Prologue

2K 52 1
                                    

First fictional story ever! Haha! Wala ito sa balak ko. Tanging ang non-fictional na He's A Magnet lang talaga dapat ang isusulat ko pero, heto ang My Superstar! BUWHAHAHA!

Anyways, support this story please? VOTE COMMENT SHARE okay? :)

Ang lahat po ng ito ay pawing kathang isip lamang. Kung may kaparehas man sa ibang story ang character names, at iba pa sadyang coincidence lamang ito. Lahat ng nandito ay kabulastugan lang ng author. Maraming salamat po.

Habang ini-edit ko to e sa katunayan, meron akong APAT na exam kinabukasan. Tapos APAT na major pa yun! OHA! Tindi ano? Lol wag ninyo ako gagayahin. Mag-aral kayong mabuti haha

Okay, enough chitchatssss..

Heto na ang revised prologue ng My Superstar *wink hindi ko pa matatawag na edited to kasi itong prologue at ilang first chapters ang i-rerevise ko. Next time na ang editing, okay? *wink

--

Prologue:

Ang buhay ko ay puno ng mga taong mapagmahal sakin. Ang mga magulang ko, ang grandparents ko, ang mga kabarkada ko at syempre ang boyfriend ko.

I have the perfect life. Hindi man ako lumaki sa marangyang buhay, namulat man ako sa maingay at magulong pamayanan e ayos lang basta kasa-kasama ko ang mga taong mahal ko sa buhay.

Yung papa ko na laki sa yaman, kahit na nawalan siya ng mana e nagsisikap siya na maitaguyod ang pamilyang nabuo nila ni mama. Kahit na ayaw ng lolo ko sa kaniya, hindi ito nagiging hadlang sa pakikitungo ng maayos sakin ng mga grandparents ko.

Oo, kilala ang pamilyang pinanggalingan ni tatay pero masisisi ba natin ang puso ng nagmamahalan ng tunay? Na-in love si tatay kay nanay eh. Ganun talaga.

Buti nga e hindi pumayag ang papa ko sa fixed marriage na ibinabato sa kaniya. Eh di sana, walang magandang 'ako' sa mundong ibabaw na kinababaliwan ng boyfriend ko.

Speaking of him, napaka-swerte ko sa lalaking tulad niya. Napakasipag niya sa lahat ng bagay. Sa katunayan pa niyan, hindi naman talaga ako ang niligawan niya nung mga panahon na hindi pa kami. Maniwala man kayo sa hindi, ang mga magulang ko ang niligawan niya.

Ang tindi ano?

Matagal na kaming magkaibagan. Actually, childhood friends! Bata palang kami e marami na ang nagsasabi na kakaiba ang chemistry namin. Imagine, sa mga kalokohan ako ang pasimuno siya ang kanang kamay ko.

Partners' in crime kumbaga!

Kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit nagkaroon ng 'something' samin paglaki namin. Nung una pa nga e hindi ko pinapansin ang feelings ko sa kaniya kasi pakiramdam ko, magmumuka lang akong tanga. Isa pa, isa siyang gwapong nilalang.

Hindi yung mga tipong Alden Richards, Daniel Padilla o James Reid. Pero siya kasi yung lalaking napaka-lakas ng appeal. Yung pag-ngiti niya, yung nawawala niyang mata kapag tumatawa siya, yung palangiti niyang muka. Idagdag pa yung positive vibes na lagi niyang nilalabas.

Sinong babae ang hindi maghahangad ng tulad niya?

Kaya nga, hindi na ako nagtaka pa kung bakit kinaiinggitan ako sa barkada dahil ako pa ang napili niyang mahalin. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya dahil sa friendly aura niya. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit may ahas na umagaw sa kaniya.

Pinapahalagahan ko siya pero syempre, lalaki siya at tao rin naman kaya nagkakamali. Kung sinabi niya sakin na isang pagkakamali lang ang nangyari sa kanila nung ahas na iyon e malamang, mapapatawad ko pa siya.

My Superstar (Original) (Cringey Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon