A.N. : Plagiarism is a crime. This is work of fiction. The names,places and event is imagination of the author.
Three years had past. I escape for my own happiness. I was scared to know the truth so that why i went to my father. Alam kong mali ang naging desisyon ko. Dapat nakinig muna ako sa paliwanag niya. Sana hinayaan ko munang andyan lang siya sa tabi ko. Eh di sana masaya kaming dalawa ngayon.
"Anak ready ka na bang umuwi sa pilipinas?" Pambungad sakin ni Papa. Hawak na din niya ang lahat ng maleta ko na dadalhin ko pauwi sa pilipinas.
Sa nangyari three years ago. Nagdesisyon akong umalis at iwan ang mga kuya ko sa pilipinas para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Kaya pumunta ako dito sa macau para makasama si Papa. Alam ko mali ang naging desisyon ko pero hindi ako nagsisisi na makita kong muli ang aking ama.
"Yes,Pa. So tara na po." Inakbayan ako ni Papa pababa sa sala. Nadatnan ko doon ang dalawa kong step sister at ang asawa ngayon ni Papa. Tita Amber was kind. She treat me like her daughter. Mababait din ang step sisters kong sina Amniel at Amy. Mas matanda ako sa kanila ng dalawang taon.
Tita Amber hugged me tight. Hindi din niya maiwasan na maiyak dahil uuwi na ako sa pilipinas. Nung nagsabi nga ako sa kanya 2 weeks ago ayaw niya akong payagan. Pero pumayag din siya kagabi nung nagkausap sila ni Papa.
"Andy please take care of yourself okay. Wala na kami ng Papa mo doon. Hindi na kita mapapatahan tuwing umiiyak ka. So please maging malakas ka pag nakauwi ka na." Tita said. She kissed me on the cheek. Lumapit naman samin sina Amy.
"Ate Andy pag nakauwi ka na sa pilipinas mag video chat ka samin ha. Hindi parin ako makapaniwala na aalis ka na." Maluha-luhang saad ni Amy. Nakita ko din ang pagpahid ni Amniel ng luha na tumakas sa mga mata niya.
-----------
Nakasakay na ako sa eroplano. Hindi makapaniwala na sa tatlong taon uuwi na ako. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kuya Andrew? Magiging masaya kaya sila pag nakita na muli nila ako. Si mama kaya? Si Alle. Si Kensy. Si Jhyro. Si Gavin. At si Kenjie? Kamusta na kaya silang lahat?
Ilang oras din ang byahe. Pagtingin ko sa labas ng bintana nasa Philippines Airport na ako. Dali-dali kong kinuha ang mga maleta ko at tatakbo palabas ng Airport. Muntik pa nga akong madapa dahil sa pagtakbo. Sumakay agad ako sa taxi papunta sa bahay.
Sinalpak ko ang headphone sa tenga ko para makaidlip muna. Hindi ako nakatulog sa loob ng eroplano dahil sa excitement. Maya-maya pa ginising na ako ni manong at sinabing andito na kami. Kinakabahan man bumaba parin ako sa taxi at nagbayad. Tinulungan ako ni manong na ibaba lahat ng maleta ko.
Naghintay ako ng ilang minuto bago kumatok sa pinto. Nangingilig ang buong katawan ko dahil sa nerbyos. Maya-maya pa biglang bumukas ang pinto at tumambad sakin si Alle na malaki na ang tiyan. Teka! Buntis siya?! Bakit siya nandito sa bahay?
"A-andy? Ikaw ba yan?" May pagtatakang tanong ni Alle. Tumango naman ako bilang tugon. Halos matumba ako ng yakapin niya akong bigla.
"Oh My God! Hindi kita agad nakikilala. Ang laki na ng pinagbago mo." Mangiyak-ngiyak na saad ni Alle. Walang tigil ang pag-iyak niya.
"Hon akala ko ba bibili ka ng softdri--------BUNSO?!!!!"
Napatingin ako sa nagsalita sa likuran namin. Si Kuya Andrew pala. Bumitaw si Alle sa pagyakap sakin kaya dali-dali akong lumapit kay kuya Andrew para yumakap.
"Kuya Andrew i miss you." Naiiyak na sabi ko. Pero si Kuya parang naistatwa sa kinatatayuan niya. Hindi nagsasalita at gumagalaw. Nung binatukan lang siya ni Alle tska siya natauhan.
"Bunso ikaw nga! Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na pala? eh di sana hinintay ka namin nila Alle sa Airport."
"Ito ang tinatawag na surprise kuya." Nakangisi kong turan.
"Sino ba ang kausap niyo dyang dalaw--------ANDY!" Magkasabay na sabi pa nila Kuya Alle at Andrei. Dali-dali silang lumapit sakin at yumakap. Mangiyak-ngiyak din sila nung makita ako. Tulo pa nga ang uhog ni Kuya Allen. Hahaha
"Namiss ko kayong lahat." Nakangiti kong sabi kahit tumutulo ang mga luha sa mata ko.
---------
Sina kuya ang nagdala ng mga maleta ko sa loob ng bahay. Pagpasok ko palang nanibago agad ako. Ibang-iba na kasi ang magkakaayos ng gamit dito. Pina-renobate pala ni Kuya Andrew ang bahay. Nilagyan ng kwarto sa baba. Nung tiningnan ko ang kwarto lumapit sakin si Alle.
"Kaninong kwarto to?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti siya sakin. Lumapit din si Kuya Andrew at inakbayan si Alle.
"This is my son's room,bunso. Pinagawa ko ito nung nalaman kong buntis si Alle." Paliwanag ni Kuya Andrew. Tumango-tango naman si Alle. Tiningnan ko silang dalawa. Hindi ko akalain na sila pala ang magkakatuluyan. Si Alle kasi lahat ng makitang gwapo crush na niya tapos si Kuya Andrew naman parang walang pakialam kahit wala siyang lovelife.
"Im happy for both you Kuya. Hindi ninyo manlang sinabi sakin. Nakakatampo kayo." Nakanguso kong turan. Ginulo naman ni Kuya ang buhok.
"Alam kong masaya ka sa Macau kasama si Papa kaya hindi na namin sinabi." Kuya said.
"Magpapahinga muna ako Kuya. Kapagod ang byahe."
"Okay. Nagkita na ba kayo ni Kenjie?" Sa tanong ni Kuya,doon ako biglang naistatwa. Umiling lang ako tska umakyat papunta sa kwarto ko.
Simula nung umalis ako,wala na akong balita kay Kenjie. Pero bago ako makarating sa Macau,tawag siya ng tawag. Text ng Text. Nagmamakaawa na pakinggan ko ang paliwanag niya pero hindi ko siya pinakinggan. Nasasaktan kasi ako nung malaman ko na magkapatid pala kami. Na hindi pala kami pwede. Kaya nagdesisyon akong umalis kahit alam kong........
Hindi pala talaga kami magkapatid na dalawa.
-----------------
Shemay! This is it! Book 2 is now published. I hope magustuhan niyo.Vote and Comment ❤️
-babyghelo

YOU ARE READING
The Tomboy was Falling (book 2)
RomansaThree Years. Three Years had past. Everything was change. Is she love for him was change too. Started: 09-06-18 Ended: --------- -babyghelo ❤️