ako ng pulbo."  sabi ni Jemia

"Mga bes, ubos na ang pulbo natinn, hindi pa nagpapadala si Mama."

"Ganoon ba, meron pa naman ehh."  sabi naman ni Ruffa

"Tara na guys."  anyaya ni Jomarie at lumabas na sila.

"Parang tanga si Sir Penaflor noh?"  sabi ni Joy habang bumababa sila ng hagdan.

"Oo nga eh, baliwag din yun eh."  dagdag naman ni Janet.

"Hindi na kayo nasanay, bago kayo bago sa kanya."  ang sabi naman ni Jiemarie.

Nasa labas na sila ng gate kaya kanya-kanyang beso na sa mga kaibigan.

- - - - -

Gabi nang nakauwi si Jiemarie dahil tumambay pa ito sa bahay nila Jomarie, sa labas ng bahay nila ay naghihintay si Michael.

"Kanina ka pa ba dyan?"  tanong ni Jiemarie

"Oo, saan ka galing?"

"Kina Jomarie lang, upo tayo."

"Ah ganoon ba. Jiemarie paano kaya pag naging tayo, ano kaya ang mangyayari?!"

"Ewan ko, kamusta na pala kayo ni Charie?"

"Ok lang nman, bakit?"

"Wala lang, pansin ko kasi na nagiging malapit kayo sa isa't isa, kailan mo siya liligawan?"

"Sira ka talaga! Anong liligawan ang sinasabi mo dyan, friend lang kami at ito ang tandaan mo, lumipas man ang maraming taon at lahat ay magbago hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo."  seryosong sabi nito at ngumiti lang si Jiemarie sa kanya.

"Mais ka ba?"

"Bakit?"

"Ang korni mo kasi eh."  at tumawa ito ganoon din si Michael.

"Nasaktan ka ba?"

"Bakit?"

"Nahulog ka kasi mula sa langit eh."

HIGH SCHOOL DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon